Chapter 29: The little boy/girl in my dreams

20 1 0
                                    

"Halika, hindi naman nakakatakot dito eh. Tignan mo ako oh!" saad nang batang lalaki.

"Ayoko baka mahulog ako! Baka mapagalitan ako ni Inang kapag nakita niyang nandirito ako at nakikipaglaro sa inyong mga taga-ilog." sagot naman nang batang babae.

"Ikaw ang bahala, masaya kayang titigan ang buong kabuuan nang La Consolacion mula rito sa itaas." nang-aanyayang saad ng batang lalaki.

Sino ang mga batang ito? At bakit nakikita ko sila. Nakita ko na lamang na unti-unting paglapit ng batang babae sa kinaroroonan ng naturang bata.

"Oh ano? Maganda diba?" May ngiting nakapaskil habang sinasabi ang mga salitang iyon.

"Sobra! Wow ngayon ko lang nakita ito." May ningning sa mga mata nang bata.

"Hayaan mo pupunta na tayo madalas dito.  Huwag kang mag-aalala hindi malalaman ng iyong Inang pangako at tsaka..." habang nakatingin parin sa lugar.

"Tsaka? Ano iyon?" tanong nang batang babae.

"Ah eh wala, sige baba na tayo baka mapagalitan na naman ako ni Nanay baka hinahanap na ako noon."

"Hindi ka pa ba bababa? Tara na! Mukhang naeenjoy mo na dito ha." sabay gulo nang buhok ng batang babae.

"Ikaw naman ang may kasalanan eh." tumulis ang mga nguso ng batang babae.

"Oo na may susunod pa naman kaya tara na, sa susunod mas magiging masaya kasi magdadala ako nang ating makakain."

"Sige sabi mo iyan ha, mag-eenjoy ako nito." Ngiting-ngiti naman ang bata pero para akong nabuhusan nang malamig na tubig nang maaninag ko nang malinaw ang mukha nang naturang batang babae. Bakit kamukha ko siya? Bakit nakikita ko ang sarili ko sa kanya? At tsaka nasaang lugar ba ako? Anong pinagsasabi nilang La Consolacion, naguguluhan ako.

Akmang kakausapin ko na sana ang batang babae upang malaman kung bakit kamukha ko siya ngunit bigla na lang akong nasilaw sa napakaliwanag na ilaw na tumama sa akin.

Pagdilat ko nang aking mga mata, nakita ko na lang ang sarili kong nasa silid ko at nakaharap sa kisame. Wtf? Panaginip na naman, ano bang meron at kung anu-ano na lang ang mga napapanaginipan ko.

Napahawak ako sa ulo ko at sinabunutan ang buhok. Okay medyo masakit yun ha. Napabuntong hininga na lamang ako, siguro gagawin ko na lang ulit ang mga bagay na palagi kong nakakagawian para hindi ko isipin pa iyon, marami na akong problema at ayaw ko nang madagdagan pa iyon.

-----
SavemeAlone

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon