"Magpahinga ka na muna iha. Hindi makakabuti sa iyo kung aalalahanin mo ang mga bagay na nakakasama sayo mabuti pa ipagpahinga mo muna ang iyong katawan sa stress." Sambit ng tiyuhin sa kaniya.
Tulala lang ang dalaga. Walang imik at parang lantang gulay. Ang mga matang dati'y kumikinang sa saya tila ba'y sa isang iglap naglaho na lang ng parang bula. Mataman lamang siyang nakatitig sa kung saan. Awang-awa naman ang mga itinuring niyang magulang.
"Kailan po sila dadalaw?" Tanong niya.
"Bukas na bukas darating na sila dito. Magpahinga ka na para may lakas ka kapag nakita mo na sila." Mapait naman siyang napangiti.
"All these years pinaniwala ko lang pala ang sarili ko." Sambit niya.
Agad namang lumapit ang tiyahin at agad siyang niyakap. "Nang dahil sa nangyari kusa akong gumawa ng mga ilusyon ko. Pati mga sarili kong magulang ginawa kong patay sa isip ko."
"Tita ang sama kong anak." Sabay harap niya sa kausap.
"Sshh, h-hindi ka masamang anak. Sadyang malaki lang ang naging impact sayo ng nangyari at hindi mo kayang harapin ang katotohanan." Pag-aalo nito.
Katahimikan na lamang ang namutawi sa buong silid.
-----
Nasa kalagitnaan ng pagluluto ng pagkain si Isabelle ng biglang marinig ang telepono.
"Manang flor, pakisagot naman po nang telepono." Sigaw nito mula sa kusina.
"Isabelle si Albert ang tumatawag. Kailangan ka daw niyang makausap." Sagot nitong sigaw.
"Manang akin na po, pwede po bang kayo na po muna doon."
"Ikamusta mo na lang ako sa kanila iha, namis ko na din ang mga iyon. Ang tagal na rin nilang di nakakadalaw. Hala siya sige kausapin mo na sila at doon muna ako sa kusina."
-----
"H-hello."
"Isabelle." Sagot ng kabilang linya. " Kamusta ang anak ko. Napatawag agad kami ng mabalitaang nagising na siya."
"Okay naman na siya, actually hindi pa tuluyang nakakarecover yung bata kuya. Mas mabuti na iyong nandito na kayong dalawa nang maisip niyang hindi siya nag-iisa. Hindi ko nga aakalaing aabot sa iisipin niyang patay na kayo."
"Iyan naman ang hindi namin papayagang mangyari, sapat na siguro iyong mga oras na iginugol namin para sa business kumpara sa iginugol namin sa aming nag-iisang prinsesa. Nagsisisi kaming hindi kami nakauwi agad at mas inuna pa ang mga iyon. Hindi ko na hahayaang mangyari ulit iyon sa anak ko." May determinasyong saad nito.
"Kamusta nga pala si ate Cris?"
"Nakatulog sa biyahe."
"Sabagay ang layo ng byahe niyo. Magpahinga muna kaya kayo bago pumunta dito kuya." May pag-aalang sambit nito.
"Hindi okay lang kami. Kailangan na naming makita ang anak namin, ayokong mawala sa amin ng tuluyan ang anak namin." Naiiyak ito habang nasa kabilang linya.
"Sige, ibababa ko na itong tawag. Mag-iingat kayo sa byahe." Tuluyan na ngang naputol ang linya ng telepono.
-----
Mag-aalasdiyes na nang gabi nang makarinig sila ng busina ng sasakyan. Dali-dali namang lumabas ang kanilang kasambahay na si Flor upang pagbuksan ang gate. "Mukhang dumating na sila."
"Si tito Albert na po ba iyon ma?" Tanong ng anak na babae.
Tango lamang ang naisagot niya sa anak.
"Hay naku! Buti naman at nakarating na kayo ng maayos." Sambit ng matandang kasambahay sa mga bisitang kararating lamang.
"Opo manang, medyo malayo nga lang po ang byahe."
"Sige maiwan ko na muna kayo at ihahanda ko na ang hapagkainan." Dali-dali naman itong nagtungo sa kusina.
"Nasaan siya?" Tanong ng baritonong boses ng lalaki.
"Nasa kwarto niya, tulog na siguro."
"Pwede ba kaming pumasok sa kwarto niya?" Tanong naman ng isang babaeng mga nasa 30's na ang edad ngunit maganda pa rin.
"Oo naman, tutal mas makakabuti ngang makausap niyo siya." Ngumiti naman ang dalawa at iniwan na lang ang mga dalang gamit sa sala. Umakyat ang mga ito sa ilalawang palapag kung nasaaan ang nag-iisa nilang anak na babae.
Itinuro naman ng tiyahin ang pintuan ng dalaga. Kumatok muna sila at unti-unting binuksan ang pinto ng kwarto.
Pagkapasok nila ay kadiliman ang sumalubong sa kanila.
"Nak, gising ka pa ba?" Sabay on ng switch.
Napalingon naman ang dalaga sa kinaroroonan ng boses sabay kusot-kusot ng mata. At nang makapag-adjust ang mga ito unti-unting nagsipatakan na nang kusa ang mga luha mula sa kaniyang mata.
"How are you baby?" Sabay yakap sa kaniya ng ama at ina.
Humagulgol naman ang dalaga. Masayang masaya siyang nakasama niya na ang mga magulang. Akala niya talaga patay na ang mga ito ngunit hindi naman pala. Niloloko lamang siya ng isipan niya.
"I miss you baby" Sabay halik sa noo ng ama niya sa kaniya.
"We're sorry hindi agad kami nakauwi." Garalgal na boses ng ina.
"M-mom D-dad I miss you too. So much." Iyak nang dalaga habang yakap ang dalawa.
"I-im sorry. K-kinalimutan ko kayo mas malala akala ko patay na kayo." Sabay hagulgol ng dalaga.
"I'm such a bad daughter." Yakap sa mga ito.
"No b-baby. You are not. We are the one who should say sorry to you." Sabay halik sa sintido ng anak.
"I'm sorry for leaving you honey." Iyak nang ina.
"Ngayon na kasama ka na namin, hindi ko na hahayaang mangyari ulit ito sa iyo. Not anymore." Saad ng ama niya.
"Mom I'm hurting. So much that I can't handle it anymore. To the point that I don't know what to do." Iyak niya.
"Sshh. Look baby it's not your fault, okay? We're here now. Look we will always stay with you no matter what. I don't want to be separated to you anymore."
"You will come with us. Living in our house with your brother." Pinal na saad ng ama niya.
-----
SavemeAlone
BINABASA MO ANG
Once Again
RandomMahirap mamuhay sa di mo alam kung saan ka lulugar, saan ka nararapat. Kaya mo bang tanggapin ang katotohanan? Ang mga ala-alang nakatago ng napakahabang panahon ay unti unting mabubuksan. Unti-unting mauungkat at matutuklasan. Parehas lang kayong n...