Nagising si Mariel na may ngiti sa kaniyang labi. Tila wala siyang papasanin na problema, samanatalang kagabi naman ay naghihinagpis siya. Ang paghihinagpis na lumalamon sa buong sistema niya kagabi ay unti-unting naglaho. Punong-puno na kasi siya ng pag-asa ngayon dahil sa planong sinabi ni Ma'am Kate. Nabuhay ang paniniwala niyang makababalik din siya sa kaniyang daddy.
Hanggang sa pagbangon niya ay nakaukit pa rin ang ngiti niya habang pinagmasdan ang buong klase. Napahinga pa siya nang maluwag dahil kumpletong silang bente, walang bagong napatay.
Bigla namang nabura ang ngiti niya nang marinig niya nang magsagutan sina Bella at Mae sa may hagdan pababa sa first floor; inaawat naman sila ni Mich at Rae.
"Mae, umamin ka, hindi ba ikaw ang pumatay kina Sharrie at sa iba pa?" diretsahang tanong ni Bella at ngumisi. Kitang-kita ni Mariel ang panlalaki ang mga mata Mae na nag-iwas ng tingin.
"Bakit ako?" tanong naman nito pabalik.
Napaisip naman si Mariel kung bakit nga ba si Mae ang pinagbibintangan ni Bella. Kung sa bagay, si Mae lang naman ang may matinding pagkainis kay Sharrie. Mukha mang imposible siyang pumatay, pero hindi ikakaila ang posibilidad na maaaring kaya niya nga ring gumawa ng gan'on krimen.
Tinaasan naman ni Bella ng kilay si Mae. "Ikaw lang naman ang tumatawag ng anaconda kay Sharrie, 'di ba?"
"Eh, ano naman ngayon? Bagay lang sa kaniya 'yon!" sigaw sa kaniya ni Mae, at tinalikuran siya, kaya marahas niyang hinigit ang braso ng kaklase.
"Tandaan mo ito, Mae, hindi ka magtatagumapay! Uunahan kitang mamamatay tao ka!" may diing bulong ni Bella na tila nagbabanta. Hindi naman na iyon narining pa ni Mariel, kaya ibinaling niya na lang ang tingin niya sa ibang direksyon.
ALAS otso na ng umaga nang maisipang maghalughog ni Mariel sa kusina. Mabuti na lamang ay may natagpuan siyang supply ng mga pagkain, gaya ng cup noodles, canned goods, gatas, at biscuits, sa hanging cabinet sa may itaas ng lutuan.
Kumuha siya ng isang cup noddles, at nilagyan ng mainit na tubig na pinakuluan niya habang naghahalungkat siya, at dinala sa taas. Kumuha rin ng iba pang pagkain ang mga kaibigan niya, at sumunod sa kaniya.
Nang makita ng mga kaklase nila na kumakain na sina Mariel ay nagsibabaan na rin sila para kumuha ng makakain nila.
"Anong gagawin niyo kapag nakita niyo na lang na bangkay na ako?" tanong bigla ni Geam. Napadaing naman si Mariel nang mapaso ang dila niya, dahil sa mainit na sabay, nang tanungin iyon ni Geam.
"Anong mamamatay? Uunahin nating patayin ang killer para hindi tayo mamatay," sagot naman ni Leianne, sabay lapag ng cup noodles sa kaniyang tabi.
Matamlay namang ngumiti si Geam. Kapansin-pansin ding namumutla siya. "Basta, tandaan niyong apat na mahalaga kayo sa akin."
Hindi naman mawari ni Mariel kung bakit tila may nararamdaman siyang kakaiba. Pakiramdam niya ay parang may mali. Hindi niya lang matukoy kung ano iyon. Sinasabayan pa man din iyon ng pagbundol ng kaba sa kaniyang dibdib.
MABILIS na lumipas ang oras. Ang kaninang tirik na tirik na araw, dahil nawala na ang sama ng panahon, ay unti-unti ng lumulubog. Inaagaw na rin ng kadiliman ang buong paligid, hanggang sa tuluyang sumapit na ang oras ng pagluluto ng hapunan.
Pinagmasdan naman ng killer sina Jenn at Bella na nagluluto ng hapunan. Naalala niya tuloy noong naging kaibigan niya sila; sila ang naging kasama niya palagi at sinasabihan niya ng mga sekreto.
Subalit isang araw, noong pumutok ang scandal na hindi naman totoong siya ang nasa video, nilayuan na siya ng kaniyang mga dating kaibigan at hinayaan lang siyang ma-bully. Ang masakit lang sa lahat ay mabilis siyang hinusgahan ng mga dati niyang kaibigan—sila na rin ang nambulalas sa kanya.
BINABASA MO ANG
✓Evil's Bloody Revenge
Mystery / ThrillerIsang lumang invitation ang natagpuan ni Mariel, at iba pa niyang mga kaklase, sa loob ng frame ng portrait na ibinigay sa kanila ng isa sa mga kaklase nila. Pagkatapos ng limang taon, dahil sa imbitasyon na iyon, nagkaroon sila ng class reunion sa...