Chapter 21

157 24 0
                                    

Kahit ilang beses takas an ng isang tao ang kaniyang masamang panaginip, patuloy pa rin itong hinihila patungo sa isang bangungot. Kahit ilang beses niyang tangkaing gisingin ang kaniyang sarili, kahit napakahirap labanan ang takot na dulot ng bangungot, patuloy pa rin siyang nahahatak papunta sa kadiliman ng panaginip.

NAALIMPUNGATAN si Mariel nang matamaan ng sikat ng araw ang mukha niya. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa malambot na sofa, atsaka nag-inat. Halos nakapikit pa siya noong nagtungo siya sa cr upang magmumog at maghilamos.

Pagbukas niya ng faucet sa lababo ay rumagasa roon ang tubig. Isinahod niya ang kaniyang mga kamay roon at idinampi sa kaniyang mukha. Mas lalong nabuhay ang kaniyang diwa nang dumampi ang malamig na tubig sa kanyang balat.

Pagkatapos niyang magmumog at maghilamos ay hindi na siya nag-abala pang tumingin sa salamin. Wala rin naman siyang dalang towel, kaya pinunasan niya na lang ang kaniyang mukha gamit ang laylayan ng kaniyang puting t-shirt. Hindi na rin siya nag-abala pang kunin ang kaniyang suklay, bagkus ay sinuklay niya na lang ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang mga daliri.

Noong bumaba na siya, at nagtungo sala ng first floor, at ang nadatnan niya lang doon ay sina Leianne at Eliana, at iba pa niyang mga kaklase. Tinabihan niya naman si Leianne, at pinagmamasdan ang mga kaklase niyang mukhang musmos. Ang iba naman niyang mga kaklase ay nasa taas pa kanina noong nadaanan niya sila—natutulog pa ang iba.

"Si Joanne?" tanong sa kaniya ni Eliana.

"Si Joanne tulog pa kanina noong nadaanan ko. Si Geam naman baka kasama niya rin sa taas na natutulog pa," sagot ni Mariel. Ilang saglit pa ay namataan na nila si Joanne na pababa sa hagdan; hikab pa siya nang hikab.

Pagkaupo niya sa tabi ni Mariel ay agad niyang tinanong kung nasaan si Geam. Si Geam na lamang kasi ang wala sa kanilang magkakaibigan. Lingid pa rin sa kanilang kaalaman na isa ng malamig na bangkay ang kanilang kaibigan.

"Akala ko ba kasama mo si Geam sa taas?" tanong naman ni Leianne. Tila ba tumigil ang mundo ni Joanne nang marinig niya iyon. Hindi muna siya nakaimik kaagad, bagkus ay nakaawang lamang ang kaniyang bibig.

"H-Hindi ko kasama si Geam dahil pagkagising ko wala na akong kasama. Akala ko kasama niyo na." Bumundol ang kaba sa dibdib ni Joanne. Nag-umpisa na siyang kutuban sa nangyayari, subalit iniisip niya na sana ay mali ang kaniyang kutob.

Nang makita niya naman ang mga mukha ng kaniyang mga kaibigan ay mas lalo asiyang nanlulumo. Pare-pareho kasi silang hindi na maipinta ang mukha, lalo na si Mariel. Namumula na ang kaniyang mga mata, subalit mapusyaw na ang kaniyang mukha, maging ang kaniyang labi.

"H-Hanapin natin siya. Please, hanapin natin si Geam." Hindi na napigilan ni Mariel ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Kinutuban na rin kasi siya na baka nakuha na siya ng killer, subalit naroon pa rin 'yong paniniwalang baka naman nagliwaliw lang siya sa labas o kaya sa rooftop.

Si Geam ang pinamalapit kay Mariel kaya gayon na lamang ang nararamdaman niyang kaba ngayon. Kaya naman, naghiwa-hiwalay silang apat para maghanap. Ang iba naman nilang kaklase ay nag-kusang-loob na tumulong kahit na gano'n ang ugali ng lima.

Makalipas ang isang oras ay wala pa rin silang nahahanap. Kahit saang sulok nga ng malawak na mansion ay hindi nila siya natagpuan. Narating nga rin nila 'yong kuwarto kung nasaan noon ang mga kalansay. Mabuti na lamang ay nasunog na nila ang mga iyon.

Mas lalong kinabahan si Mariel nang makita niyang nasa tapat ng kuwarto, kung saan nagtagago si Ced at Ma'am Kate, ang iba niyang mga kaklase. Subalit napahinga din naman kaagad siya nang maluwag noong nakita niyang hindi mabuksan ng mga kaklase niya ang pinto. Marahil ay naka-lock iyon.

Mayamaya ay napagpasyahan nilang magpahinga muna sa ibaba. Kanina pa kasi sila paiko-ikot sa loob ng malawak na mansion. Hindi pa rin naman mapalagay si Mariel dahil pinangungunahan pa rin siya ng kaniyang takot.

"Nasaan si Geam?" agad niyang tanong pagkababa niya, pero umiling lang ang mga kaklase niya.

Hindi na napigilan pa ni Mariel na mapaiyak. Hindi rin siya makapagsalita dahil sa mga pangyayari. Iisa lamang ang ibig sabihin nito, kung hindi si Geam ang pumapatay, malamang ay siya na ang napatay.

Napalingon naman silang lahat nang bumukas ang pinto, at napasigaw pa sila sa kanilang nasaksihan. Napaatras naman ang iba, samantalang si Mariel ay tuluyang napaluhod habang umiiyak

"Joanne? Geam?!" bulalas ni Leianne na napaluha na rin.

Hila-hila ni Joanne ang bangkay ni Geam na duguan. May tahi rin ang bibig nito at wasak ang kaniyang dibdib.

"A-anong nangyari? Joanne, sumagot ka!" saad ni Eliana. Hindi naman makapag-salita si Joanne, bagkus ay nakatulala lang ito habang hawak ang kamay ni Geam.

"J-Joanne, bakit m-may... hawak k-kang kutsilyo?" tanong ni Mariel, kaya bumalik sa alaala ni Joanne ang lahat.

Noong naghiwa-hiwalay sila para mahanap kaagad si Geam, agad siyang dumiretso sa rooftop kaya tanaw niya ang dagat at mga isla. Mas mapapadali kasi ang paghahanap niya, kung sakaling nasa labas nga si Geam, kung doon siya magtutungo sa rooftop. Matamaya pa ay naagaw ng atensyon niya ang kumikinang na bagay malapit sa hall kung saan idinaos ang madugong party nila.

Agad siyang bumaba, at tumakbo patungo roon. Pabigat naman nang pabigat ang mga hakbang niya habang papalapit sa bagay na iyon, subalit halos madapa siya nang makita niya ang bangkay ni Geam. May nakatarak pang kutsilyo sa tiyan niya na tinatamaan ng sinag ng araw. Iyon pala ang kumikining na bagay na nakita niya. Unti-unting tumulo ang luha niya nang makita niya ang bangkay ni Geam, dagdag pa rito ang kalunus-lunos na nangyari sa kaniya: wasak ang dibdib niya, tapos ay natahi pa ang bibig ng kaniyang kaibigan.

"Geam. gumising ka, please! Geam!" niyakap niya ang bangkay ng kaibigan niya at humagulgol. Malamig na rin ang bangkay ni Geam—patay na nga siya.

"Geam, please!" nagsisigaw siya nang mapagtanto niyang wala na talaga ang kaibigan niya. Hinugot niya ang kutsilyong nakatarak sa dibdib ng kaniyang kaibigan, hinang-hina niyang hinila ang bangkay nito..

Hindi pa rin umiimik si Joanne, kaya naman nilapitan na lang ni Mariel ang bangkay ni Geam kahit pa halos masuka na siya dahil sa karumal-dumal ang ginawa sa katawan ng kaibigan niya.

"Geam, sino ang may gawa nito?!" puno ng hinagpis niyang wika, at hinayaang rumagasa ang kaniyang mga luhang halos mainom na niya.

"Anong gagawin niyo kapag nakita na lang na bangkay na ako?"

"Anong mamamatay? Napakabait mong tao para patayin."

"Basta, tandaan niyong apat na mahalaga kayo sa akin."

Napahikbi si Mariel nang maisip niyang muli ang huling pag-uusap nila kahapon. Kaya pala tila gan'on na lamang ang nararamdaman ni Mariel dahil pangitain na iyon sa kaniya. Nilapitan naman siya nina Eliana at Leianne na umiiyak na rin, samantalang nasa sulok lamang si Joanne at nakatulala.

"Geam, mahal ka rin namin. Nawa ay maging mapayapa ang iyong kaluluwa," pabulong na sabi ni Mariel, at muling ibinuhos ang kaniyang mga luha.

Pagkatapos n'on ay tumayo na si Mariel, at lumapit kay Joanne na nakatulala pa rin sa gilid.

"Joanne, mag usap tayo," malamig niyang wika kay Joanne. Tumayo lang ito at sumunod sa sa kaniya papunta sa second floor.

"Tell me, Joanne, ikaw ba ang pumatay?" mahinahong tanong ni Mariel, subalit pinipigilan niya pa ring maluha ulit.

Hindi naman makasagot si Joanne. Nakatingin lang ito sa kaniya, atsaka nag-iwas ng tingin. Napaluhod naman si Mariel at pinunasan ang mga luha niya.

"Joanne, hindi kita pinagbibintangan pero hanggang hindi ka nagsasalita, wala akong choice kundi isipin na ikaw," saad pa niya. Nakita niya ang pagtulo ng luha ni Joanne, at tumingin sa kaniya.

"Sorry..." bulong ni Joanne at iniwan siyang mag-isa.

✓Evil's Bloody RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon