CHAPTER 25
Pumikit si Andrei at nag dasal. "Amang nasa langit. Maraming maraming salamat dahil.. binigyan niyo po ako.. ng pagkakataon na.. na makilala si Catherine.. mar.. maraming maraming salamat po Ama. Pe..pero.. nakikiusap ako sa inyo na huwag niyo pong kukuhain si Catherine sa.. sa akin.. pakiusap po.. paki.. pakiusap." Umiiyak na dasal ni Andrei.
Biglang nagkaroon ng nakakasilaw na liwanag mula sa likuran ni Andrei.
Napalingon si Andrei. Napatingin din si Catherine sa liwanag na iyon.
Nakangiting lumabas si San Pedro mula sa liwanag na iyon.
Nanlaki ang mga mata ni Andrei nang makita si San Pedro. Pinunasan ang mga luha sa kanyang pisngi at tumayo. "Te.. teka!! Ikaw yung.. yung taxi driver na kausap ko kahapon ha!!"
"Tama ka Andrei. Ako nga iyon." Nakangiting sagot ni San Pedro.
"Pero.. pero anong ginagawa mo dito? At.. at bakit ganyan ang suot mo?"
"Ako.. si San Pedro. Ang anghel ng buhay at kamatayan."
"Ikaw si.. si San Pedro?"
Bumangon mula sa pagkakahiga si Catherine. "San Pedro? Anong ginagawa mo dito? Susunduin mo na ba ako?" Nang hihinang tinanong ni Catherine kay San Pedro.
Hindi sumagot si San Pedro. Dahan dahan itong lumapit kay Catherine at pagkatapos ay hinawakan ang noo ni Catherine.
Himalang bumalik sa normal ang anyo ni Catherine. Bumalik din ang dati nitong lakas.
"San Pedro. Anong ginagawa mo dito? Susunduin mo na ba ako papunta ng langit?" Muling tinanong ni Catherine.
"Catherine. May dalawampu't apat na oras ka na lang na pwedeng manatili dito sa lupa." Seryosong sagot ni San Pedro.
"24 na oras??" Si Andrei.
"Ibig sabihin mo ba ay bukas ng ganitong oras mo ako susunduin. San Pedro?" Si Catherine.
Nag buntong hininga si San Pedro. "Tama ka Catherine."
"Pero San Pedro. Hindi pa ako handang iwan ang mundong ito. Hindi pa ako handang iwanan si Andrei. San Pedro.. sabihin mo sa akin na nag bibiro ka lang!" Pag mamakaawa ni Catherine.
Hindi na sumagot si San Pedro. Tumalikod na lang ito at pagkatapos ay nawala na parang bula.
Napapikit si Andrei sa sobrang kalungkutan. Muling bumagsak ang mga luha sa kanyang mga mata. "Tsk."
Tumayo si Catherine mula sa kama. "Andrei.. Andreii." Umiiyak na niyakap si Andrei.
Niyakap din ni Andrei ng mahigpit si Catherine.
"Andrei.. hindi pa ako handa.. ayoko pang umalis.. ayoko pa. Ayoko pa.. gusto ko kitang makasama habang buhay Andrei.. Andreiii.. huu.." Umiiyak na sinabi ni Catherine.
Hindi sumasagot si Andrei. Nakayakap lang ito kay Catherine habang umiiyak din.
"...Andrei. Anong gagawin natin?? Ayokong mahiwalay sayo. Ayokoo.. ayokoo... huu.. Andrei."
"Shhhhh... Catherine. Be strong."
"Paano ako magiging malakas kung sayo ko lang kinukuha ang bagay na iyon Andrei?? Sayo lang ako kumukuha ng lakas at pag asaaa.. huu.. Andreii." Dahan dahan na umupo si Catherine sa sahig.
Tumalikod si Andrei. "AaaaHhhhHhHhh!!!" Malakas na sumigaw si Andrei. Galit na galit ito habang umiiyak.
"Andreii.. tulungan mo akooo.. ayoko pang umalis.. ayoko pang pumunta sa purgatoryo.. ayoko pang iwan ang mundong ito.. tulungan mo ako Andreii.. nag mamakaawa akooo.."
Sa sobrang galit na nararamdaman ni Andrei.. lahat ng makita niyang gamit sa kanyang kwarto ay pinag babato niya sa sahig. "AaaahhhHhhhHh!!!"
Nag kalat ang mga gamit sa buong paligid.
Si Catherine naman ay patuloy na umiiyak.
Biglang pumasok ng kwarto si Jeho. "Andrei!! Catherine!! Anong nangyayari??"
"Jeho. May 24 oras na binibigay sa akin si San Pedro para manatili dito sa lupa. Ayoko pang umalis.. ayoko pang iwan ang mundo Jeho.. anong gagawin ko?? Tulungan mo ako Jehooo.. tulungan mo akoo.." Umiiyak na sagot ni Catherine.
Tumingala si Jeho. Halata sa mukha niya ang lunkot.
Lumalit si Andrei kay Jeho. Umiiyak. "Jeho.. alam kong may iba kang alam o paraan para manatili dito sa lupa si Catherine. Diba? Alam kong may alam ka. Sabihin mo na sa amin Jeho. Sige na oh."
"Andrei.."
"..Jeho. Nag mamakaawa ako sayo. Sabihin mo sa amin kung anong dapat namin gawin? Lahat ng gusto mo ibibigay ko. Tulungan mo lang kami. Jeho. Pakiusap."
Hindi sumagot si Jeho. Yumuko lang ito na ang ibig sabihin ay wala ng ibang paraan.
"...Jeho naman. Kapatid mo naman ako eh. Ito lang ang kaligayahan ko. Si Catherine.. Si Catherine lang ang nagbibigay ng saya at kulay sa mundo ko. Hindi ko kayang mawala si Catherine. Pakiusap. Tulungan mo kami. Anong dapat namin gawin??" Patuloy na umiiyak si Andrei.
Malunkot ang mukha ni Jeho. Tumingin kay Catherine. "Patawarin niyo ako. Pero wala ng ibang paraan. Ang langit na ang nag desisyon."
"Jeho naman.." Si Andrei.
"...wala ng ibang paraan eh. Patawarin niyo ako pero.. kailangan niyong tanggapin ang lahat ng ito. Multo si Catherine. Patay na si Catherine kaya tanggapin na lang natin ang lahat. Wala na tayong magagawa. Wala ng ibang paraan. Patawad. Andrei.. Patawad Catherine." Dagdag pa ni Jeho.
Nag buntong hininga si Andrei at pagkatapos ay umiiyak itong lumabas ng kwarto.
Si Catherine naman ay patuloy din na umiiyak.
At wala na silang magawa nung gabing iyon kundi ang umiyak na lang. Wala na silang maisip na ibang paraan kundi tanggapin ang katotohanan. Na si Catherine ay patay na at isang multo na lang na kailangan ng lisanin ang mundo ng mga taong buhay pa.
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
FantasyHighest ranking achieved : #25 in Fantasy Fantasy, Mystery, Romance and Comedy. Sa unang araw ng school ay malalaman nina Andrei at Catherine na matagal na pala silang niloloko ng mga karelasyon nila na sina Marco at Anna. Upang makapag higan...