Chapter 7

256 41 9
                                    

            Kahit pagbali-baliktarin man ang mundo, o kahit pa tuluyan nang lamunin ng dilim ang liwanag habang buhay, palaging nasa huli ang pagsisisi. At kapag hindi ito naitama kaagad, maaaring dalihin sa huling sandali ang madugong higanti ng minsang biktima ng kasamaan.

"ANO, nasaan na 'yongi pinagmamalaki mong dignidad at matataas na mga grades mo?" tanong ni Rian sa kaklase niyang halos sumubsob na sa desk dahil sa pagkakayuko.

Nakapamewang naman si Eila habang inip na naghihintay ng sagot. Hindi umiimik ang kanilang kaklase na walang magawa kundi humikbi. Naiiyak ang estudyanteng iyon, subalit may halong galit sa kaniyang sarili dahil napakahina niya para ipagtanggol ang kaniyang sarili.

Ni hindi niya nga kayang mag-angat ng tingin para lamang ipakitang hindi siya matitinag. Para sa iba, hindi na uso ang gan'ong kahinang tao, subalit para sa kaniya, mayroon pa ring mga taong hindi maipagtanggol ang sarili dahil isa siya sa kanila.

"Ano hindi ka sasagot?!" bulyaw ni Eila, at marahas na pinaayos ng upo ang kanilang kaklase. Mas lumakas ang mga hikbi nito, na siya namang mas ikinatuwa ni Rian.

Maagagang-maaga pa lang ay inabangan na nila ang pagdating ng kanilang kaklase upang insultuhin nang insultuhin. Palibhasa ay hindi sila nilalabanan kaya gan'on na lamang ang pambubulalas nila.

"Kawawa ka naman. Iniwan ka na nga ng kasintahan mo, kumalat pa ang scandal niyo!" asik naman ni Angel na sinabayan niya pa ng malakas na pagtawa.

Sa pagkakataong iyon ay nag-angat na ng tingin ang kanilang kaklase, at handa ng depensahan ang kaniyang sarili. Gusto niyang linawin na hindi siya ang babaeng nasa kumakalat na scandal. Sigurado siyang edited ang videong iyon, at ibang babae talaga ang naroon—alam niya kung sino, subalit walang maniniwala sa kaniya.

"Hindi ako ang nasa video si—

Hindi na pinatapos ni Rian ang kaniyang kaklase dahil mabilis niya itong sinampal.

"Hindi ikaw? Ang linaw na ikaw ang nasa video, eh!"

"Atsaka huwag ka na ngang magsisinungaling sa amin!" bulyaw rin ni Angel, at hinila ang kuwelyo ng kaklase.

Nagmistulang kaawa-awa ang kanilang kaklase na dati ay tinitingala ng lahat. Tila naging pipi siya dahil hindi niya na magawang ipagtanggol pa ang kaniyang sarili, at kahit pa ilang beses siyang magsumbong sa kaniyang mga guro ay tila walang umaaksyon.

Isa pa, kahit na siya ang nasa video, hindi iyon dahilan upang maliitin siya. Kumbaga, siya na nga ang biktima, siya pa ang yuyurakan at kakawawain.

"Consistent Top 1 pero may scandal? Ang daptat na titulo mo ay consistent top b*tch!" pang-iinsulto naman ni Eila. Umalingawngaw ang tawanan sa apat na sulok ng classroom nang eksaktong nagsidatingan na ang iba nilang mga kaklase.

"Hayaan niyo na siya. Baka sadyang nananalaytay na sa dugo niya iyan," entrada ni Trina na kararating lamang, at tinaasan ng kilay ang kanilang kaklase.

Walang oras na hindi nila binubulalas ang kanilang kaklase, at ipinapahiya kapag wala ang mga guro. Hanggang sa dumating ang araw na nagmakaawa na sa kanila ang kaklase nilang iyon.

"Please, Rian, tama na. Wala naman akong kasalanan, pero bakit niyo ako pinahihirapan?" pagmamakaawa ng kanilang kaklase na lumuhod pa sa harapan nila habang umiiyak.

Kapansin-pansing namumula na ang mga mata nito, at mapusyaw na ang kaniya labi at mukha. Nangayayat na rin siya nang husto dahil sa pambubulalas nina Rian, Angel, Eila, at halos ng buong klase.

✓Evil's Bloody RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon