"Oh punasan mo na muna iyang mukha mo, puro na uhog oh." Sabay abot ng panyo ng luko-luko kong kuya.
"Kasalanan mo naman pinaiyak mo ko." Sabay singa sa panyo.
"Ang panget ko na tuloy. Nasira na make-up ko." Pagtatampo ko.
Hinarap ako nito saka pinisil yung pisnge ko sabay sabi- "Huwag kang mag-alala maganda ka pa rin naman mana ka kaya sa akin." Pagmamayabang nito. Lakas ng hangin din ng isang to.
"Tara na baba na baka hinihintay ka na nong bestfriend mo." Sabay hila ng pinto ng kotse.
Nang makababa na ako agad nitong ikinawit sa mga braso niya ang aking kamay. Gentleman din naman pala kala ko Gentledog na eh!
Kinausap kami nang nagbabantay sa loob kung anong pangalan at kaanu-ano ng celebrant kaya medyo natagalan ng konti bago kami tuluyang makapasok. Sinabi kong bestfriend ako ng celebrant at sinabi ang pangalan agad naman kami pinapasok pagkatapos.
Nagkakalkal ako nang msgs sa cellphone ng may mareceive ako mula kay Lyn. "Where are you?" Sinagot ko naman ito. "I'm here already with my brother." Pagrereply ko. Akala ko magrereply pa siya pero mukhang hindi na yata kaya ibinalik ko na lang purse iyong phone ko.
Pinakatitigan ko ang buong venue ng birthday ni Lyn. Infairness ang ganda ng motif may pagkaflowery na mga designs sa bawat sulok. Mahilig nga pala iyong babaeng yon sa mga bulaklak.
"Hi! Are you Kelvin Clark Tiu?" Narinig ko na lang bigla sa tabi-tabi ko. Nakita ko namang may lumapit kay kuya na medyo maputing babae. Ang ganda naman ng kutis ng babaeng to alagang silka.
"Yes. Why?" Sagot naman ni kuya.
"Hi I'm Safira Dy! I'm a fan of yours can I take picture with you?" Nagniningning na matang sabi nito. Tumango naman si kuya at lumapit dito at nagpapicture sa naturang babae. Ang cute niya tingnan parang ang lambing-lambing na ewan. Kabaligtaran yata iyong ugali niya kay kuya, mukha kasing anghel itong babaeng tinitingnan ko samantalang iyong kuya ko. Nevermind na lang! Pero ang angelic talaga nang mukha niya. Anak mayaman nga naman, ang puti-puti at kinis. Nagpasalamat naman ito pagkatapos nang ilang pictures. Pero ang kuya ko parang balewala lang sa kanya na may lumapit na magandang dilag sa kanya. Sabagay iyong nakasama nga rin niya yung sa may scene sa bahay ay maganda rin. Ang swerte naman yata nitong mokong na to napapalibutan ng mga nagagandahang dilag.
-----
Coleen's POV
"Ang ganda talaga nang alaga ko." Puri sakin ni Manang Cora.
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Sino ba naman ang hindi matutuwang masabihan ng maganda diba? Nandito ako ngayon sa isang silid kung saan gaganapin ang ikalabing-siyam kong kaarawan. Espesyal para sa akin ang araw na ito dahil ngayon kasama ko na mga magulang ko. Bakit espesyal? Simple lang kasama ko sila at excited na ako sa mga mangyayari mamaya.
Napagpasyahan kong itext ang bestfriend kong si Lyre. Hindi pwedeng wala siya dahil isa siya sa mga taong espesyal na sa akin kaya dapat lang na nandito siya.
"Where are you?" Text ko.
Nakareceive naman agad ako ng reply.
"I'm here already with my brother." Eh? Brother? May ikwekwento sakin ang babaeng ito. Lagot siya sakin mahaba habang kwento ang gusto ko. Napangiti na lang ako.
Bigla namang sumingit ang baklang nag-aayos sa akin. "Oh? Uy uy tama na muna iyang kakatext mo diyan. Mamaya ka na kiligin at papagandahin muna kita nang bongga. Hala sige! Mabuti pa itago mo muna iyang cellphone." Habang may ngiting akala mo ewan.
"Boyfriend?" Biglang singit niya.
"Boyfriend? Wala nga kong manliligaw boyfriend pa kaya." Sabi ko habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Once Again
CasualeMahirap mamuhay sa di mo alam kung saan ka lulugar, saan ka nararapat. Kaya mo bang tanggapin ang katotohanan? Ang mga ala-alang nakatago ng napakahabang panahon ay unti unting mabubuksan. Unti-unting mauungkat at matutuklasan. Parehas lang kayong n...