Hindi na alam ni Leianne kung ano ang sumunod na nangyari pagkatapos silang hagisan ng sleeping. Siya ang unang nagising sa kanila, kaya nagtungo na lamang siya sa lababo ng kusina para naghilamos.
Ngayon niya lamang din napansin na may suot pa rin pala siyang relo. Nang tignan niya ang oras ay eksaktong alas kuwatro pa lang ng madaling araw. Papalabas siya mula sa kusina nang may narinig siyang mga yabag na sigurado niyang nagmumula sa sala.
Dahan-dahan siyang lumabas, at doon ay nakita niya ang taong nakasuot ng itim na cloak habang may hawak na patalim di kalayuan sa mga natutulog niyang mga kaklase. Hindi niya rin naman mamukhaan kung sino iyon dahil nakamaskara ito ng silver, pero sigurado siyang iyon ang killer.
Nakita niyang naglalakad na papunta sa pinto ang killer, kaya sinundan niya ito nang palihim, pero laking gulat niya nang may paparating na dagger sa kaniya na galing naman sa ibang direksyon.
Agad naman siyang nakaiwas, ngunit napahawak siya sa kaniyang pisngi dahil nadaplisan iyon. Nanlaki na naman ang mga mata niya nang may paparating muli na dagger sa kaniya. Nasalo niya naman kaagad iyon kaya nakahinga siya nang maluwag.
Napangisi si Leainne, at dahan-dahang lumapit sa killer. Itinaas niya ang dagger at handang itarak sa batok ng killer, subalit napakabilis ng pangyayari. Nakatutok na ang dagger sa leeg niya, kaya napapikit siya nang dumiin ito sa gilid ng leeg niya.
"Sino ka ba talaga?" walang emosyong tanong ni Leainne, at pilit tinantanggal ang dagger na nakatutok sa kaniya.
Hindi naman umimik ang salarin na siyang dahilan ng pagkainis niya. Tinadyakan niya patalikod ang killer at inagaw ang dagger sa kaniya. Aatakihin niya na sana muli ang killer ngunit, nanlumo siya nang may panyong tumakip sa kaniyang ilong—siguradong siyang hindi ang killer ang may gawa n'on sa kaniya. Unti-unting nanlabo ang kaniyang paningin at bumagsak sa sahig.
Matapos naman ang pangyayaring iyon, agad lumabas ng mansion ang killer, at pumunta sa pinagtataguan niya ng speed boat. Sa likod ng hall kung saan idinaos ang madugong party nila ay naroon ang speed boat na kinublian niya ng tolda. Agad niya itong hinila papunta sa dulo ng isla, at pinaandar nang mabilis patungo sa pinagtaguan niya kay Ma'am Kate. Wala siyang kaalam-alam na wala siyang madadatnan doon.
"Magbabayad siya sa akin! Siya ang dahilan ng pagiging miserable ng buhay ko!" sambit niya, at dali-dali siyang nagtungo ng pinto at binuksan ito.
Gayon na lamang ang kaniyang pagkagalit nang wala siyang ibang nadatnan doon bukod sa mga nagkalat na gamit.
"Hayop ka!" Pinagtatadyakan niya ang mga gamit na makikita niya dahil sa sobrang galit. Lumapit naman siya sa kama dahil may nakita siyang papel doon na tila may nakasulat.
Hindi ka magtatagumpay sa plano mo. Tandaan mo, papunta ka pa lang pabalik na ako. Hindi ko hahayaang magtagumpay ka sa plano mo, lalo na at ang ama mo ang dahilan ng pagkasira ng buhay namin ng ina ko noon. Hindi ka magtatagumpay!
Pinunit niya ang papel, at agad sumakay sa speed boat dala ang katanungan kung ano ang kinalaman ng ama niya kay Ma'am Kate. Gan'on pa man, nadagdagan na ang nais niya. Iyon ay ang pahirapan ang guro—labis-labis na paghihirap.
MALABO pa rin ang mga mata ni Mariel pagkagising niya, subalit naging malinaw naman iyon nang may narinig siyang sigawang nagmumula sa second floor. "Hindi maaaring may mamatay ulit. 19 na nga lang kami, eh," bulong ni Mariel habang paakyat sa hagdan.
Nanlumo siya nang makita niya ang bangkay nina Rain at Omar na malapit sa sala ng second floor. Napatingin naman siya sa buong klase. Lahat sila ay umiiyak—may mga nagsisigawan at humahagulgol.
BINABASA MO ANG
✓Evil's Bloody Revenge
Mystery / ThrillerIsang lumang invitation ang natagpuan ni Mariel, at iba pa niyang mga kaklase, sa loob ng frame ng portrait na ibinigay sa kanila ng isa sa mga kaklase nila. Pagkatapos ng limang taon, dahil sa imbitasyon na iyon, nagkaroon sila ng class reunion sa...