DOUBLE TROUBLE

2.7K 75 3
                                    

CHAPTER 6

   Agad na lumabas si Andrei para kausapin ang mga pulis.
   "Ano po ang problema?" Tanong ni Andrei sa mga pulis.
   "May nakapag report po samin na may mga pinag babawal na gamot dito sa loob ng bahay ninyo." Sagot ng isa.
   "Paanong nangyari iyon? Eto.. eto ang drug test ko! Kumuha ako niyan kanina lang. Pwede na ba yan maging proweba na hindi talaga ako gumagamit ng drugs?"
   Tinignan ng isang pulis ang papel na iniaabot ni Andrei. "Sir, negative ang result ng drug test nyo pero kailangan pa rin po namin icheck ang buong bahay ninyo. Makipag cooperate lang po kayo sa amin ng maayos para po walang gulo na maganap."
   "Gusto ko munang malaman kung sino ang nag sumbong sa inyo na may drugs dito sa loob ng bahay namin bago ko kayo payagan."
   "Sir, pasensya na po pero hindi po pwede."
   Wala ng magawa si Andrei. "Sige, icheck ninyo ang buong bahay namin."
   Lumapit naman si Yaya Teresa kay Andrei. "Anak, sigurado ka ba? Pinapayagan mo sila na icheck ang buong bahay natin?"
   "Wala naman tayong magagawa Yaya. At isa pa, wala rin naman tayong dapat ikatakot dahil wala naman tayong tinatago."

...

   Mabilis na pumasok ang mga pulis sa loob ng bahay nila Andrei para icheck ang buong bahay.
   Inuna nila ang dalawang kwarto na pagmamay ari nina Andrei at Yaya Teressa. Sinunod naman ang sala, ang mga CR at huling chineck ang kusina.
   Tumagal ng halos dalawang oras ang mga police sa pag hahanap ng droga sa loob ng bahay nila Andrei. Gabi na silang natapos.
   Lumapit ang isang police kay Andrei. "Sir, pasensya na po sa abala namin. Wala po kaming nakitang droga o kahit anong pinagbabawal na gamot dito sa loob ng bahay ninyo."
   "Tapos na ba kayo? Pwede na ba kayong umalis sa bahay namin para naman makapag pahinga na kami?" Tanong ni Andrei.
   "Yes Sir. Paalis na rin po kami. Guys!!! Let's go!" Sinabi ng isa at sabay sabay ang lahat na lumabas ng buong bahay.
   Lumabas din si Andrei para isara ang gate. Bigla naman niyang nakita si Catherine na naka upo lang sa sahig at nakatingin sa kawalan.
   Nilapitan niya ito. "Hoy! Multo! Ano pang ginagawa mo dito?"
   Tumayo si Catherine at tumingin kay Andrei. "Hindi ba halata kung anong ginagawa ko? Naka upo tapos naka tayo na ngayon."
   "Tss.. baka nakakalimutan mo, marami kang kasalanan sakin. Pwede ka naman sumagot ng maayos. What I meant to ask, bakit nandito ka pa sa bahay namin. Kelan mo ba ako lulubayan?"
   "Hangang nandito ako sa mundo ng mga tao, never ever ever kitang lulubayan."
   Nag buntong hininga si Andrei. "Kumain ka na ba?"
   "Nakaka limutan mo yatang multo ako at hindi ako nagugutom. Pero kung yayayain mo akong kumain, edi go go go!"
   "Hindi ko nakaka limutan na multo ka. Tinanong kita kung kumain ka na dahil kung hindi pa, pwede kang umuwi sa bahay niyo para kumain."
   "Bakit ba ang sungit sungit mo?"
   "Eh kasi ang daming problemang dumating simula nang nakilala kita." Napatingin si Andrei sa labas ng bahay nila. May napansin siyang lalake na naka takip ang mukha ng bonet at kinukuhaan siya ng Video.
   "Shit. Hoy!!!! Sino ka???" Sinigaw ni Andrei at pag katapos ay mabilis na lumabas ng bahay para hulihin ang lalake.
   Sinundan din ni Catherine si Andrei.
   Mabilis din tumakbo ang lalake at parang bula na biglang nawala.
   "Shit!!! Nasaan siya?? Saan siya pumunta??" Tanong ni Andrei habang naka tingin sa buong paligid.
   "Andrei. Sino ang nakita mo?" Tanong ni Catherine.
   "May nakita akong lalake na naka takip ng bonet ang mukha. Kinukuhaan na niya ako ng video. Sigurado akong siya din ang taong nag upload ng mga videos ko sa mga social media."
   "Andrei. Makinig ka sakin. May importante akong sasabihin sayo bago ako umalis." Seryosong sinabi ni Catherine.
   "Importante? Baka naman kalokohan lang ulit yan Catherine?"
   "Seryoso ako. Sobrang importante itong sasabihin ko!"
   "Sige. Mag usap tayo sa kwarto ko. Huwag dito. Baka nandyan lang sa paligid ang lalakeng nakita ko at nag mamasid lang satin." Sagot ni Andrei at mabilis na pumasok ng bahay.
   Pumasok din sa loob ng bahay si Catherine gamit naman ang mga pader para sundan si Andrei.

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon