Chapter 19: Family Dinner

11 1 0
                                    

Ilang oras muna ang pinalipas ko bago ako lumabas sa pinagtataguan ko, nang masiguro ko ng wala nang ibang tao doo'y lumabas na ako. Hindi ko na lang siguro dapat isipin pa ang nangyari, problema na nila iyon kaya dapat sila ang umayos at tsaka di ko naman sila kaano-ano para makisawsaw ako sa ganoong eksena.

Pababa na ako nang hagdanan nang biglang marinig kong bumukas ang pinto mula sa katabing kwarto at doon nga't lumabas ang lalaki. Napatingin pa ito sa akin nang parang inuusisa kung sino ako at nanlalaki ang mga matang lumapit sa akin. Kaagad ako nitong niyakap nang mahigpit, nanlalaki naman ang aking mga mata sa nangyayari at pilit inalis ang mga kamay nang lalaki. "I miss you.. b-baby." Sabay halik sa ulo ko.

"Ahm, excuse me. Pwede pakibitawan ako di na ko makahinga. Sino ka ba? Ba't ka nangyayakap diyan ng bigla-bigla." Usal ko sa kanya.

Natahimik naman ito bigla at parang naluluha na ewan. Namumula na nga yong mga mata niya actually, ay teka nga diba siya din yong lalaki kanina. Tinitigan ko naman siya ng cold kong titig at walang emosyong humarap sa kanya.

"K-kuya mo ako, ako to si kuya Kelvin mo hindi mo na ba ako naaalala."

Tinitigan ko lang siya habang wala pa rin akong emosyong pinapakita. "I'm s-sorry pero hindi kita kilala." Iyon na lang ang sinabi ko kasi hindi ko naman talaga siya makilala. So kuya ko pala ang walanghiyang lalaki na ito? What a world.

Nagtuloy-tuloy na akong bumaba at nagtanong sa iba pang mga maid na naroon kung nasaan ang hapagkainan.

Pagkarating ko doon napakaraming pagkain ang nakahain. Mamahaling nga kubyertos at punong-puno nang iba't-ibang putaheng nakahain.

"Honey andiyan ka na pala tara na sumabay ka na sa amin kumain." Nginitian ko naman si daddy at napatingin sa ginang na katabi ko lamang ang upuan.

"Magandang gabi po." Nginitian ko rin ito.

"Ito na ba ang apo ko? Ang laki-laki mo na iha. Naalala mo pa ba ako? Ako to si Mamita mo." Yumakap naman ito sa akin.

Dumating naman kasunod ko ang nagsasabing kuya ko daw at umupo sa katapat kong upuan. Nginitian naman ako nito pagkaupo niya, nailang naman daw ako sa klase ng mga titig nila sakin.

"Huwag niyo nga muna siyang titigan nang ganiyan marahil naninibago pa siya sa atin." Sabi naman ng ginoo na mukhang lolo ko ata. Hindi sila mukhang matatanda na pero mababakas ang mangilan ngilang wrinkles sa mukha.

Nag-aya na ang mga ito na kumain saktong pagkadating ng mga magulang ko galing sa kusina. Si mommy daw pala ang nag-asikaso nang mga pagkain sa katunayan nga eh siya ang nagluto nang mga ilan sa mga ito. Kumain naman ako kahit naiilang ako kasi naman itong katapat ko makatitig wagas. Nang akmang kukunin ko na sana iyong hipon ay biglang kinuha naman ito nang kaharap ko at tinanong ako kung gusto ko ba daw iyon. Syempre umoo ako kasi favorite ko ang hipon at siya na ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Sinabi pa nga nang mga magulang ko na hindi pa rin pala nagbabago iyong nga paborito ko. Favorite ko daw kasi ang hipon eh totoo naman talaga na favorite ko parin iyon.

Nagpasalamat naman ako pagkatapos niyang malagyan iyong plato ko.

"Iha saan ka nga pala nag-aaral?" Tanong nang Lolo RAffy. Raffy daw short for Rafael at Amy naman sa lola ko short for Amanda pangmatanda daw masyado pag ganon kaya raffy at amy daw para feeling bagets.

Si daddy na ang sumagot doon at ipinagpatuloy na namin ang dinner. Marami pa silang itinanong sa akin at ang ila'y sinagot ko naman at ang iba'y hindi ko na sinagot. Naiintindihan naman daw nila kaya okay lang kahit hindi ko sagutin.

Nakumpirma ko na rin pala na kuya ko nga talagang tunay iyong lalaking katapat ko. Dalawa lang daw kaming anak nila mommy at daddy at nag-iisang babae naman daw ako. Marami pa kaming napagkwentuhan simula nang mga bata pa ako hanggang sa napunta na sa trahedyang nangyari sa buhay ko. Napag-usapan na rin pala nang mga magulang ko na balak nila akong itransfer ng eskwelahan kung saan nag-aaral ang kuya Kelvin ko. Mas maganda daw kasing may magbantay-bantay sa akin habang nasa school at iwas gulo.

Natapos ang pagkain at kwentuhan nang magpaalam na akong aakyat na muna sa aking silid upang makapagpahinga na. Pumayag naman sila kaya wala nang nagawa sila mamita at Dada tawag ko daw sa mga lolo at lola ko kahit gusto pa nila akong makakwentuhan. Next time na lang daw dadalaw pa naman sila kaya wala na rin silang magawa.

"Sige po aakyat na po muna ako." Sabay lapit sa mga ito at bigyang halik sa mga pisnge. Kaso nang matapos ako sa paghalik kina mommy napatingin ako sa kuya ko. Nahihiya naman akong humalik sa kaniya kaya hindi ko na lang ginawa kahit na sinabi nilang ang lambing lambing ko daw sa kuya ko nang nasa kanila pa ako. Pero iba na ngayon, lumaki na ako sa iba at hindi sa kanila kaya mahirap ibalik ang mga nakaugalian. Nakita ko namang parang nadissapoint siya na hindi ako lumapit sa kaniya upang gawaran siya ng halik na lagi ko daw ginagawa. Iba na ngayon, hindi na ako katulad nang dati. Iyon na lang ang itinatak ko sa utak ko at nagtuloy-tuloy sa pag-akyat papunta sa aking silid.

-----
SavemeAlone

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon