Inumaga na ako nang gising, ewan ko ba this days sobrang nagiging maantukin ko. Tsaka napapansin ko rin na lagi akong nananaginip ng kung anu-ano kesyo nasa isang malaking bahay daw ako. Haler? Nabubuang na ba ako?
Makababa na nga muna.
"Hija gising ka na pala, mabuti naman at pinaghanda na kita ng pagkain at kumain ka na baka malate ka pa."
"Salamat po manang Flor."
"Iyong gagamitin mo pa lang uniporme ay nakaayos na sa closet mo. Naplantsa ko na rin lahat iyon, pati na rin ang iba pang mga gamit mo ay inayos na rin ng mommy mo bago siya umalis."
"Si mommy?"
"Oo ang mommy mo alam mo naman iyon masyadong maalaga sa inyong dalawa ng kuya mo."
"Oh? Bat malungkot ka na naman diyan kay aga-aga. Mabuti pa bilisan mo na riyan at ang kuya mo daw ang maghahatid sayo." Biglang nagliwanag ang mukha ko nang marinig ang sinabi ni manang.
Nagmadali akong kumain pagkatapos ay umakyat muli sa kwarto at ginawa ang madalas na gawain ng mga babae.
"Lyre, okay ka na ba? Bilisan mo at aalis na tayo." Katok ni kuya.
"Saglit lang matatapos na."
"Buti naman at hindi ka inabot ng siyam-siyam akala ko di ka na lalabas e. Teka may kasabay nga pala tayo papuntang school mo." Nagtaka naman daw ako.
"Sino naman iyon? Kaibigan mo?"
Tumango-tango na lang ako. Wala naman akong choice diba. Sa kanya iyong kotse at nakikisakay lang din ako. Teka? Kapatid naman niya ako ha? Tama! Okay lang iyan siguro naman mabait din iyong kaibigan niya. Teka speaking of kaibigan niya. Nasan na? Bat di ko pa siya nakikita akala ko ba sasabay siya?
"Teka kuya! Nasaan iyong kaibigan mo?"
"Nandoon na sa kotse kanina pa, ikaw na lang ang iniintay." Natameme ako sa sinabi niya, nakakahiya! Kanina pa palang may naghihintay sakin. Naku next time talaga bibilisan ko na. Sana naman mabait talaga iyong kaibigan niya.
"Bat di mo sinabi agad?!" Sigaw ko sa kanya.
"Basta dalian mo na diyan, paniguradong naiinip na iyon." Sabay halakhak niya.
Minsan talaga gusto kong manapak. Parang itong kasama ko sarap sapakin sa mukha iyong ultimong di na siya makapagsalita at di ko nakikita ang mukha niya tuwing nang-aasar.
Nakarating na agad kami sa kotse at pagpasok ko nga ay may lalakeng nakasakay sa upuan malapit sa driver's seat. Siya na siguro iyong kaibigan ni kuya, hindi naman siguro siya magagalit sakin no? Teka makausap nga.
"Ahm.. K-kuyang kaibigan ni kuya pasensya na sa paghihintay, di ko naman alam na may kasabay pa pala kami nitong si kuya ko. Medyo natagalan lang nang konti."
"Anong konti? Kanina pa nga iyang si Ryder dito. Pare ano nga palang nakain mo at sumabay ka sakin may kotse ka naman."
"Pinaayos ko yung kotse ko." Tipid nitong sagot.
Ang tipid pala nito sumagot. Nakikita ko sa mirror sa taas ng kotse iyong mata nang lalakeng kaibigan ni kuya. Kumurap-kurap ako. Teka! Familiar siya! Teka san nga ba? Oo tama siya nga. Iyong lalakeng makatitig wagas, ang creepy niya. Takte bakit ngayon pa? Kamalas-malasan nga naman uh-oh.
Natahimik lang kaming tatlo, walang gustong gumawa nang ingay.
"Nandito na tayo, hindi ka pa ba bababa diyan?" Ha? Ambilis naman.
"Heto na nga oh, wag kang atat! Sapukin kita diyan e."
"Joke lang! Si baby naman di mabiro." Sabay pisil ng pisnge ko. Arayts lang mesheket eh.
"Una na ko, sige salamat sa paghatid kuya."
"Teka sabay na kayo netong si Ryder! Tutal pareho naman pala kayo nang klaseng papasukan. Di ba ryder?"
Napatitig ako sa mukha nong lalake at nakitang kumunot ang mga noo niya sa sinabi ni kuya. Ayaw niya bang maging kaibigan ako? Bat parang di ko alam nasaktan ako sa inasal niya. Ano ba to? Hindi pwede ito, kakakilala ko lang sa kaniya, at bat agad-agad naman. Tama! Dapat di ko inientertain to kasi baka masaktan ako. Pero kasi aamin na ako iyong tipo niya ang mga tipo ko sa lalake. My gosh di pwede to. It's a big NO! NO!
Iyon nga lang medyo may pagkacreepy siya ewan nararamdaman ko.
"Sige pare, pakibantayan iyang kapatid ko. Salamat una na ako."
Nauna nang umalis si kuya, naiwan kaming dalawang wala paring imik sa isa't-isa. Kakausapin ko ba?
"Sumunod ka sakin." Sabi niya.
Ang bossy naman pala niya.
"Teka malayo pa ba iyon dito?"
Tumango-tango lang siya bilang sagot.
Sa dinadaanan namin marami na akong nakikitang mga ibang estudyante na katulad ko rin. May mga nagkakantahan, may gitara pang hawak. Iyong iba naman ay naghahabulan at naghaharutan. May nagpipicnic din, malawak din kasi iyong school grounds.
Sa sobrang pagkalutang ko sa panonood ay hindi ko na namalayang may paparating na motor at konti na lang ay masasagasahan na ako, ngunit bigla na lang may mga kamay na humablot agad-agad sa akin at nasubsob ako sa kung saang matigas. Nagulat pa ako sa nangyari at hindi makalkula ng utak ang nangyayari.
"Shit!!!" rinig kong mura nang kung sino.
Natameme pa rin ako.
Hanggang sa naramdaman ko na lang na biglang parang hindi na ako makahinga dahil sa nakayakap sa akin na kung sino. Niyayakap niya ako nang sobrang higpit na parang konting bitaw na lang niya ay mawawala ako sa kanya. Nakasubsob din ang mukha ko sa kanya kaya hindi ko makita kung sino siya.
Bakit parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa yakap niya. Bakit parang gusto kong maiyak? Ano ito, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nababaliw na ba talaga ako at sa ganitong sitwasyon ay kung anu-ano nang naiisip ko. Agad akong kumalas sa yakap niya at sa wakas nakita ko kung sino siya.
S-siya?
Wala pang isang segundo unti-unti nang nagsipatakan ang mga luha ko. Tuloy-tuloy lang ang mga ito sa pagpatak. Siya ba talaga ito? Totoo bang siya ang nasa harapan ko? Kasi kong hindi pinapaasa na naman ako nang imahinasyon ko.
-----
SavemeAlone
BINABASA MO ANG
Once Again
LosoweMahirap mamuhay sa di mo alam kung saan ka lulugar, saan ka nararapat. Kaya mo bang tanggapin ang katotohanan? Ang mga ala-alang nakatago ng napakahabang panahon ay unti unting mabubuksan. Unti-unting mauungkat at matutuklasan. Parehas lang kayong n...