NAGISING si Mariel dahil sa malakas na sigawan ng kaniyang mga kaklase. Wala siyang ibang margining bukod sa sigawan, pagdaing, at pagmamakaawa.
"Tulong!"
"Maawa ka sa amin!"
"Huwag mo kaming sasaktan!"
"Maawa ka!
Tila kabayong nakikipagkarerahan ang kaniyang puso dahil sa bilis ng pintig nito. Nanuyo ang kaniyang lalamunan nang matanaw niya ang bulto ng tao na may hawak na granada.
"HOSTAGE 'TO! WALANG KIKILOS KUNG AYAW NIYONG PASABUGIN KO KAYONG LAHAT!"
Nanginginig na tumakbo sa bandang sulok ng yate si Mariel upang magtago. Tagaktak ang pawis niya, at 'di niya mapigilang mapaluha. Sa tingin niya ay iyon na ang kaniyang katapusan.
Pinagsisisihan niya tuloy na tinanggihan niya ang alok ng kaniyang ama na magdala ng bodyguards. Hanggang sa nakarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril.
"PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT, AT WALA AKONG ITITRA! IISA ISAHIN KO KAYO!"
Dinig na dinig niya ang pagbabanta ng suspek at ang malademonyo nitong mga halakhak. Nanigas sa kinauupan si Mariel nang mapagtantong parang pamilyar ang boses. Hanggang sa nakarinig siya ng yabag papalapit sa kaniya, at sa sobrang takot ay napatakbo na lamang siya.
"SAAN KA PUPUNTA? TUMIGIL KA!" Hindi nakinig si Mariel. Tumakbo pa siya nang kay bilis hanggang sa madapa siya.
Iyon na talaga ang kaniyang tapusan. Pinipilit niyang bumangon ngunit hindi na siya lubos makagalaw kahit pilitin niya.
"MARIEL, gising! Binabangungot ka!" Naramdaman na lang ni Mairel ang malakas na pagtapik sa kaniyang pisngi.
"Huwag kang lalapit!" ani Mariel na tila wala na sa kaniyang sarili, at patuloy lamang siya sa pag-atras.
Nagtataka naman si Geam kung ano bang nangyayari sa kaniyang kaibigan. Kanina, nagsibabaan na silang lahat sa yate, ngunit si Mariel na lang ang kulang kaya pumasok ulit sila sa loob. Nakita nila si Mariel na naglalakad-takbo habang nakapikit pa.
Sinundan ni Joanne si Mariel, at sinampal siya sa pisngi, dahilan ng tuluyang pagkagisisng niya.
"Sorry, ginigising lang naman kita," panghingi nga tawad ni Joanne, at tinulungan tumayo si Mariel.
"A-Ayos lang," sagot naman ni Mariel na bahagya pang natutulala.
"Ano bang nangyari?" tanong ni Eliana.
"W-Wala isang masamang panaginip lamang."
Pinainom nila ng tubig si Mariel at nang mahimasmasan na siya ay bumaba na sila sa yate, eksaktong nasa labas pa lang ng yate ang iba nilang mga kaklase na hinihintay sila.
"Bakit ang tagal niyo?" tanong sa kanila ni Ma'am Gen.
"May inayos lang kami sa loob," tugon ni Geam.
"Paimportante kasi," bulong ng kaklase nilang si Kara.
"Kaya nga, mga feelingera kasi lalo na 'yong isa riyan," sang-ayon naman ni Erica. Lumapit sa kanila si Mariel na tila 'di siya galing sa bangungot.
"Dahan-dahan kayo sa pagsasalita niyo, baka 'yan ang ikapapahamak niyo!" singhal niya kay Erica.
Ang kaninang Mariel na takot na takot dahil sa kaniyang bangunot, ngayon ay bumalik na naman sa pagiging matapang na tigre, na walang ibang ginawa kundi ang suminghal nang suminghal.
"Bumulong pa kayo kung dinig din lang mga sinabi niyo! Mamatay na sana kayong lahat!" singhal naman ni Joanne, at muling pinakawalan ang malulutong na mura niya.
BINABASA MO ANG
✓Evil's Bloody Revenge
Mystery / ThrillerIsang lumang invitation ang natagpuan ni Mariel, at iba pa niyang mga kaklase, sa loob ng frame ng portrait na ibinigay sa kanila ng isa sa mga kaklase nila. Pagkatapos ng limang taon, dahil sa imbitasyon na iyon, nagkaroon sila ng class reunion sa...