UNTI-UNTING namamatay ang apoy sa mga sulo nang tumulo ang ulan mula sa kalangitang tila nakiki-ayon sa nararamdaman ni Mariel. Natakpan na rin ng makapal na ulap ang nagliliwanag na buwan kanina, kaya naman ay dumilim na ang paligid. Mas lalo pang dumilim nang tuluyang mamatay ang apoy sa mga sulo.
Mas lalo ring nangatog ang mga tuhod ni Mariel dahil sa lamig. Napaubo pa siya kasabay ng mabilis na pagtibok ng kaniyang puso. Naninikip na rin ang kaniyang dibdib dahil sa takot dahil tinututukan pa rin ni Carl ng baril ang kaniyang noo.
Hahakbang sana si Ced papalapit kay Mariel, subalit itinutok din ni Geam ang hawak niyang baril sa kaniya.
"Subukan niyong iputok ang mga baril niyo, tuluyan kong itatarak ang kutsilyong ito sa leeg ng lola mo," pagbabanta naman ni Ma'am Kate, at mas idiniin niya ang kutsilyo sa leeg ng lola ni Geam.
"Huwag mong sasaktan ang lola ko!" singhal ni Geam at inilipat ang pagkakatutok ng baril kay Ma'am Kate.
"Pakawalan mo na sina Mariel at Leianne! Sumuko ka na!" utos din ni Ced pero mabilis na napailing si Geam.
"Hindi! Kailangan din nilang mamatay!" Ikinasa niya ang baril at muling itinutok kay Ced.
Napalunok naman si Mariel at napatingin kay Carl nang masama. "Akala ko ba patay ka na? Akala ko ba wala kang alam tungkol dito? Pakawalan mo ako, hayop ka!"
Bahagya naman napatawa si Carl at inilapit ang kaniyang mukha kay Mariel. "Ang bobo mo naman pala, Mariel." Ngumisi pa siya nang malawak. "Sa tingin mo aamin ako noon na may alam nga ako tungkol dito? Kung ginawa ko iyon, papalpak kami! Papalpak si Geam!"
"Hindi mo ba inaasahan, Mariel?" tanong naman ni Geam. "Ako ang gumawa ng mga inivitations at naglagay n'on sa mga portraits, tapos si Carl din ulit ang gumawa ng mga portraits na nasa kuwarto."
Naikuyom ni Ced ang kaniyang kamao, at matalim na tingin ang ibinigay niya kay Geam. "May kasabwat ka pa pala bukod sa lola mo. Demonyo ka talaga! Nandamay ka pa ng iba!"
Ngumisi naman si Geam at lumapit kay Leianne na iyak pa rin nang iyak. Tinanggal niya ang duct tape sa bibig ni Leianne sabay sabing, "Eh ikaw? Kasabwat niyo pa pala si Leianne bukod kay Mariel. Napakahina niyo talaga!"
"AHHH!" Napasigaw naman ang lola ni Geam nang sugatin siya ni Ma'am Kate sa braso. Tumulo ang maraming dugo mula sa nangungulubot niyang braso, at tumulo iyon sa damuhan. Agad naman itong inanod ng tubig-ulan.
"Hayop ka!" sigaw naman ni Geam at pinaputok ang kaniyang baril. Dumiretso ang bala nito sa braso ni Leianne.
Pareho namang napasigaw sina Mariel at Leianne sa ginawa ni Geam.
"Please, pakawalan mo na kami!" pagmamakaawa pa ni Mariel, subalit ikinasa na ni Carl ang baril at itinutok iyon sa tapat ng puso niya.
"Ganito, pakakawalan ko sina Mariel at Geam, basta pakawalan niyo ang lola ko," suhestiyon ni Geam, at muli na namang ngumisi nang malawak.
Hindi naman mabasa ni Ma'am Kate ang tumatakbo sa isip ni Geam. Hindi niya batid kung may iba pa siyang binabalak, subalit tumango na lamang siya. "Sige, sa oras na nakalas niyo na ang mga taling nakatali kina Mariel at Leianne, ibabalik ko sa iyo ang lola mo," matapang na saad ni Ma'am Kate.
"Deal." Inutusan na ni Geam si Carl na alisin sa pagkakatali si Mariel, habang siya naman ay kinakalas ang pagkakatali kay Leianne.
Kasing bilis ng pagtibok ng puso ni Ced ang kaniyang pagtakbo papunta sa likuran ni Carl. Hinugot nito ang baril na nakasuksok sa bulsa ni Carl at itinutok iyon sa kanya. Eksakto namang nakawala na si Mariel.
BINABASA MO ANG
✓Evil's Bloody Revenge
Mystery / ThrillerIsang lumang invitation ang natagpuan ni Mariel, at iba pa niyang mga kaklase, sa loob ng frame ng portrait na ibinigay sa kanila ng isa sa mga kaklase nila. Pagkatapos ng limang taon, dahil sa imbitasyon na iyon, nagkaroon sila ng class reunion sa...