A BIG SURPRISE

2.8K 51 15
                                    

CHAPTER 18

  Dinala ni Senji si Pong sa likod ng bahay ni Marco. Walang katao tao at tanging silang dalawa lang ang nandoon.
   "Bakit dito mo ako dinala? Anong meron dito?" Tanong ni Pong.
   "Wala lang. Para naman makausap kita ng maayos." Sagot ni Senji.
   Nag crossed arms si Pong. "Ano pa ba ang mga pag uusapan natin? Nasabi ko na sayo na may boyfriend ako at hindi ako interested sa'yo. Sumayaw na rin tayo at nakiparty. Ano pa ba ang ginagawa natin? Pwede bang pumasok na tayo ng bahay dahil my gosshh.. nilalamok na ako. Tignan mo oh! Kinagat na ako ng lamok! Ewww.. so please? Pumasok na tayo sa loob ng bahay. Baka hinihintay na tayo nila Marco sa loob." Maarteng sinabi ni Pong.
   "Hindi pwede."
   "At bakit hindi pwede? Ikaw ba ang masusunod?"
   "Hmmm.. hindi ba ay dapat ako ang masunod dahil ako ang lalake?"
   "Tsss.. wala na tayong pag uusapan." Nag umpisa ng maglakad papalayo si Pong.
   "Marami pa tayong pag uusapan. Ano ang totoo mong trabaho?"
   Biglang napahinto si Pong sa paglalakad. "Trabaho ko? Ahmm.. unemployed ako. Okay na ba?"
   "Ahh.. unemployed ka ba talaga? Hindi ka ba talaga isang.. detective? Pong..klita?"
   Biglang kinabahan si Pong. Unti unti niyang tinignan si Senji mula sa likuran niya. Nanlaki ang mga mata ni Pong na may hawak na baril si Senji.
   Tinutok ni Senji ang dalang baril kay Pong. "Anong ginagawa mo dito? Detective Pong? Bakit ka nandito? Ano ang mga pinaplano mo?"
   Ngumiti si Pong. "Tama ka. Isa akong detective. Isang magaling na magaling na detective. Ako kaya ang pinaka magaling at pinaka batang detective sa buong pilipinas.  Alam mo ba na ang case lang ni Catherine Chen ang pinaka mahirap na case na nahawakan ko? Pero.. ito rin ang pinaka nag eenjoy ako."
   "Case ni.. ni Catherine Chen?" Nanlaki ang mga mata ni Senji. "Hind.. hindi ako ang pumatay kay Catherine!"
   "Kung hindi ikaw.. eh sino? Yung kaibigan mo bang si Marco?"
   "Wala kaming alam sa mga sinasabi mo. Hindi kami ang pumatay kay Catherine!"
   "Kung hindi ikaw.. kung hindi si Marco.. Sino kaya? Eh kayong dalawa lang naman ang mga huling kasama ni Catherine nung gabing namatay siya!"
   "Tumahimik ka kung ayaw mong iputok ko ang baril na ito sa ulo mo!"
   Ngumiti si Pong. "Ituloy mo."
   Nanginginig na ang mga kamay ni Senji. Pinagpapawisan na siya ng malamig sa sobrang takot.
   "Oh Senji.. bakit yata.. bigla kang natakot? Ituloy mo. Barilin mo ako. Patayin mo ako. Hindi mo ba kaya? Bakit? Dahil ba.. kilalang kilala ako sa buong pilipinas kaya madali lang na lutasin kung sino ang pumatay sa akin?"
   "Tumigil ka na.."
   "IBABA MO ANG BARIL!" Boses ng isang lalaki mula sa likuran ni Senji.
   Napalingon si Senji. Laking gulat naman niya nang makita ang mga pulis na nasa likuran niya. May mga hawak din itong baril na nakatutok sa kanya.
   Hindi alam ni Senji kung ibababa niya ang baril na nakatutok kay Pong.
   "UULITIN NAMIN. IBABA MO ANG BARIL KUNG AYAW MONG MASAKTAN!" Sinabi pa ng isang pulis.
   "Senji. Makipag cooperate ka na lang sa mga pulis kung ayaw mong lumaki pa ang gulo na ito." Si Pong.
   "Ba.. bakit may mga pulis dito?" Takot na takot na tinanong ni Senji.
   "Hindi ko rin alam." Sagot naman ni Pong. Hindi rin talaga alam ni Pong kung bakit may mga pulis doon. Hindi rin sila tumawag ng mga pulis kaya nagtataka rin siya.
   Binaba ni Senji sa lapag ang hawak na baril at pagkatapos ay itinaas ang dalawang kamay. "Maniwala kayo sa akin.. hindi ako ang pumatay kay Catherine! Hindi ako ang pumatay! Inusente ako! Maniwala kayo sa akin!"
   Lumapit ang mga pulis kay Senji at pagkatapos ay pinosasan ito.
   "Maniwala kayo sakin. Hindi ako ang pumatay kay Catherine!" Dagdag pa ni Senji.
   Hindi siya pinansin ng mga pulis.
   Lumapit ang isang pulis kay Pong. "Miss. Okay lang ba kayo?"
   Ngumiti si Pong at pagkatapos ay inalis ang suot na wig. "Okay lang ako."
   "De.. detective Pong? Anong.. ginagawa niyo dito?"
   "I am on my duty. Ikaw? Kayo? Anong ginagawa niyo dito? Sino ang nagpatawag sa inyo dito?"
   "Ah.. si Miss Anna Riz po."
   "Si Annaaa? At bakit niya kayo pinapunta dito??" Tanong ni Pong.

...

   Unti unting minulat ni Andrei ang mga mata niya. Napahawak na lang siya sa ulo niya dahil sa sobrang sakit nito. Nanghihina pa rin siya pero pinilit pa rin niyang bumangon.
   "Tss.. Catherine.. Catherine?" Naalala pa rin niya si Catherine. Alam niyang nasa panganib ito dahil nasa loob sila ng bahay ni Marco.
   Nilibot niya ng tingin ang buong kwarto. "Catherineeee!" Pinatay niya muna ang naka sinding kandila at pagkatapos ay tuluyan na siyang tumayo.
   Nag madali siyang lumabas ng kwarto para naman hanapin si Catherine gamit ang katawan ni Ashley.
   Isang katulong ang lumapit sa kanya. "Sir. May problema po ba?"
   "Ahh.. may nakita ba kayong magandang babae. Ganito siya katangkad.. ahmm. Naka pulang dress siya."
   "Naku. Wala po Sir eh. Baka po nasa labas po siya?"
   "Salamat." Sagot ni Andrei. Nag buntong hininga muna siya at Pag katapos ay hinawakan ang ulo. Sobrang sakit pa rin ng ulo niya dahil sa nakakahilong amoy ng kandila.
   Inisip niya na baka nasa labas si Catherine gamit ang katawan ni Ashley.
   Nag pasya siyang lumabas ng bahay.
   Madami pa rin bisita ang nasa labas. Nag sasaya, sumasayaw sa mga magagandang tugtugin, umiinom ng alak, ang iba naman ay masayang nag uusap.
   Nilibot niya ang tingin sa paligid. Hindi pa rin niya makita si Ashley.
   Maya maya pa ay nakita niya si Pong. Naka suot na ito ng pang lalaking damit.
   Agad niya itong nilapitan. "Pong! Anong nangyari? Bakit may mga pulis? Akala ko ba ay hindi tayo tatawag ng mga pulis?"
   "Hindi ko rin alam kung bakit sila nandito pero si Anna ang nag papunta sa kanila dito." Sagot ni Pong.
   "Pero bakit? Anong binabalak ni Anna?"
   "Huwag kang mag alala.. nasa panig natin sila. Hinuli na nila si Senji."
   "Hinuli? Bakit? Anong meron? Naguguluhan ako!"
   "Nakita nilang tinutukan ako ng baril ni Senji kaya nila hinuli ito."
   "Eh bakit nga nandito ang mga pulis?"
   Ngumiti si Pong. "Basta. Mag hintay hintay ka na lang. There will be a big surprise para kay Marco. Teka.. nasaan si Ashley?"
   "Iyon nga din ang gusto ko rin itanong sa'yo. Nag paalam kasi siyang pumunta ng C.R pero.. pero hindi na siya bumalik. Si Marco, nag sindi siya ng kandila at nahilo ako at nawalan ako ng malay dahil sa amoy na iyon."
   "Huwag kang mag alala. Pinapunta ko na sa loob ng bahay ni Marco ang mga pulis."
   Hinawakan ulit ni Andrei ang ulo niya.
   "Andrei.. okay ka lang ba?" Si Pong.
   "Okay lang ako. Sobrang sakit lang ng ulo ko dahil sa amoy ng kandila."
   "Uminom ka muna ng tubig. Ito oh. Inumin mo ito." Ibinigay ni Pong ang dala niyang bottled water kay Andrei.
   "Salamat Pong." Ininom naman ito ni Andrei.

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon