Chapter 34

155 16 7
                                    

DALI-DALI bumalik sina Mariel at Leianne kina Eliana, ngunit laking gulat ni Mariel nang makitang nakaluhod na si Eliana sa sahig habang umiiyak. Mahigpit din ang pagkakahawak niya sa kutsilyo.

"Eliana! Anong nagyari?" Patakbong lumapit sina Mariel at Leianne kay Eliana, at inalalayan siya sa pag-upo sa sofa. Hindi naman kaagad nakasagot si Eliana dahil hikbi lamang siya nang hikbi.

"U-Uyyy... ano ba kasi ang nangyari?" tanong din ni Leianne at hinaplos ang likod ni Eliana.

Nang kumalma na si Eliana ay isinalaysay niya kung ano ang ginawa sa kaniya ni Joanne kanina. Sina Mariel at Leianne naman na nakikinig ay napatakip sa kanilang mga bibig.

Hindi makanapaniwala si Mariel sa narinig niya. Hindi niya akalaing matutuklasan na nila kung sino ang totoong salarin sa mga karumaldumal na pagpatatay. Ngayon ay malinaw na sa kaniya kung sino ang gustong maghiganti sa kanila—si Joanne. Subalit hindi pa rin niya maisip kung bakit pati si Geam ay idinamay niya, tapos si Eliana naman ay pagtatangkaan niya.

Punong-puno ng pagkadismaya at kahihiyan ang puso ni Mariel. Hindi niya akalaing totoo pala ang mga paratang ni Erica.

Pagkalipas ng ilang minute ay papalapit na sa kanila si Joanne na nanggaling sa first floor. Lahat ng takot na naipon ni Mariel ay napalitan ng galit. Malakas na sampal ang pinakawalan niya kay Joanne nang makalapit siya.

"N-Nagkakamali ka Mariel—"

"Sinungaling ka! Paano mo nagawang patayin ang mga kaklase natin? Si Geam na kaibigan mo, paano mo gawang paslangin na parang isang hayop?!" bulyaw ni Mariel at muling sinampal si Joanne.

"Nagkakamali kayo! Hindi ako ang killer! Dala ko ang patalim kanina dahil yayayain ko sana si Eliana para hanapin kayo ni Leianne, pero hindi ko alam na iyon pala ang dahilan kung bakit mas pagihinalaan niyo ako," pagdedepensa ni Joanne sa kaniyang sarili at napahagulgol.

Sa pagkakataong iyon nakaramdaman na naman ng guilt si Mariel. Napagbintangan niya na naman ang kaibigan niya sa pangalawang pagkakataon. Alam ni Mariel kung ano ang nararamdaman ni Joanne dahil ilang beses na rin siyang napagbintangan ng kaniyang mga kaibigan.

Kahit na gan'on, hindi pa rin mabura sa isip ni Mariel ang pagdududa. Hindi kasi sapat ang alibi ng kaniyang kaibigan. Malaki pa rin ang posibilidad na siya nga ang salarin.

"Sorry, patawarin mo sana kami k-kung muli ka na naman naming napagbintangan," saad naman ni Leianne.

Napatango naman nang dahan-dahan si Joanne. Lingid naman si kaalaman ni Joanne, may pagdududa pa rin sina Eliana at Leianne sa kaniya. Hindi pa rin mabura sa isipan nila na baka si Joanne nga ang salarin.

"Sina Erica, nasaan sila?" tanong ni Leianne.

May tila kung anong naramdamang kakaiba at masama si Mariel. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya kasabay ng pagpatak ng mga pawis niya.

"N-Nasa loob lang sila ng kwarto kanina," sagot naman ni Eliana. Napatingin naman si Mariel sa kuwartong tinutukoy ni Eliana at nakitang nakabukas ito.

Dali-dali siyang nagpunta roon at kahit isang tao ay wala siyang nakita. Nag-umpisa na siyang kabahan at kutuban nng masama. Kung wala sila, ibig sabihin may maaaring mangyaring masama sa kanila!

Humahangos siyang lumabas ng kwarto at nanginginig na tumayo sa harap nina Eliana na ngayon ay kinakabahan na rin. Tanging silang apat na lamang ang naroon.

"H-Hanapin natin sina Mich! Wala na sila sa loob!" pag-uulat ni Mariel kaya napatakip sila sila bibig nila dahil sa pagkabigla.

"Nandito lamang ang salarin!" bulalas naman ni Eliana at marahas na hinigit ang braso ni Joanne.

✓Evil's Bloody RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon