Chapter 1: Awakening

61 2 0
                                    

Kasalukuyan akong nag-aalaga nang mga alagang biik at baboy nang aking tiyahin. Yes po! Nasa tiyahin ko ako dahil sa isang trahedyang sumira sa buhay ko. Nawala na lang nang bigla ang mga magulang ko sa akin. Tila nga daw hindi ako makausap nang mga unang araw ko rito sa kanila, ayaw ko daw makipag-usap sa kahit na sino. Kapag naman daw pinapakain na nila ako ay wala lang akong kibo, pero hindi sila nawalan nang pag-asa kaya sobrang pasasalamat ko sa pamilya na kumupkop sa akin. Ang tanging naaalala ko lang ay iyong masamang nangyari sa mga magulang ko at wala na akong matandaan na kahit na anupaman. Liban na lang sa pangalan ko na hindi ko na kailanman nakalimutan pa. Swerte ko pa rin no? Sa kabila nang napagdaanan ko ay may mga mabubuting loob parin ang handang magbukas nang kanilang tahanan at sobra ang pasasalamat ko dito.

May dalawang anak ang tiyahin kong si Tiya Isabelle, tawagin ko na lang daw siyang tiya tutal sa kanila na daw ako titira. Si Bella na mas bata sa akin ang bunso ni tiya at ang panganay naman niya ay si kuya Kristoffer or Tope. Makukulit silang dalawang magkapatid kaya siguro nahawaan na din ako kahit papaano.

Naging madaldal at makulit na din ako simula nang mga nakalaunang araw ko kasama nila. Hindi na daw ako iyong napakatahimik lang at nasa tabi lang. Sino ba naman kasi hindi magbabago kung hindi ka titigilan nang dalawa sa kakadaldal sa iyo. Sinasama din nila ako sa mga kalokohan nila kaya pare-parehas kaming napapagalitan nang tiya Isabelle.

Ni minsan hindi ko naramdaman na iba ako sa pamilya nila. Pinaramdam nila sa akin na magkaroon nang pamilya kahit pa hindi ko naman talaga silang totoong pamilya. Ramdam ko na mahal nila ako at mahal ko rin ang pamilyang ito.

Kung sana hindi na lang nangyari ang trahedya na iyon ganito din kaya kami kasaya nang pamilya ko? Hindi ko pa rin talaga maiwasang hindi masaktan sa mga nangyari na. Sobrang sakit naman kasi talaga, na makita ang pamilya mo na unti-unting kinuha sayo na parang kendi lang. Binawi nang biglaan at wala kang nagawa man lang. Masakit na katotohanan pero wala e tapos na siya pero naiwan parin iyong sakit dito at mahirap makamove-on kasi kulang ka na, hindi na buo ang pagkatao mo kasi wala na sila at hindi na kailanman babalik pa.

-----
SavemeAlone

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon