Habang nakadukdok sa mesa, sinusubukang hatakin pabalik ng dalaga ang kamay sa kung ano man o sino ang may hawak nito. Pero sa kasamaang palad ay ayaw itong bitiwan ng kung ano o sino man ang may hawak nito.Puro dasal na kung anu-ano na ang lumalabas sa kaniyang bibig na kung may makakarinig ay aakalaing nababaliw na sya.
-----
"Jusko tulungan nyo po ako."
"Parang awa nyo na po."
"Tsk. Can you just shut your mouth?"
Natigilan na lang bigla ang dalaga at agad na napataas ang ulo sabay tingin sa katabi na walang emosyong ibang makikita kundi ang pagkairita.
"Eh bat kasi bigla bigla ka na lang nanghahawak ng kamay dyan?"
"Me? Holding your hands? As if I want to hold that dirty hands of yours. Anyway You're so assuming! I just want those freaking fangirl of mine to shut their fucking mouth and stay away from me that's why I'm holding it now." Sabay taas sa mga kamay nilang magkaholding hands.
"Me assuming? Srsly?"
"Tsk! Ano ba? Nasisiraan kana ba?"
"Paki ko sayo? Anong kinalaman ko sa mga fangirl mo aber? Anong mapapala ko dito sa pinaggagawa mo. Tsaka pwede ba bitiwan mo nga yung kamay ko."
"Don't want to. They don't stop until I do this."
-----
Agad naman napatingin ang dalaga sa mga kapwa niya estudyante na halata namang siya ang pinag-uusapan.
"Paenglish english pa eh nandito naman tayo sa pilipinas." bulong nya sa sarili.
"I can still hear you."
"Malamang katabi lang kita." usal niya.
-----
Pilit pa ring tinatanggal ng dalaga ang kamay sa pagkakahawak ng binata na wala naman atang balak na bitawan siya. Kaya ang ending pinabayaan na lang niya kahit hiyang-hiya na siya sa mga pinaggagawa ng gunggong na katabi niya.
Natapos ang klase na magkahawak pa din ang kanilang mga kamay. Ayaw talagang bitawan ng binata ang kanyang kamay.
"Hoy mister! Pwede ba tapos na yung klase baka pwede na akong maglunch, pakibitawan na yung kamay ko oh please!!!"
"What if I don't want to? You will stay?"
Oh god! Kung nasa magandang sitwasyon lang sana silang dalawa. Siguro kinilig na nang bonggang-bongga ang dalaga, pero iba itong sitwasyong kanyang hinaharap hindi ito isang fairytale na mayroong prince charming na mabait, gentleman, mapagmahal at gwapo. Gwapo? Siguro? Sa totoo lang may hitsura din naman ang lalaking kaharap pero naiinis pa rin siya kaya bawas points para sa kanya iyon. Ayaw din niya sa mga lalaking suplado, iyong mga tipo niya is yung may pamatay na ngiti at laging mukhang masaya. Hindi iyong katulad ng kaharap niya na parang akala mo e biyernes santo pa rin at sambakol ang mukha.
"Sayang gwapo pa naman sana kaso mukhang suplado" kausap niya sa sarili.
"Huh? What did you just say?"
"W-wala wala! sige na bitiwan mo na ko oh nagugutom na talaga ko eh. Please!!" Pacute na sambit ng dalaga. Pero mukhang walang talab ang charms ng dalaga at talagang ayaw talaga siya nitong bitiwan. Kahit siguro magplanking siya dito ay walang mangyayari.
Sa ilang beses na pakikiusap ng dalaga ay wala pa din siyang napala kaya dumating na sa puntong inis na inis na siya at pikon na pikon kaya wala na siyang ibang paraang naiisip kundi ang...
"Fuck! What the hell! Ouch it hurts! Arrrrgghhh you'll pay for this." Sabay turo sa dalagang papalayo.
"Arrrgghhh!!!"
Bago tuluyang makalayo. Biglang may naisip ang dalaga at humarap sa lalaki. Sabay sigaw...
"Pwede ba mister kung sino ka mang poncio pilato. Tigil tigilan mo ko at wala akong oras sa mga kahibangan mo. Kung wala kang ibang magawa sa buhay mo huwag mo akong idamay. Bleehhh!!!"
"Tsk. isip bata." Sambit ng binata.
-----
SavemeAlone
BINABASA MO ANG
Once Again
AcakMahirap mamuhay sa di mo alam kung saan ka lulugar, saan ka nararapat. Kaya mo bang tanggapin ang katotohanan? Ang mga ala-alang nakatago ng napakahabang panahon ay unti unting mabubuksan. Unti-unting mauungkat at matutuklasan. Parehas lang kayong n...