MATAPOS tanggalin ng killer ang busal sa bibig ng apat ay hindi na nila tinangka pang sumigaw. Alam kasi nilang walang magagawa iyon; walang makakarinig sa kanila. Tanging malalalim na paghinga lamang ang naririnig sa kanila dahil sa labis na takot.
Kapansin-pansin ang mga talsik ng dugo sa pader, at maging ang sahig ay may bakas pa ng natuyong dugo. Tanging ilang mga bakal na upuan at isang lamesang parihabang gawa sa kahoy ang naroon sa kuwartong iyon. Gustong-gusto ng apat na takpan ang kanilang ilong dahil sa umaalingasaw na masangsang na amoy, subalit hindi nila magawa dahil nakatali ang mga kamay nila.
Tila sanay na sanay naman na ang killer sa gan'ong amoy dahil palanghap-langhap pa siya sa paligid. Gumiginhawa ang pakiramdam niya sa tuwing nakaamoy siya ng dugo. Nilanghap pa niya ang masangsang na amoy galing sa dugo at ngumisi.
"B-Bakit mo kami pinapatay?" naiiyak na tanong ni Janna, habang ang iba naman ay hindik na hindik nang nakatingin sa killer.
"Kaya nga may ikukwento sana ako! Dahil atat kayo masyado, huwag na lang. Isa pa, hindi pala kayo ang may karapatang malaman ang kuwento. Dapat ay ang mga sisingilin ko lamang ang pagsasalaysayan ko," inis na saad ng killer, at dinampot ang kaniyang maliit na kutsilyo, katabi n'on ay baril niya, na nakalapag sa mesa.
"Kung gan'on, maawa ka sa amin! Wala naman pala kaming kasalanan sa iyo, kaya huwag mo na kaming idadamay," lumuluhang wika ni Tina sa kaniya. Napangisi naman siya, at hindi pinansin ang pagmamakaawa ng kaklase.
"Sino kaya ang uunahin ko?" tanong niya habang pinaglalaruan ang kutsilyo. Nanlaki ang mata nila nang itapat niya ang kutsilyo kay Tina.
"Huwag, please! Maawa ka naman sa amin! Promise, hindi ka namin isusumbong, basta pakawalan mo lang kami," saad naman ni Fred, at pilit na kumakawala sa pagkakatali.
"Maawa? Noon may awa pa ako, pero ngayon wala na akong awa. I am now merciless and fearless," tugon niya at lumapit kay Fred. "Isa pa, hindi ako bobo para pakinggan ang suhestiyon mo," dagdag pa niya kaya napalunok si Fred.
"Bakit mo ba ginagawa ito?" tanong din ni Trunks. Sunod naman niyang nilapitan si Trunks, at tinignan nang diretso sa kaniyang mga mata.
"Because all I want is a bloody revenge!" sigaw niya sa apat, kaya napatahimik sila. Mas lalo namang lumakas ang mga hikbi nina Tina at Janna.
Kahit pa napakatigas ng ng puso ng killer ay hindi pa rin niya maiwasang maluha. "Sabi nila, masama raw ang paghihiganti, but I guess mali sila. Hindi ba napaka-unfair kung ako lang ang makararanas ng impyerno?"
Pilit namang pinapaamo ni Fred ang killer. Nagbabakasakali siyang mababago pa niya ang isip nito. "Alam naming may natitira ka pang kabaitan sa puso mo kaya naluluha ka ngayon kahit na ilan na ang pinatay mo nang brutal."
"Huwag mo akong pangaralan dahil matapos nilang gawing miserable ang buhay ko, wala ng kabaitang natira sa puso ko," giit ng killer, at pinunasan ang kaniyang mga luha. "Hindi nila maiintindihan ang nararamdaman ko hangga't hindi nila ito nararanasan. Ipararanas ko ang impyernong naranasan ko noon, at nang maintindihan nila ang pinagdaanan ko," dagdag pa niya.
"Pero bakit pati kami—"
Hindi na naituloy ni Fred ang kaniyang sasabihin nang damputin ng killer ang kaniyang baril at pinaputok ito sa ulo ni Fred. Sigaw naman nang sigaw ang dalawang babae, na halos mawalan na sila ng boses, lalo na si Tina.
Mas lalong napangisi ang killer nang maalala niyang dahil sa baril na patago niyang inilagay sa bagahe ni Mariel. Naging dahilan tuloy iyon para maibaling ang bintang sa kanya. Noong nakakuha naman siya ng tiyempo, agad lang din niyang kinuha ang baril at ibinalik sa lungga niya dahil ang plano lang naman niya ay i-set up si Mariel.
BINABASA MO ANG
✓Evil's Bloody Revenge
Mystery / ThrillerIsang lumang invitation ang natagpuan ni Mariel, at iba pa niyang mga kaklase, sa loob ng frame ng portrait na ibinigay sa kanila ng isa sa mga kaklase nila. Pagkatapos ng limang taon, dahil sa imbitasyon na iyon, nagkaroon sila ng class reunion sa...