Kaya pala...
Kaya pala ganoon na lang ang pakiramdam ko nang yakapin niya ko. Napaluha akong muli habang matamang nakatingin sa kanya. Ang laki na nang pinagbago niya, iyong may kahabaang buhok nya ay wala na, iyong pangangatawan niya ay mas humulma pa na saktong-sakto naman sa tangkad niya.
Pero habang pinagmamasdan ko siya, parang may mali, may kakaiba, parang hindi na siya iyong tulad nang dati, parang hindi ko na siya kilala. Ganoon ba talaga kalala ang galit niya sa akin? Sobra naman yata. Ang tagal ko ring hindi siya nakita at nakausap, simula nang nangyari. Nangungulila ako sa kung anong meron kami dati, humihiling na sana maibalik iyong dating samahan namin bilang magkapatid kahit na hindi naman talaga kasi sobrang napalapit at napamahal na ako sa kanya at sa kanila. Hindi ko lang lubos maisip kung bakit umabot pa sa ganito ang lahat. Pwede namang maging masaya na lang kami diba, bakit kailangan pang magkasumbatan at magkasakitan ng damdamin kung pinahahalagahan niyo naman ang bawat isa.
"Huwag ka kasing haharang-harang sa daan, nakakadisgrasya ka pa." Mga salitang binigkas niya bago ako talikuran at magpatuloy sa paglalakad.
Nasaktan ako sa mga salitang binitawan niya. Hanggang dito na lang ba talaga kami? Enemies? Walang pansinan? Parang hindi ko yata kaya. Mahirap tanggapin na parang hangin na lang kung ituring niya ako. Nasasaktan ako yun ang totoo, nahihirapan akong tanggapin na parang wala na lang ako sa kanya Invisible kumbaga.
"Mahuhuli ka na sa klase mo, dalian mo diyan at tigilan mo na ang drama." Napatingin ako sa taong pinagmulan ng boses. Sinamaan ko siya nang tingin at nagdire-diretsong papuntang classroom. Pinahid ko ang mga natirang butil nang luha sa mukha ko. Nakakainis siya nandoon naman pala siya pero wala siyang ginawa.
Eh ano nga bang magagawa niya? Tanong nang isip ko.
Letse! Nakakapikon talaga ang ugali nang isang ito. Kung hindi lang siya kaibigan nang kuya ko baka nasapok ko na siya nang bonggang-bongga. Pasalamat siya may kapit siya sa pamilya at kapatid ko.
"Boyfriend mo ba iyong kanina? Wala namang panama." Napatingin akong muli sa kanya.
"Pwede ba Ryder manahimik ka. Hindi kasi ako natutuwa." Sabi ko na lang at dumukdok sa mesa.
Habang nakadukdok unti-unti ko na namang naaalala ang mga nangyari kanina. Hanggang doon na lang ba talaga kami, wala nang pansinan. Kasi namimis ko na siya, namimis ko na iyong dati kong kuya. Nakakamis iyong dating bugok kong kuya na overprotective sa akin.
-----
SavemeAlone
BINABASA MO ANG
Once Again
RandomMahirap mamuhay sa di mo alam kung saan ka lulugar, saan ka nararapat. Kaya mo bang tanggapin ang katotohanan? Ang mga ala-alang nakatago ng napakahabang panahon ay unti unting mabubuksan. Unti-unting mauungkat at matutuklasan. Parehas lang kayong n...