Chapter 25: Random Scene

18 1 0
                                    

"Anong nangyayari?" Tanong ko kay Mitch sa telepono. Tinawagan ko siya matapos biglang magwalk-out ni Lyn sa party niya.

"Ah-eh.. Mahabang kwento, basta ipapaalam ko rin sayo pero hindi muna ngayon kailangan ko muna siyang hanapin baka kung saan na yun nagpunta malilintikan sakin yung babaeng yun." Sabi nito.

"S-ige mag-iingat ka." Yun lang at natapos na ang tawag.

"Ano daw sabi?" Biglang singit nitong katabi ko.

"May problema lang. Sana lang alam ko kung paano makatulong kaso wala akong alam." Malungkot kong pahayag.

"Mabuti pa iuwi na kita sa bahay at nang makapagpahinga ka na. Tsaka pwede ka naman umidlip na muna sa kotse habang nasa byahe pa tayo." Tumango naman ako at sumunod sa kanya.

Kaagad kaming sumakay nang kotse pagkatapos naming magpaalam na uuwi na kami sa pamilya ni Lyn. Abala kasi ang mga ito sa paghahanap sa kanya, sabi bigla na lang daw umalis at di na nakita pa. Ano ba talagang nangyayari? Tanong ko sa isip ko.

"Lalim na naman nang iniisip mo magpahinga ka na, mahahanap din siya. Wag mo masyadong alalahanin alam mo namang di makakabuti sayo." Oo nga pala hindi pwede sa akin ang sobrang iniistress ang sarili. Teka? Paano niya nalaman?

"Paano mo nalaman na bawal sakin ang stress?" Tanong ko sa kanya.

"Sinabi ni Tito sa amin, bago ka pa namin kuhanin sa kanila ay ibinilin nya sa amin na wag na wag kang bibigyan ng sakit ng ulo dahil di makakabuti sa kalagayan mo." Yun lang at natahimik na naman kami.

"Okay naman na ako." Sagot ko.

"Sa ngayon, pero paano na lang kung biglang matrigger yung sakit mo? Di ako papayag na mahiwalay ka na naman samin dahil lang sa mga desisyong padalos-dalos. Ayokong mangyari ulit iyon alam mo naman yun diba?" Tango na lamang ang naisagot ko sa kanya.

"Hindi ko alam na may kuya pala kong sobrang maalaga. Haha." Pag-iiba ko nang mood.

"Aba dapat lang na alagaan kita. Ilang taon din kitang di nakita, kung alam mo lang kung anong pinagagawa ko dati para makita ka lang pero sa malayo nga lang."

"STALKER!" Sigaw ko sa kanya.

Tinatawanan lang ako nang unggoy.

"Naalala ko nga one time yung sa may beach ata yun di ko na gaanong matandaan. Basta sinundan kita non tapos nakita kitang parang batang akala mo naagawan nang candy. Tulo laway tapos tulo uhog. Hahaha." Kelan yun? Stalker ang loko!

"At anong ginagawa mo bakit nandon ka?" Masamang nakatingin sa kanya.

"Ah yun ba, may business trip kasi kaya nagpunta kami non sa palawan. Saktong nandon ka rin pala, lalapitan nga sana kita non kaso biglang nagpatawag ng meeting yung board kaya di na kita naapproach pa. Kaya yun kahit na gustong-gusto ko nang lapitan ka non di ko nagawa." Sagot niya.

"So ilang beses mo nang binalak na kausapin ako?" Tanong ko sa kanya.

"Maraming beses na, kaso laging napupurnada eh. Kung hindi ako yung busy ikaw naman yung aalis agad. Minsan nga naisip ko, baka di pa panahon para magkita ulit tayo at kita mo nga naman ngayon heto at kausap na kita ng personalan."

"At tsaka.."

"Tsaka?" Naghihintay na sagot ko sa kanya.

"Wala. Malapit na pala tayo sa bahay ka na lang matulog at magpahinga ang daldal mo kasi yan tuloy." Sinisi pako ng letse!

Nang makarating kami sa bahay ay agad kaming sinalubong ng mga maids at butler. Oo may butlers din dito grabe naman kasi sa laki nitong bahay kung kaming apat lang ang titira. Magmumukhang haunted house naman pag nagkataong tahimik lang. Mas okay na yung marami "The more the Merrier" ika nga nila.

"Sige akyat na ko. Salamat sa paghatid." Paalam ko kay kuya.

"Ma'am dalhan ko na lang po kayo ng pagkain pagkagising ninyo." Bungad sa akin ni manang.

"Sige salamat po manang at tsaka Lyre na lang po ang itawag ninyo sa akin." Nahihiya-hiyang ngiti ko sa matanda.

-----
SavemeAlone

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon