Chapter 16

160 29 0
                                    

HINDI mapigilan ni Mariel ang pagtulo ng kaniyang mga luha; maging ang kaniyang mga tuhod ay nanlalambot na rin. Napahawak naman siya sa kaniyang dibdib dahil tila nakikipagkarerahan sa kabayo ang puso niya dahil sa takot—takot na baka mawala na naman sa kanya Ced, at takot na baka napatay na ng killer si Ced at siya na ang isusunod.

Kanina pa niya hinihintay si Ced sa kuwarto kung saan siya nagising at nakita si Ced. Umaasa kasi siya na baka hindi naman talaga muling nadakip ng killer ang mahal niya. Subalit, patuloy pa ring sumasagi sa kanyang isip na baka muling bawiin sa kanya ang taong minsan ng kinuha sa kanya.

"Nagmamakaawa ako sa Inyo, iligtas Niyo sana siya. Ayoko ng maulit muli ang nangyari noon... iligtas Niyo po sana kami mula killer." Tanging pagdarasal na lang ang nagawa ni Mariel.

Himala nga na nagdadasal siya, dahil mismong siya ay hindi niya na matandaan kung kailan siya huling nagdasal. Simula kasi noong namatay ang mommy niya, hindi na siya muling nagdasal pa. Pakiramdam niya kasi, pinabayaan na siya ng Diyos, subalit ngayon ay naisipan niyang magdasal kahit pa napakarami niya ng kasalanan at pagkukulang.

Hindi niya rin namang maiwasang sisihin ang kaniyang sarili dahil maging si Ced ay nadadamay sa galit sa kaniya ng killer. Marahil ay isa sa mga kaklase niyang na-bully niya noon ang gustong maghiganti sa kanya.

Mayamaya ay hindi na namalayan ni Mariel na nakatulog na pala siya. Nagising na lamang siya nang tamaan ng sinag na nagmumula sa liwanag ng bombilya ang mata niya. Naibaling niya naman ang kaniyang tingin sa paanan niya, at doon ay may naaninag siyang tao.

"Ced!" Agad siyang bumangon, ngunit malabo pa rin ang mga mata niya. Gustong-gusto niyang malaman kung si Ced nga iyon.

"Mariel..."

Nabuhayan siya ng loob nang marinig niya ang boses ni Ced. Napahinga na lang siya nang malalim dahil sapa ng malaman niyang ligtas pala ang binata.

"A-Akala ko... n-nakuha ka na ng killer." Kahit pa hindi na lumuluha si Mariel ay nanginging pa rin ang kaniyang mga kamay, pati na rin ang kaniyang labi, kaya hindi siya makapagsalit nang maayos.

Lumapit naman si Ced kay Mariel, at umupo sa tabi ng dalaga. "Hindi ako magpapatalo sa killer. Lumipat lang ako ng lugar dito sa masnyon dahil natunton ako ng killer."

Nanatili namang tahimik si Mariel, at tanging malalalim na paghinga lamang ang naririnig sa kanya. Makalipas ang ilan pang mga minuto ay unti-unti niya ng nababawi ang lakas niya, at nabubura na rin ang takot na nararamdaman niya.

"Paano mo siya natakasan? Anong ginawa mo?" tanong ni Mariel nang tuluyan niyang nagapi ang takot na gumagapang sa pagkatao niya. Ikinuwento naman ni Ced sa kanya kung ano ang nangyari, at kung paano niya nadaig ang killer.

Kaaalis lang ni Mariel nang mapangiti si Ced dahil sa wakas nagkita na muli silang dalawa. Sobrang haba ng panahon ang kaniyang tiniis para lamang makitang muli si Mariel. Halos hindi mabura ang ngiti sa kaniyang labi, kahit hanggang sa paghiga niya.

Mayamaya pa ay napabangon siya nang may marinig siya kaluskos. Siguado siyang hindi si Mariel 'yon, malamang ay iyon ang killer.

"Magpakita ka!" sigaw ni Ced at tumayo.

"Hello, Ced!" Tama ang hinala niya, ang killer nga! Agad niyang sinugod ang killer at sinipa kaya napaatras ito.

Sa loob ng isang taong pagkukulong niya sa mansiyon ay marami na siyang natutunang tungkol sa pagdedepensa sa sarili. Walang araw na hindi siya nag-e-ensayo, kaya ngayon ay kaya na niyang depensahan ang kaniyang sarili.

"Lumalaban ka na, ah!" wika ng killer sa kaniya sabay naglabas ng maliit na kutsilyo.

Ibinato ng killer sa kanya ang kutsilyo, pero nasalo niya iyon. Agad niya naman itong ibinato pabalik sa killer, kaya nadaplisan niya siya sa hita. Tumulo ang dugo sa sahig, at nagkaroon siya ng pagkakataon para sipain ang killer na agad niya namang pinagsisipa, saka siya tumakbo papalayo.

Samantala, nang masigurado ni Ced na nakaalis na ang killer, bumalik na siya sa kuwartong pinagtataguan niya, subalit nadatan niyang natutulog doon si Mariel habang lumuluha.

Nakita niya naman sa ibaba ng kamang pinaghihigaan ni Mariel na may putol na daliri sa sahig, Katabi n'on ay ang papel na may nakasulat na "WALA NA SIYA".

"Noong bumalik ako rito, nadatnan kitang nakatulog," saad ni Ced.

"Sigurado ka bang hindi ka babalikan ng killer dito?" tanong pa ni Mariel. Hindi niya kasi maiwasang mag-alala dahil baka gantihan si Ced ng killer—lalo't nasugatan niya ito gaya ng ikinuwento sa kanya.

"Huwag kang mag-alala, mag-iingat naman ako. Hindi ko na hahayang madaig pa niya ako." Napangiti naman si Mariel sa sinabi ni Ced. Ilang minuto pa siyang nanatili roon, bago niya napagpasyahang umaalis.

"SI Mariel kahapon pa wala!" Naiiyak na sabi ni Geam. Palibhasa ay siya ang pinakamalapit kay Mariel. Simula kasi kahapon noong pagbintangan niya si Mariel dahil doon sa nakitang baril sa bag niya, hindi pa rin siya bumabalik. Iniisip nila na baka may nangyari na sa kaibigan nila.

"Kasalanan natin to, eh. Basta-basta natin siyang hinuhusgahan!" sabi naman ni Joanne, at napahilamos na lang sa mukha niya gamit ang kaniyang kamay.

"No, ako ang dapat sisihin 'pag may nangyari sa kaniya dahil ako ang unang humusga sa kaniya," giit naman ni Geam na halos mangiyak-ngiyak na.

Mayamaya ay napatayo sila nang makita nila si Mariel na muli na namang pababa mula sa third floor. Agad na tumakbo ang apat na magkakaibigan papunta sa kaniya, at niyakap siya.

"Sorry na Mariel. Okay ka lang ba?" tanong nila, ngunit ngumiti lang siya. Nahalata nila sa mata niya na namumugto ito.

"Ayos lang ako," matipid na sagot ni Mariel.

Napaisip tuloy ang apat kung galit ba siya sa kanila dahil tahimik lang siya buong araw na kasama nila siya at 'di umiimik.

Pagsapit ng gabi ay sabay silang lahat na natulog sa sala ng second floor. Huli namang nakatulog si Leianne, ngunit may kakaiba siyang naramdaman. Hanggang sa may nakita siyang na gumugulong na sleeping gas, at tuluyan na ngang umusok ang paligid, at nawalan na siya ng malay.

Natakpan naman ng KN-95 mask ang malawak na ngisi ng killer nang maglaho na ang usok na nagmumula sa sleeping gas. Nang masigurado niya kasing natutulog na ang kaniyang mga kaklase, mabilis niyang isinuot ang mask niya at pinagulong ang sleeping gas.

Bumangon naman ang isa niyang kaklase na gaya niya ay may suot ding mask. Tama, isa sa mga kaklase niya ang kasabwat niya. Kahit na gan'on, hindi naman niya kasamang pumapatay ang kaklase niyang iyon, bagkus ay kasama niya lang sa paghihila at pagbubuhat ng mga bagong mabibiktima.

Pinangakuan kasi siya ng killer noon pa na hindi siya papatayin sa isasagawa niyang paghihiganti, ngunit ang kapalit ay tutulungan siya nito at magiging alalay niya. Isa pa, gusto rin naman ng kasabwat niya na maisagawa nga ang paghihiganti dahil maging siya ay naging biktima rin ng mga kaklase niya noon.

Isa-isa nilang dinala ang apat na biktima sa lungga ng killer at itinali sila. Hihintayin na lang ng killer na magising ang mga bago niyang biktima para ma-enjoy naman nilang matulog.

Mayamaya pa ay nababagot na siya dahil ang tagal nilang gumising. Inutusan niya na lang na kumuha ng tubig ang alalay niya. Nang makakuha na ang kasabwat niya ng isang baldeng tubig ay ibinuhos niya ito sa kanila.

Bago pa tuluyang maalimpungatan ang apat na biktima ay nagtago na sa maliit na kuwarto ng killer ang kaniyang kasabwat. Ayaw niya kasing makita siya ng mga kaklase niya kahit pa mamamatay naman na sila.

Samantala, hindi naman makasigaw ang apat dahil may busal ang bibig nila. Wala silang nagawa kundi ang masindak, at titigan nang masama ang killer, na hindi nila lubos akalaing siya pala ang salarin.

"Oh, welcome to hell! Don't worry, 'di ko naman kayo pahihirapan," saad ng killer sabay ngisi. Bakas pa rin ang takot sa mukha nilang apat—sina Ted, Tina, Janna, at Trunks. "Let me tell you a story, guys. A very heart-breaking story of mine..."

✓Evil's Bloody RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon