SA pagbuhos ng malansang dugo, kung saan nananalaytay ang poot at hinagpis, sa bawat laman na puno ng paghihiganti, lumalabas ang tunay na kulay ng bawat isa. Ang sangsang ng dugo na pumapasok hanggang sa kailaliman ng baga ay nagdudulot ng takot sa bawat mga pusong dati ay hindi natitinag.
PAGSAPIT ng alas sais ng dapit hapon ay nagmamadali ng nagbihis si Mariel dahil isang oras na lang ay mag-uumpisa na ang kasiyahan. Suot ang kulay gintong long gown, na may slit sa bandang gilid at mataas na stilettos, tumapat si Mariel sa malaking salamin. Ang suot niyang iyon ay galing pa sa Italya.
Ang kaninang matamlay na mga mata niya ay napalitan ng galak. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi habang pinagmamasdan ang kaniyang sarili. Litaw na litaw ang kaniyang collar bone, na kahit sinong nilalang ay mapapatingin doon.
Ngumisi si Mariel sabay bulong ng, "Wala man akong kapareha ngayon gaya ng iba kong mga dating kaklase, sisiguraduhin ko namang mag-e-enjoy ako."
"Girls, tara na!" pag-aaya ni Joanne habang suot ang kulay rosas na long gown. Gaya ni Mariel, napaka-elegante rin ng kaniyang dating dahil sa kaniyang long gown.
Ang malaporselena niyang kutis ay mas nangibabaw kaya naman nagmistula siyang dilag na nababalutan ng mahika. Itim naman ang kulay ng kay Geam; si Eliana naman ay kulay asul at puti naman kay Leianne.
Pagdating nila sa hall sa hall ay natuon lahat ng tingin sa kanila. Ang mamahalin nilang mga long gowns ay bumagay sa kanila, maging ang kurba ng kanilang mga katawan ay mas naging kapansin-pansin.
"Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko; hindi ko maipaliwanag ang ganda nila!" asik ni Jhun sa mga kaibigan niya nang hindi inaalis ang pagkakapako ng tingin sa lima.
"Oo nga, lalo na si Mariel," kumento naman ni Josh, kaya binatkuan siya ni Chad.
"Tama na iyan, may Kara ka na!" natatawang sabi ni Chad kay Josh.
Mas lalo namang napangisi sina Mariel nang halos lahat ng madinig nila ay bulungan at papuri tungkol sa kanila. Mas lalong lumalaki ang kaniyang ulo dahil kahit hindi niya buhatin ang sarili niyang bangko, iba na ang bumubuhat no'n para sa kaniya.
"Laglag ang panga nila sa atin," ani Leianne, at hinawi pa ang kaniyang buhok.
Nagpatuloy na sila sa paglalakad upang humanap ng bakanteng lamesa. Bumabagay ang elegante nilang kagandahan sa eleganteng hall. Nakasabit sa mataas na kisame ang naglalakihang mga chandeliers. Brown at gold naman ang over all motif ng hall. Ang mga pabilog naman na mesa ay natatakpan ng table cloth na kulay ginto rin. Tila nga isinadya ang motif sa kulay ng long gown ni Mariel. May nakalagay namang vase na may puting bulaklak sa bawat lamesa.
Sa kanilang pagdaan ay hindi nila sinasadyang marinig ang usapan nina Ayka at Sharrie.
"Kung tutuusin wala namang gan'ong kagandang isusuot sina Geam at Leianne kung hindi dahil kay Mariel," saad ni Ayka, na tila hindi napansin na nasa likuran na niya sina Mariel.
"A-Ayka..." Nanginginig naman ang labi ni Sharrie naman makita niya sila. Ni hindi niya magawang patigilin ang kaibigan niya.
"Totoo naman, noong Junior High School nga, sina Geam at Leainne ang taga-salo ng mga lumang gamit ni Mariel," dagdag pa niya, kaya sa pagkakataong iyon ay naikuyom ni Geam ang kaniyang kamao.
Kung tutuusin, tama ang sinambit ni Ayka. Kung may ayaw na kasing mga damit o gamit si Mariel ay ipinamimigay niya ang mga iyon kay Leainne o kaya naman ay kay Geam, ngunit hindi naman pinaglumaan ang mga iyon.
Dati kasi, maimpluwensya pa ang pamilya ni Leianne, subalit pagdating niya ng Grade 10, unti-unti silang naghirap dahil na-bankrupt ang factory nila ng sardinas. Namatay pa ang ina niyang mayor sa lugar nila dahil sa pamamaril. Kaya naman, ang dating marangyang buhay ni Leianne ay nabura. Si Geam naman, katamtaman lamang ang katayuan nila sa buhay. Hindi siya kasing yaman gaya ni Mariel, subalit hindi naman masasabing naghihirap siya.
BINABASA MO ANG
✓Evil's Bloody Revenge
Mystery / ThrillerIsang lumang invitation ang natagpuan ni Mariel, at iba pa niyang mga kaklase, sa loob ng frame ng portrait na ibinigay sa kanila ng isa sa mga kaklase nila. Pagkatapos ng limang taon, dahil sa imbitasyon na iyon, nagkaroon sila ng class reunion sa...