Chapter 33

148 18 2
                                    

DUMAMPI sa balat ni Eliana ang malamig na simoy ng hangin. Madaling araw na ngunit wala pa sina Mariel at Leianne. Pigil-hininga siyang naghihintay sa kanila sa sala, samantala ang natitirang niyang mga kaklase ay nasa kuwarto.

Inaamin niya na labis ang kaniyang pambubulalas noon at tila walang kinatatakutan, subalit sa sitwasyon nila ngayon, hindi niya maiwasang makaramdam ng matinding takot.

Unti-unting namamatay ang mga kasama niya. Pakiramdam niya ay siya ang susunod na mamamatay. Mas gugustuhin niya na lang mamatay nang biglaan kesa ma-torture pa siya ng killer.

"E-Eliana..."

Napatayo siya nang sumulpot sa harap niya si Joanne. Napatingin siya sa kamay ni Joanne, my hawak itong matalim na kutsilyo. Napasinghap siya nang kumislap ito dahil tumama ang liwanag ng ilaw.

Umakyat ang takot sa buong katawan ni Eliana at muling napatingin kay Joanne. Nanlambot ang mga tuhod niya at tumayo ang mga balahibo niya.

"Siya ba ang killer? Ako na ba ang isusunod niya? Katapusan ko na ba?" sunod-sunod na tanong ni Eliana sa kaniyang isipan. Napaatras siya nang bahagyang lumapit sa kaniya si Joanne.

"P-please... huwag kang lalapit sa akin!" pagmamakaawa pa ni Eliana. Lumuhod pa siya sa sahig para lang patigilin si Joanne sa paglapit sa kaniya.

Ilang saglit lamang ay napatigil sa paghakbang si Joanne dahil nanginginig ang kaniyang mga kamay. Nabitawan niya rin ang kaniyang kutsilyo. Imbes na pulutin niya iyon ay dali-dali siyang tumakbo papalayo.

Naiwan naman si Eliana na lumuluha sa lapag habang nakahawak sa kaniyang dibdib. Mabilis pa rin ang pagkabog nito dahil sa takot. Pilit naman siyang tumatayo subalit nanghihina ang kaniyang tuhod.

"Papatayin talaga kita, Joanne... u-unahan kita!"

SA kuwarto naman ay tahimik na nagkatinginan ang mga natitirang magkaklase. Sina Erica, Mich, Mae, at Rae. Pare-pareho ang tumatakbo sa isip nila: kung hindi isa sa magkakaibigang sina Mariel ang killer, tiyak na isa sa kanilang apat ang pumapatay.

"Ano na ang gagawin natin? Patay na sina Jelyn, walo na lang tayong natitira," malamig na saad ni Erica kina Mich, subalit napataas ang kaniyang kilay nang tignan siya ni Mich ng makahulugan at napatawa.

"Walo na lang tayong natitira. Aminin mo na kasi na ikaw ang pumapatay," sumbat sa kanya ni Mich. Maging sina Mae at Rae ay sumang-ayon sa sinabi ni Mich.

Napatayo naman si Erica habang nakapamewang. Siguradong nagpanting ang kaniyang mga tainga nang ibintang sa kaniya na siya ang killer. Ngayon ay alam niya na ang pakiramdam ng napagbibintangan.

"Hindi ako ang killer! Hindi ko hahayang masunog ako sa impyerno dahil lang sa inyo! At higit sa lahat, wala kang ebidensya na ako ang killer!" Dinuro-duro pa niya si Mich at akma siyang sasampalin.

"Tumigil na kayo sa pagtatalo. Sa tingin niyo mahuhuli natin ang killer 'pag nag-aaway tayo?" panunuway ni Rae kaya dumistansya na lamang si Erica sa kanila.

"Kung ganon, ano ang gagawin natin?" tanong na lamang ni Mae para maiba ang usapan.

"Gagawin NIYO," pagtatama ni Erica. Tinignan niya rin nang matalim si Mich. "Bakit niyo ako isasama sa plano niyo? Paano kung mapatay ako dahil lang diyan?"

"Ano ba naman, Erica? Kailangan nating magtulungan lahat! Aminin natin na hindi natin kayang mag-isa ito, na kailangan natin ng tulong ng bawat isa," inis na saad ni Rae at napasapo pa sa kaniyang noo.

"Eh, anong gagawin natin?" napilitang tanong ni Erica habang magkasalubong ang kaniyang mga kilay.

"Hahalughugin natin ang buong mansyon. At sigurado ako kung saan natin puwedeng matagpuan ang killer," makahulugang sabi ni Mich kaya napatingin si Erica sa kaniya. Tila alam na alam na niya kung saan nagtatago ang killer.

✓Evil's Bloody RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon