Chapter 8

230 37 4
                                    

            Napailing-iling na lamang ang killer habang natatawa dahil mas pinili ng buong klase na maghiwa-hiwalay. Tila hindi nila inisip nang mabuti ang pasya nila. Binibigyan tuloy nila siya ng pagkakataon para madali silang patayin.

Kaya naman noong naghiwa-hiwalay sila ay isinagawa niya na ang susunod niyang hakbang. Mas lalo siyang napangisi nang magka-ideyang hindi muna siya papatay ng estudyante, bagkus ay guro muna ang isusunod niya.

Inabangan niya na ang kawawang guro sa pasilyo ng ikatlong palapag, at nang malapit na ang guro sa kinaroroonan niya ay mabilis niyang tinkapan ng panyo ang bibig nito, at tinutukan ng kutsilyo sa leeg.

"Subukan mong manlaban, at itatarak ko ito sa leeg mo," pagbabanta niya, kaya tumigil ang guro sa pagpupumiglas.

Agad niyang itinali patalikod ang mga kamay ng guro, pagkatapos ay binusalan ito, at hinarap ito habang suot ang malawak na ngisi sa kaniyang mukha. Nanlaki naman ang mga mata ng guro dahil sa pagkabigla nang makita ang mukha ng salarin.

"SURPRISE, SIR JOE!" bati ng killer sa guro, at hinila siya sa third floor.

"Babawian na kita ng buhay dahil wala ka namang kuwenta, eh! Hiningian din kita ng tulong noon pero dedma ka lang! Kaya no choice, papatayin na lang kita!" saad niya, sabay isinaksak ang bitbit niyang kutsilyo sa braso ng guro.

"HMMMPPHHH!" daing ng guro, at napatingin sa braso niyang nababalutan na ng sarili niyang dugo—walang humpay ito sa pag-agos.

Tinanggal niya ang busal sa bibig ng guro, at kasabay n'on ay ang pagdura ng guro sa mukha ng killer. Napakunot ang noo ng killer na nagngingitngit sag alit, at marahas na pinunasan ang kaniyang mukha.

"Walang hiya ka talaga!" singhal niya, at sinuntok ang guro sa sikmura.

Sasagot din sana si Sir Joe nang mabilis siyang tutukan ng killer ng kutsilyo. Itinikom niya na lamang ang kaniyang bibig, at nagdasal nasana ay makaligtas siya sa gagawin ng killer sa kaniya.

May kinuha naman ang estudyante sa kaniyang bulsa at muling hinarap ang guro na naliligo na sarili nitong pawis dahil sa takot.

"Take this! Lunukin mo iyan para mawala 'yang sakit ng mga saksak ko!" utos ng killer, ngunit napailing si Sir Joe.

"Bakit mo ba ginagawa ito? Maawa ka naman sa amin!"

"Awa? Lulunukin mo iyan o ang kutsilyo ang ipapalunok ko sa'yo?" pagbabanta naman ng killer, kaya dali-dali niyang ibinuka ang kaniyang bibig. Hindi naman niya kasi makuha ang bagay na iyon dahil mahigpit ang pagkakatali ng mga kamay niya.

Inilagay ng killer ang itim na bilog na kasing laki ng mga malalaking tablet sa bibig ni Sir Joe, at agad niya itong nilunok.

Mabuti na lamang ay pinainom ng killer si Sir Joe ng isang basong tubig. Hindi naging mahirap sa kaniya ang paglunok sa bagay na iyon. Tuluyang napangisi ang killer nang malunok na iyon ng kaniyang guro.

"Sa oras na pindutin ko itong remote na ito, sasabog ka na dahil diyan sa nilunok mo!" bulalas ng killer kasabay ng halakhak. Napaluha na lamang si Sir Joe dahil sa takot.

Sisigaw pa sana ang guro, ngunit binusalan na ulit ang kaniyang bibig, at iginapos siya nang mahigpit sa upuan.

"Paalam!"

DALI-DALING umakyat sina Eliana, Mariel, at Mich sa third floor, at nakita si Sir Joe na duguan. Nakahinga sila nang maluwag nang makitang buhay pa siya, ngunit nakagapos ito at nanghihina.

Bigla naman sumulpot si Geam na galing din pala sa second floor. "Anong nangyari?"

"Si Sir! Pinahirapan ng killer!" sagot ni Eliana.

✓Evil's Bloody RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon