Habang patagal nang patagal sina Mariel sa lugar na iyon, mas lalo namang parami nang parami ang mga katanungang bumabagabag sa kanya. Padagdag din kasi nang padagdag ang mga misteryong nadidiskubre niya.
"Ano ito?" tanong ni Mariel sa kaniyang sarili. Tinitigan niya nang mabuti ang bagay na nasa palad niya at inusisa. Isang kwintas na may pulang pendant, na hanggang ngayon ay nagtataka siya kung paano napunta iyon sa bulsa niya.
Kailangan niyang malaman kung ano ang gamit no'n sa kaniya. Naisip niya na baka alam nina Ma'am Kate iyon dahil sila ang kasama niya kanina bukod sa killer. Babangon na sana siya para kausapin si Leianne, pero napatigil siya nang pumasok si Leianne sa kuwarto dala ang kaniyang pocket journal at ballpen.
"Mabuti na lang nahanap namin ito," usal ni Leianne at inilapag ang mga iyon sa tabi ni Mariel.
Imbes na kunin ni Mariel ang mga iyon ay mahigpit niyang hinawakan ang braso ng kaibigan. "K-Kailangan kong bumalik kina Ced."
"Oo nga pala, may hindi ako naitanong! Kumusta sina Ced at Ma'am Kate? Nakaligtas ba sila?" sunod-sunod na tanong ni Leianne. Umupo pa siya sa kama, at inalalayan sap ag-upo si Mariel.
Sumilay naman ang mga ngiti ni Mariel. "Nakaligtas sila; may suot pala silang bulletproof vest."
Kapwa tuwang-tuwa sina Mariel at Leianne dahil sa pagkakaligtas nina Ced at Ma'am Kate mula sa ginawa ng killer. Maitutuloy pa nila ang plano, at mapapabagsak pa nga nila ang killer.
Kinuha na ni Mariel ang pocket journal at ballpen niya, saka inilagay sa bulsa ng kaniyang denim shorts. Sunod naman niyang ipinakita kay Leianne ang kuwintas na may pulang pendant.
"Hindi ko alam kung sino ang naglagay nito sa bulsa ko. Ang hula ko, kung hindi ang killer, baka sina Ma'am Kate," saad pa ni Mariel.
Napagpasyahan nilang dalawa na muling bumalik kina Ma'am Kate. Hindi naman tumutol si Leianne dahil gusto niya silang kumustahin. Tuwang-tuwa naman si Mariel dahil hindi niya na kailangan pang magpumilit.
Palihim silang lumabas sa kuwarto para takas an ang mga kaklase nila. Mabuti na lang din ay kabisado pa ni Mariel kung saan ang daan papunta sa bagong taguan nina Ma'am Kate at Ced. Mabagal naman ang paglalakad nila dahil iika-ika pa rin si Mariel; nakaalalay naman sa kaniya si Leianne.
Wala namang kahit anong idea si Leianne kung saan sila pupunta ni Mariel. Narating na nila ang third floor, hanggang sa huminto sila sa harap ng nakasaradong cabinet na nakadikit sa dingding. Binuksan iyon ni Mariel na siyang ikinagulat ni Leianne.
"Isa itong secret passage papunta sa bagong hidden place natin nina Ma'am Kate." Namangha si Leainne sa nalaman niya. Hindi lang iyon basta cabinet dahil ang cabinet na iyon ay may hagdan pababa kapag binuksan.
Agad silang pumasok doon at isinara na ni Mariel ang cabinet at kinandado mula sa loob. Mabuti na lang ay hindi iyon naikandado kanina kaya wala silang kahirap-hirap na pumasok doon. Bumaba na sila ng hagdan, at pagkababa nila ay may makipot pang hallway. Tila napunta sila sa ibang bahay pero tiyak niyang parte pa rin iyon ng mansyon.
Ang ipinagtataka lamang ni Leainne ay kung paano alam ni Ma'am Kate na may gano'ng parte ang mansiyon. Paano kung alam din iyon ng killer?
May nakita silamg pintong gawa sa matibay na kahoy. Binuksan agad iyon ni Mariel, at bumungad kay Leainne ang marangyang sala kung saan naroon sina Ma'am Kate. May nakalagay na maraming papel sa lamesa na sa tingin niya ay mga plano. Kapansin-pansin ang napakalaking papel na sa tingin ni Leainne ay blueprint ng mansion.
"Bakit ka bumalik kaagad? Akala ko ba magpapahinga ka roon?" sunod-sunod na usisa ni Ced.
May kinuha si Mariel sa bulsa niya, at ipinakita ang kwintas na may malaking batong pulang pendant.
BINABASA MO ANG
✓Evil's Bloody Revenge
Mystery / ThrillerIsang lumang invitation ang natagpuan ni Mariel, at iba pa niyang mga kaklase, sa loob ng frame ng portrait na ibinigay sa kanila ng isa sa mga kaklase nila. Pagkatapos ng limang taon, dahil sa imbitasyon na iyon, nagkaroon sila ng class reunion sa...