Chapter 18

160 28 0
                                    

Lingid sa kaalaman nina Mariel at Ced, mayroon ng nakadiskubre sa sekretong pagkikita nila. Kahit pa gaano nag-ingat si Mariel, nasundan pa rin siya ng kaniyang kaklaseng nilalamon din ng mga katungan tungkol sa kung saan-saan siya nagpupunta.

Nanlaki ang mga mata ni Mariel, at halos hindi siya makapagsalita, nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa n'on ang isang babae.

"Mariel, Ced?!"

"Leianne...." pabulong na saad ni Mariel dahil tila may kung anong bumabara sa lalamunan niya.

Napaiwas ng tingin si Ced, at si Mariel naman ay lumapit kay Leainne, at hinawakan ang dalawa niyang kamay.

Marahas namang binawi ni Leianne ang kaniyang kamay. "Ipaliwanag mo nga ito, Mariel! B-Bakit mo ito itinago sa amin?" Bakas din sa boses niya ang pagtatampo.

Todo naman ang dalangin ni Mariel na sana mapatawad siya ng kaniyang kaibigan dahil may rason naman siya kung bakit hindi niya sinabi ang tungkol kay Ced. Mas lalo lang kasing magkakagulo ang lahat kapag nalaman nila, kaya mas mabuti na lang na isekreto ang tungkol doon.

"Ako na ang magpapaliwanag sa kaniya, tutal hindi naman siya ang killer," sabi ni Ced. Si Mariel naman ay nanatiling tahimik, subalit nakahinga siya nang maluwag noong narinig niyang hindi si Leianne ang killer.

"Killer? Kilala mo ang killer? Atsaka paano ka napunta rito?" sunud-sunod na tanong ni Leainne. Ipinaliwanag sa kanyia lahat ni Ced tulad ng pagpapaliwanag niya kay Mariel noong nakaraan.

Panay naman ang pag-awang ng bibig ni Leianne dahil sa mga nalaman niya. Hindi niya akalaing gan'on pala ang nangyari kay Ced. Simula kasi noong iniwan niya si Mariel, nabuo na rin ang galit ni Leianne sa binata.

Sa huli ay matagal na hindi siya nakaimik. Nagi-guilty siya pagtatanim ng galit kay Ced—para na rin kasing kapatid ang turing niya kay Mariel—iyon pala ay idinamay pala siya ng killer na gustong maghiganti sa kanila.

"You mean, hindi talaga totoong iniwan mo si Mariel?" tanong niya pa kaya napatango si Ced. "Pero sino ang killer?" muli na niya na namang tanong. Gaya ni Mariel, marami ring katanungan ang bumabagabag sa isip niya dahil sa pagpapakita ni Ced, at kung ano ang kinalaman niya sa killer.

"Hindi ko pa puwedeng sabihin dahil may plano pa ako," sagot ni Ced.

Agad namang napailing si Leianne bilang pagtutol. "Paano kung namatay na kaming lahat, pero hindi pa rin gumagana ang plano mo? Bakit hindi mo na lang sabihin sa amin ngayon? Marami tayo, tapos mag-isa lang siya!"

"Diyan ka nagkakamali, dahil hindi lang ang killer ang kalaban natin dito. Mas matindi pa, kaya kailangan talaga ng matibay na plano," paglilinaw ni Ced.

Gulat namang napatingin si Leianne sa kanya. Hindi naman na nasorpresa pa si Mariel dahil alam niya na ang tungkol doon.

Mas lalong dumoble ang takot ni Leianne dahil hindi lamang pala ang killer ang kalaban nila. Tuluyan nang gumuguho ang tapang na nanalaytay sa kaniyang dugo simula noong maganap ang mga kahindik-hindik na patayan.

"Kung gano'n, sino pa?"

"Malaking kalaban niyo ang mansion na ito at ang lola niya. Dahil ang mansion na ito ay kuta noon ng mga miyembro ng satanismo. Ang lola ng killer ang kanilang pinakapinuno, at hanggang ngayon ay buhay pa. Higit sa lahat, narito rin siya at nagtatago," pagsasalaysay ni Ced kaya hindi nakakibo ang dalawa.

Sa pagkakataong iyon ay nanlaki na rin ang mga mata ni Mariel. Hindi kasi nabanggit ni Ced noong nakaraan ang tungkol sa satanismo, at ang tungkol sa lola ng killer. Talagang matindi ang hamon na kinahaharap nila.

✓Evil's Bloody RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon