Sa likod ng magara't lumang mansion, mayroong sekretong nakakubli rito. Mahirap maunawaan hangga't hindi pa tuluyang naibubunyag ang katotohanag pilit na pinagtatakpan. At sa oras na mabunyag na ito, hindi na matatakasan pa ang bangungot na dulot nito—kahit pa hanggang sa huling sandal ng buhay.
DALI-DALING lumapit sina Mariel, Eliana, at Leianne sa cabinet upang halug-hugin kung may magagamit ba sila roong mga kumot, ngunit wala silang nakita bukod sa apat na libro na lukot na ang pabalat, at natatakpan pa ng makapal na alikabok.
Napaubo silang tatlo nang punasan nila ang mga libro na puno ng alikabok. Sa sobrang kapal nga ng alikabok na bumabalot sa mga libro ay pwede ng pagtaniman ng kamote.
Napakunot ang noo ni Mariel. "Anong libro naman ang mga iyan?"
Kakaiba ang pabalat nito, kulay pula ito at may nakaguhit na parang isang simbolo na triyanggulo, at sa gitna n'on ay isang nakaguhit na mata, tila ba ang matang iyon ay diretsong nakatitig sa kanila. Lukot-lukot na ang pabalat nito, pero maayos na maayos pa ang book spine.
"Libro Tenebris: Habentis Maleficia"
Napakunot ng noo ang tatlo nang makita nila nang mabasa nila ang pamagat ng isa sa mga libro.
"Anong ibig sabihin niyan?" tanong ni Eliana, at napatingin kay Mariel.
Tinaasan naman ng kilay ni Mariel si Eliana dahil obvious naman na wala siyang ideya tungkol doon. Hindi na lang umimik pa si Mariel dahil ayaw niyang barahin ang kaniyang kaibigan.
"Teka may iba pang libro, parang makapal na notebook, eh," sabi naman ni Leianne, at kinuha ang makapal na itim na libro na naiwan sa ikalawang layer ng cabinet.
"Libro Tenebris," basa ni Mariel sa librong kinuha ni Leianne. "Parang kapareho niya 'yong pamagat n'ong unang libro," dagdag pa niya.
"Bakit may mga ganito rito, at ano ang ibig sabihin ng mga iyan?" tanong na naman ni Eliana.
Pinanliitan na lamang ng tingin ni Mariel sa Eliana dahil makulit din ang kaniyang kaibigan—wala nga siyang ideya tungkol doon. Subalit, nag-umpisa na silang hiwagaan, lalo na si Mariel, kung ano nga ba ang nakakubling sekreto sa mansion bukod pa sa patayang nagaganap.
Binuklat nila ang mga librong halos 'di na mabasa ang mga nakasulat dahil kumupas na ito, atsaka hindi lang din nila maintindihan dahil nakasulat ito sa Latin.
"Teka, may iba pang nandito," ani Mariel na may hinihila sa pinakababang layer ng cabinet, kaya lumapit sila sa kanya, at sinamahan siyang hilain iyon.
"Paano natin 'yan mabubuksan?" tanong ni Leianne habang inaayos ang mga libro sa isang layer ng cabinet.
"Eh 'di magkalkal pa tayo," tugon naman ni Mariel.
"Subukan niyo ito," wika naman ni Eliana, at ipinakita sa kanila ang butong hugis susi na nakuha niya sa pinakababang layer din ng cabinet.
Ipinasok ni Mariel ang buto sa keyhole, at laking gulat nila nang matanggal sa pagkaka-lock ang baul.
"Buksan na natin?" tanong ni Leianne.
Tumango na lamang sina Mariel at Eliana. Dahan-dahan niyang binuksan ang baul, ngunit puno ito ng alikabok pagkabukas nila, kaya pinagpag muna nila ito at halos malaglag na naman ang mga panga nila sa kanilang nakita.
Isang kalansay ang laman ng baul at, may nakasuot na kuwintas sa leeg ang bumungad sa kanila.
"Bakit may kalansay rito?" nagugluhang tanong nila.
"AAAHHH!" napatili silang tatlo nang makita nilang kuminang ang pendant ng kuwintas na kagaya sa simbolong nasa libro
"Isara niyo na 'yan!" utos sa kanila ni Mariel, kaya dali-dali nila itong isinara, at agad itinulak pabalik sa cabinet.
BINABASA MO ANG
✓Evil's Bloody Revenge
Mystery / ThrillerIsang lumang invitation ang natagpuan ni Mariel, at iba pa niyang mga kaklase, sa loob ng frame ng portrait na ibinigay sa kanila ng isa sa mga kaklase nila. Pagkatapos ng limang taon, dahil sa imbitasyon na iyon, nagkaroon sila ng class reunion sa...