"Sabihin mo nga sakin ang totoo may gusto ka ba sa kanya?"
"Ha? Ano bang pinagsasabi mo? Nababaliw ka na ata." Sagot ko
"Kuya ko yun at anong nasa kokote mo at pumasok talaga yang naiisip mo ngayon." Dagdag ko pa.
"Mabuti nang malinaw." Sagot niya sa mababang tono.
Napatitig ako sa kanya. Ang seryoso talaga nito kahit kailan. Ang hilig pa sa itim bagay na bagay talaga sa kanya ang pangalan niyang ryder.
"Oh? Bat ganyan ka makatitig, may dumi ba ko sa mukha?" Sabay hawak niya sa mukha niyang makinis, kainis mukhang makinis pa siya kesa sakin.
"Bat ikaw nagdadrive ngayon? Hindi ko naman akalaing magiging driver na pala kita." Natatawang saad ko, para maiwas lang iyong topic.
"Wala ang kuya mo, may aasikasuhin daw siya at take note hindi mo ko driver kaya lumipat ka ngayon din dito sa front seat, okay?" Bored niyang sagot.
Kainis talaga siya, sa isang salita lang niya parang agad naman akong napapasunod. Nakakainis! Tinititigan ko na lang iyong dinadaanan namin at paminsan-minsa'y naghuhum nang kanta.
"Magseatbelt ka!" utos niya.
Tinitigan ko lang siya saka muling ibinalik ang tingin sa bintana nang kotse.
Inihinto niya sa daan ang kotse at saglit na tumingin sa akin.
"Sabi ko magseatbelt ka." Sabay kabit nang seatbelt sakin. Iwas na iwas pa ko habang ginagawa niya. Ang lapit niya at ang bango niya. Hep! Pinagsasabi ko.
Makalipas siguro mga ilang oras sa wakas narating na namin ang daan malapit sa
bahay. Pero inihinto na naman niya ang kotse sa tabing daan.Tahimik lang akong nakikiramdam sa kanya. Ano bang trip nang isang to at palaging nahinto? May saltik ata to eh.
Bumaba siya nang kotse nang walang pasabi at si ako naman ay tinatawag ang pangalan niya. Nagsisisigaw na ko sa loob nang kotse.
"Hoy Ryder san ka pupunta? Di pa ba tayo uuwi?"
"Tinawag mo ko sa pangalan ko." Sagot niya.
"Oh? Eh ano ngayon?" Dagdag ko pa. Tumawa lang ang gago. Nababaliw na ata talaga to eh dapat kasi nagtaxi na lang ako pauwi.
"Pwede ba kung di ka pa uuwi, pwes ako uuwi na, mag-aantay na lang ako nang taxi. Hindi kasi ako nagbibiro at walang nakakatawa sa mga pinaggagawa mo!" Singhal ko.
"Ako maghahatid sayo." Rinig ko
Inirapan ko lang siya.
Katahimikan muli ang namayani nang muli siyang magsalita.
"Gusto ko lang malaman mo na gusto kita at kapag sinabi kong gusto kita sakin ka na." Habang titig na titig sakin.
"Alam mo nababaliw ka na talaga!" Nasabi ko sa pagkagulat ko. "Hindi ako sayo pwede ba at walang nagmamay-ari sakin. Hindi ikaw! O kahit na sino man diyan." Sabay duro sa kanya.
"Nagkakamali ka." Simpleng salita niya.
"Pumasok ka na sa kotse at ihahatid na kita pauwi. Pinapaalalahanan lang kita sa ngayon. Mabuti nang alam mo dahil pag nagkataon baka may magawa pa akong di mo magugustuhan." Sabay haplos sa pisnge ko at ngiting bahagya. "Siguro naman ayaw mong mangyari yun diba? At saka sinabi ko na ba sayo na pati ang kuya mo alam ang tungkol dito? Kaya huwag kang mag-alala magiging legal tayo sa isa't-isa." Sabay halik sa ulo ko.
"Tara na? Maggagabi na baka hinahanap ka na nila." Sabay hawak sa kamay ko.
Nagpahila na lang ako sa kanya. Wala akong magawa. Nakakainis siya, bakit niya ginagawa sakin ito.
"Bakit mo ginagawa sakin ito?" "May galit ka ba sakin o ano. Huwag naman ganito please, ayaw kong matali sa isang relasyon. Pareho naman nating hindi gusto ang isa't-isa diba." Saad ko.
"Narinig mo naman siguro ang sinabi ko kanina lang." Sagot niya
"Ayoko!" Ayoko talaga. Ayaw ko pa, hindi ako papayag.
"Papayag ka, o baka gusto mong sa kasalan na dumiretso?" Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Napakasama niya, bakit siya ganito? Hinampas ko siya nang hinampas. "Hayup ka! Wag na wag mong gagawin yan."
"Maawa ka naman sa akin marami pakong mga pangarap."
Nanatili lang siyang walang imik.
"I hate you!" "I hate you to death!"
"No! You will love me and this time your mine. Alone" Matigas na pagkakasabi niya.
-----
SavemeAlone
BINABASA MO ANG
Once Again
RandomMahirap mamuhay sa di mo alam kung saan ka lulugar, saan ka nararapat. Kaya mo bang tanggapin ang katotohanan? Ang mga ala-alang nakatago ng napakahabang panahon ay unti unting mabubuksan. Unti-unting mauungkat at matutuklasan. Parehas lang kayong n...