Ilan buwan na din ang nakalilipas at hindi pa rin gumigising ang dalaga mula sa mahabang pagkakatulog.
"Kailan ka ba magigising ate? Mis na mis ka na namin. Gumising ka na oh? Birthday ko ngayon, nasaan na regalo mo sakin? Daya mo naman eh lagi kang may gift sakin pero ngayon bakit wala?" Iyak nito.
"Hindi ba sumasakit likod mo kakahiga dito? Sana gumising ka na ate please, okay lang naman sa akin kahit wala nang gift. Basta gumising ka lang." Sabay pahid ng luha.
-----
Habang kinakausap ng nakababatang kapatid ang dalaga. Bigla na lang gumalaw ang mga daliri nito. Gulat naman ang kapatid kaya dali-dali itong lumabas at tinawag ang kaniyang ina at tiyuhin.
"Ma si ate!"
"Oh? Anong nangyari sa kanya?"
"Basta ma, tito dalian nyo po."
Agad naman nagsipunta ang mga ito sa silid ng dalagang walang malay.
"Ano bang nangyari huh? Bella?" Nag-aalalang tanong nito.
"Kasi nakita ko pong gumalaw yung daliri ni ate Nica."
"Talaga? Totoo ba iyan anak?" Tango naman ang naisagot dito.
"Hay jusko salamat naman." Sambit nito na di makapaniwala.
"Kung ganon, mukhang anytime maaari na siyang magkamalay. Malaking senyales ito na maari na siyang gumising."
"Ayon naman sa pagcheck ko sa vitals niya, maayos na ito. Hindi katulad noong nakaraan na bumababa at tumataas. Actually nasa normal state na ang kaniyang katawan." Masayang masaya sila sa nabalitaan. Akala nila hindi na nila muli pang makakasama ang dalaga pero heto nga at lumalaban din ito.
Nagpaalam naman agad ang kaniyang Doctor na kaniya rin naman tiyuhin dahil may mahalaga pa itong gagawin sa hospital na pinagtatrabahuan nito. Bago ito umalis ay may mga bilin pa ito kuns saka-sakaling magkamalay na nga ang dalaga.
"Salamat sa Diyos." Buntong hininga ng tiyahin.
Gumalaw muli ang daliri ng dalaga. Nakita ito ng dalawa at agad na nagtinginan sa isa't-isa.
"Ma! Gumalaw na naman yung daliri ni ate. Magigising na ata siya. Thank God."
Masayang masayang sambit nito.-----
Hindi nililisan ng mag-ina ang kwarto. Hinihintay nila ang paggising ng dalaga.
At hindi nga nagtagal ay muli na namang gumalaw ang mga daliri kasunod nito ang pagdilat na ng mga mata nito.
"Nica! Jusko salamat sa Diyos."
"May masakit ba sayo? Nak ano may masakit ba?" Pag-aalala ng tiyahin.
Nanlalabo pa rin ang paningin ng dalaga ngunit rinig na rinig niya ang mga taong nagsasalita ngunit hindi naman niya maintindihan.
Nang tuluyang nang makapag-adjust ang paningin. Napatingin siya sa kinaroroonan niya. Puti? Nasaan ako? Iyan lamang ang nasa isip niya.
"Nak okay ka lang."
"N-nasaan ako?"
"Nasa clinic ka nang tito mo. Dinala ka namin dito matapos kang mawalan ng malay."
"Mabuti naman at nagkamalay ka nang bata ka. Huwag mo nang uulitin iyon pinag-alala mo ako ng sobra. Ilang buwan ka ring nandito lang."
"P-po? Buwan?"
"Oo ate 3 buwan ka na dito."
Hindi siya makapaniwala sa narinig. Buwan? Buwan na ang nakalipas? Papaanong nangyari iyon?
Nang mga sumunod na minuto bigla na lang nagflashback sa kaniya ang mga ala-ala. Nakaramdam na naman siya ng pananakit ng ulo. Kaya di na niya napigilan at napaungol siya sa sobrang sakit.
"Ahhhhhhhh! Ang s-sakit. Please tama na ang sakit." Iyak niya habang nakahawak sa ulo.
"Tawagan mo ang tito mo Bella." Rinig niyang sigaw ng tiyahin.
Unti-unting pumapasok na muli ang mga ala-ala sa kaniyang utak kasabay naman nito ang pagsakit na nararamdaman niya hindi lang sa pisikal kundi pati na rin ang mga emosyon mula sa mga ito.
"Ahhhhhhh! H-hindi. Hindi pa sila patay. Kasalanan ko lahat ito. Kasalanan ko." Sigaw ng dalaga sabay sabunot sa buhok.
"Sssssshhh! It's okay." Pag-aalo into.
"P-patawarin niyo ko! Sasama ako sa inyo. Sasama ako. Tama na please patahimikin niyo na ako."
Niyakap siya ng tiyahin at pinapatahan. Pinupunasan din nito ang mga luhang tumulo sa kaniyang mukha.
"Ssssshhhh! Tahan na wala kang kasalanan okay? Tama na please." Iyak din nito.
Napatulala naman ang nakakabatang anak ng kaniyang tiyahin sa nakita. Awang-awa ito sa kalagayan ng dalaga pero maski siya ay walang magawa. Tahimik na lamang na umiiyak ito sa isang tabi habang nakatingin sa mga ito.
-----
SavemeAlone
BINABASA MO ANG
Once Again
RandomMahirap mamuhay sa di mo alam kung saan ka lulugar, saan ka nararapat. Kaya mo bang tanggapin ang katotohanan? Ang mga ala-alang nakatago ng napakahabang panahon ay unti unting mabubuksan. Unti-unting mauungkat at matutuklasan. Parehas lang kayong n...