"Huwag niyo akong kalilimutan sa paghihiwa-hiwalay natin, ah," wika ni Carl na nakasuot ng toga, habang nasa harapan niya ang iba pa niyang mga kaklaseng gaya niya ay nakasuot din ng toga.
Ang kanilang silid-aralan na dating puno ng asaran at kuwentuhan ay napuno ng mga pamamaalam. Samantala, dinig pa rin hanggang doon ang tunog ng sound system na nagmumula sa social hall. Tunog na nagpapaalalang isang mahirap na yugto na naman ng pag-aaral ang natapos.
Ngumisi naman si Erica sabay sabi, "Hindi ko makalilimutan ang klaseng ito kahit siguro hanggang sa pagtanda ko."
Sino nga ba naman ang hindi makakalimot sa klaseng iyon? Napakasikat ng section nila para makalimutan-sila ang tinaguriang worst batch. Bagamat nasa special section sila dahil sa kanilang katalinuhan, kaya sila sikat, napakagulo naman nila dahil sa hindi kagandahang asal nila.
Hindi naman mapigilan ng estudyanteng iyon ang kaniyang ngiti. Mga ngiti na nasa likod n'on ay may lihim na ibang kahulugan.
"By the way, I hope to see you after 5 years," dagdag pa ni Erica, at inayos niyo ang kaniyang mahabang buhok.
"Nasaan na nga pala 'yong sinasabi mong farewell gifts mo sa amin?" tanong naman ni Mariel, kaya napatayo si Carl, at dahan-dahang itinulak ang malaking kahon sa harap.
Hirap pa siyang hilain ang karton subalit walang tumulong sa kaniya upang dalhin iyon sa harap. Tila napakaraming laman ng kahon na iyon, subalit gaya ng dati, walang umalok ng tulong sa kanya.
Nang mahila niya na iyon sa harap, isa-isa namang nagsilapitan ang kaniyang mga kaklase upang usisain kung ano ang laman niyon. Nag-unahan sila sa pagbubukas ng kahon na parang mga batang naghahanap ng kendi sa grocery na inuwi ng kanilang magulang.
"Wow! Portraits ba namin iyan?" tanong ni Bella habang nakaawang ang kaniyang bibig.
Magaling kasi ang binata sa arts, kaya hindi nakapagtataka kung bakit isa-isa niyang ginawan ng portrait ang kaniyang mga kaklase. Tumango naman si Carl bilang pagtugon, at isa-isa niyang ibinigay ang mga portraits.
"Siguradong hinding-hindi ka namin makakalimutan!" tuwang-tuwang saad ng mga kaklase niya sa kaniya.
Bigla namang kumulimlim ang kalangitan kaya biglang naglaho ang sinag ng araw na tumatama sa bintanang jalousie ng kanilang classroom. Bahagya ring dumilim ang paligid, subalit wala man lang nag-switch ng ilaw.
"Dapat lang na hindi niyo ako makalimutan," tugon ni Carl, at napahalakhak nang malakas. Umalingawngaw pa ito sa apat na sulok ng kanilang classroom
Kasabay ng kaniyang paghalakhak ay ang pagkalaglag ni Bella ng kaniyang portrait. Tumalsik ang bubog ng frame sa kaniyang binti at doon ay dumaloy nang tuloy-tuloy ang dugo. Dumaloy ang dugo sa kaniyang binti at pumatak iyon sa sahig na nangingislap pa sa kintab.
Nagsilapitan naman kay Bella ang iba pa niyang mga kaklase upang saklolohan siya, at iginilid ang kaniyang portrait na may bahid na ng dugo. Marami ang nagpresentang tumulong kay Bella, samantalang kanina ay wala ni isa ang tumulong kay Carl na hirap sa pagtulak ng mabigat na kahon.
"Patikim pa lamang iyan," bulong ng isa sa mga estudyante, at ngumisi na tila may masamang binabalak.
"See you after 5 years, classmates. You'll taste my bloody revenge!"
BINABASA MO ANG
✓Evil's Bloody Revenge
Mystery / ThrillerIsang lumang invitation ang natagpuan ni Mariel, at iba pa niyang mga kaklase, sa loob ng frame ng portrait na ibinigay sa kanila ng isa sa mga kaklase nila. Pagkatapos ng limang taon, dahil sa imbitasyon na iyon, nagkaroon sila ng class reunion sa...