Chapter 10

229 36 5
                                    

HINDI pa rin nabubura ang malawak na ngisi sa mukha ng killer dahil gagawin niya na ang susunod niyang hakbang. Ngayon naman ay pinag-iisipan niya kung sino ang kaniyang isusunod na papatatayin.

Habang wala siya sa mga kagrupo niya, sinulit niya ang pagkakataon para pumunta sa sekretong lungga niya sa mansion. Dahil malawak naman ang mansion, may mga lugar pang hindi napupuntahan ang kaniyang mga kaklase, kasama na ang parte kung saan siya nagpaplano ng susunod niyang mga hakbang—sa underground ng mansion.

Walang kaaalam-alam ang buong klase na sa basement na pinaglagyan nina Ma'am Kate at Sir Joe ng bangkay nina Rian, Eila, at Angel noon, naroon ang sekretong daan papunta sa lungga ng killer—sa ilalim pa ulit ng basement.

Malawak ang lugar na iyon, subalit limitado lamang ang ilaw. May tatlong maluluwang na kuwarto, at ang ikaapat na kuwartong iyon ay maliit lamang. Iyon ay ang kuwarto kung saan nagpaplano ang killer. Mayroon naman doong maliit na electric fan, kaya kahit na naroon siya sa pinakailalim na bahagi ng mansion, hindi pa rin siya naiinitan.

Isang bombilya ang nagsisilbing ilaw sa kuwartong iyon, at marami pang mga agiw, kaya naman mas nakakapagpatindig ng balahibo ang kuwartong iyon. Mayroon lamang isang maliit na lumang lamesang may drawer sa kaliwang bahagi, malapit sa pinto. May dalawang upuang gawa sa rattan ang katabi ng lamesa. Ang isang ay inuupuan ng killer, at sa isang upuan naman ay may nakalapag na kulay pilak na mascara. Sa sulok naman ay ang papag na para lang sa isang tao.

At sa dinding naman na katabi ng pinutan ay doon nakadikit ang mga larawan ng kaniyang mga kaklase. Walang pag-aalinlangan niyang ibinato ang maliit na kutsilyo sa mga larawan. Napangisi siya nang tumama ito sa litrato sa isa niyang kaklaseng babae.

"Hindi naman puwedeng ikaw lang ang mamamatay. Iiyak ang kasintahan mo, kaya dapat ay isama mo siya hanggang sa kamatayan." Napahalakhak siya na parang masisiraan na ng bait atsaka tumayo.

Napadako ang tingin niya sa itim na mediaval cloak na may hood, na nakalatag sa ibabaw ng papag. Tumayo siya, at kinuha ang cloak na iyon saka isinuot, at inayos ang hood nito sa kaniyang ulo. Sinigurado niyang pati ang kaniyang buhok ay nakakubli.

Dinampot niya ang maskara sa ibabaw ng upuan at isinuot din iyon. Ngayon, buong katawan na niya ang natatakpan: mula ulo hanggang sa talampakan. Napag-isipan niya kasing magsuot na lamang ng gan'on para hindi madaling mabisto ng kaniyang mga kaklase ang pagkakakilanlan niya.

"Hintayin niyo akong dalawa. Parating na si Kamatayan para sunduin kayo," saad niya, sabay dampot sa kutsilyong nakuha niya kanina at dos-por-dos na nasa sulok, atsaka tuluyang lumabas sa lunggang pinagtataguhan niya.

ABALA pa rin ang bawat pangkat sa pagbabantay sa isa't isa upang masigurado ang kaligtasan nila. Kung maaari nga ay hindi sila kukurap para lamang manatiling alerto, gaya ni Janna na halos hindi tanggalin ang pagkakatingin kina Ann at Aldrin.

"Guys, dapat huwag tayong maghiwa-hiwalay dahil baka matyempuhan tayo ng killer," pagpapa-alala na naman ni Janna kina Aldrin at Ann. Pang limang beses niya ng sinasabi iyan sa dalawa.

Nasa isang kuwarto sila ngayon sa third floor. Isinara nila kanina ang bintana sa kuwartong iyon, at inilock din ang pinto para masigurado nila ang kanilang kaligtasan. Mabuti na lamang ay marami pang mga kuwarto sa third at second floor kaya ang iba ay nagtago na rin sa iba pang mga kuwarto.

"Naiihi na ako, 'di ko na mapigilan," pagrereklamo ni Ann, at humawak pa sa kaniyang puson. Lingid naman sa kaalaman ni Janna na may ibang pinaplano si Ann.

"Samahan na kita, baka makasalubong mo 'yong killer," pagpepresenta ni Aldrin kaya pumayag si Ann, kasintahan niya.

Ni hindi nila naisip na baka si Janna naman ang manganib. Wala naman na siyang nagawa pa kundi payagan sina Ann at Aldrin.

✓Evil's Bloody RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon