Chapter 6

276 37 11
                                    

TIYAK na kapag kaharap na ng isang tao si Kamatayan, ang takot na nakatanim hanggang sa kailalimang bahagi ng puso ay mapapalitan ng pagsisisi. Marahil ay pagsisisihan niya ang mga pagkakamaling hindi man lang niya naitama, o kaya naman ay pagsisi dahil hindi niya nagawa ang mga bagay na gusto niya.

Lingid sa kaalaman niya kung kailan siya susunduin ni Kamatayan. Maaaring mayamaya lamang ay bumulaga na ito sa harapan niya, o kaya pagkamulat niya ng kaniyang mga mata, mula sa malalim na pagkakatulog, ay si Kamatayan na ang unang masulyapan nito.

"BAKIT ang tagal mo?" inip na tanong ni Eliana habang nakakunot ang kaniyang noo. Pansin niya ring iba na ang damit ni Geam.

Ang kaninang itim na long gown niya, na nababalutan ng dugo, ay naging puting t-shirt at half pants na.

"Sobrang sakit talaga ng tiyan ko, at marami akong inilabas na sama ng loob," tugon ni Geam habang hinihimas pa ang kaniyang tiyan. "Atsaka naligo na rin ako dahil mas naduduwal ako sa amoy ng dugo!" dagdag pa niya.

Hindi naman umimik si Eliana, bagkus ay pinagkrus niya lamang ang dalawa niyang balikat.

"Ikaw, maligo ka na rin dahil ang lansa mo rin," sabi na lamang ni Geam, at tinakpan ang kaniyang ilong dahil sa bawat paghinga niya, ang malansang amoy ni Eliana ang naaamoy niya.

Tinigna ni Eliana si Geam mula ulo hanggang paa. "Teka, saan ka kumuha ng ipinalit mong damit?"

"May naiwan akong ilang pares pa ng damit diyan sa CR kaninang umaga dahil nilabhan ko. Natapunan ko kasi ng lotion 'yong mga damit ko kaninang umaga, nalimutan ko naman palang kunin noong tuyo na," sagot ni Geam, at ipinakita pa ang iba pang nakasabit na damit sa CR.

"Hiramin ko na lang iyang isang pares diyan dahil diring-diri na talaga ako!" asik ni Eliana, at agad na isinara ang pinto kahit hindi pa tumutugon si Geam.

Mabilis na naligo si Eliana dahil kinuskos niya nang kinuskos ang kaniyang katawan para matanggal ang dugong nakadikit dito. Halos ilagay niya na ang liquid body soap at shampoo sa kaniyang katawan para mawala ang masangsang na amoy.

Pagkatapos niyang maligo ay kumuha na siya ng damit ni Geam na nakasampay sa sampayan sa loob din ng banyo. Nakita niya namang nasa sulok na ng banyo ang gown ni Geam na maayos na nakaupi, kaya dahan-dahan niya ring itinupi ang kaniyang gown, at ipinatong sa gown ni Geam, saka muli siyang naghugas.

Pagkalabas ni Eliana ay nagbalik na sila kaagad sa sala. Pagkarating nila sa sala ay away kaaagad ang nadatnan nila.

"Bakit niyo ba kami pinagbibintangan?!" singhal ni Leianne.

"Anong nangyayari dito?" tanong agad ni Geam, at pumagitna kina Bella at Leianne.

"Sila kasi, pinagbibintangan ulit tayo!" tugon ni Leianne na hindi pa rin nakapagpalit ng damit.

"Akala ko ba napag-usapan na ito?" tanong ni Eliana, ngunit lumapit sa kaniya si Bella habang nakapamewang.

"Akala mo lang iyon! Kayo ang tunay na salarin dahil kayo ang huling dumating kanina sa paryt! Sigurado akong kaya nahuli kayo ay dahil pinagplanuhan niyo pa ang lahat!" sumbat ni Bella, kaya mabilis niyang pinadapo ang kaniyang palad sa pisngi ng kaklase.

"Wala kang karapatang pagbintangan kami dahil wala kayong ebidensya!" singhal ni Eliana, ngunit ngumisi lang si Bella na tila hindi nasampal. Bakas pa nga ang pamumula sa kanang pisngi niya.

"Mga mamamatay tao kayo!" singhal pabalik ni Bella, kaya marahas na hinila ni Mariel ang kaniyang buhok, at iniharap sa kaniya.

"Ano ang sabi mo?" mahinahong tanong ni Mariel, ngunit namumula na ang kaniyang mukha, saka hinila ang kwelyo ng damit ni Bella.

✓Evil's Bloody RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon