Chapter 20: Sweet

10 1 0
                                    

Ilang araw din ang nakalipas nang magsimula akong manirahan sa totoo kong tahanan kasama ang tunay kong pamilya. Masasabi ko lang maayos naman ang kanilang pamumuhay, pwera lang sa laging wala ang mga magulang namin dahil sa mga kailangang asikasuhing business kaya't tuwing dinner ko na lang sila madalas makita. Bukas na rin pala ako magsisimulang pumasok muli sa school, nakaayos at nakabili na rin kami nang mga kailangang kagamitan kaya wala ng magiging problema. Ang problema ko na lang ay kung magugustuhan ko ba ang panibagong paaralan na papasukan ko.

Napatingin ako sa may gawing kaliwa ko nang may magsalita. "Anong iniisip mo? Lalim niyan ha?" Sus kala ko naman kong sino, si mokong lang pala parang kabute san san sumusulpot.

"Wala ka nang pakialam don." Asik ko sa kanya.

Sumagot naman ito. "Hoy! Baka nakakalimutan mong kuya mo parin ako. Matuto kang gumalang sa nakakatanda sa iyo." Gumalang pala gusto niya ha pwes ipapakita ko sa kaniya kung paano ako gumalang sa mga nakakatandang nakakairita sa paningin.

"Yeah right gurang ka naman na talaga." Resbak ko lang ito sa ginawa niya kanina. Akala niya siya lang marunong mang-inis at mang-asar pwes ako rin. Para saan pa't naging magkapatid kami kong papatalo lang ako sa kanya ha? Neknek niya kahit kuya ko pa siya di ako papatalo.

"Uugod-ugod ka na nga yata eh." Banat ko ulit, wag niya akong kakalabanin dahil mas ako kesa sa kanya kala niya di ko siya papatulan pwes nagkakamali siya.

Napipikon na yan. Napipikon na yan hahaha. Tawa ko sa isip-isip ko. Ano ka ngayon? Haler di ako papatalo sayong gurang ka.

Oo nga pala sa paninirahan ko sa bahay na to dito ko napag-alamang mahilig mang-inis ang gurang na kaharap ko ngayon at ang sama nang tingin sakin.

"Kung wala ka nang sasabihin makakaalis ka na." Pagtataboy ko sa kanya pano ba naman pasok ng pasok ng may kwarto ng may kwarto. Di ata uso sa kanya ang privacy.

"Ayaw!" Isa pa yan sa kinaiinisan ko sa kanya napakaisip bata masyado. Nakakairita kaya pero di ko pinapakitang naiirita ako.

"Umalis ka na nga dito gurang, pag di ka umalis dito isusumbong kita kina daddy." Natahimik naman ito, at may binulong pero rinig ko naman.

"Namimis lang naman kita.. " sabay alis papunta nang pinto. Nakita ko pang nagpupunas ito nang mukha bago tuluyang makalabas.

Drama! Naku huwag niya kong dramahan di uubra sakin yun.

-----

Nagutom ako kaya bumaba muna ko papuntang kusina. Nang makasalubong ko si kuya Kelvin, nang akmang kakausapin ko siya ay natatameme ako dahil dinaanan niya lang ako. Luh? Si koya nagtatampururot pa rin hanggang ngayon.
Napakabipolar pala nang gurang na yun.

"Makaalis na nga nawalan tuloy ako nang gana." Sabay balik sa sala.

Nagulat naman ako kasi pagkadating ko nandoon si daddy at mukhang pagod na pagod. Himala ata ang aga niyang umuwi akala ko ba may business trip to.

"Dad!" Tawag ko dito.

"Hi honey. How are you?" Sabay halik sa pisnge.

"Dapat ako nga po nagtatanong niyan eh mukhang pagod na pagod po kasi kayo." Sabay tingin sa kanya.

Napalingon kaming dalawa ni daddy nang may magsalita. "Ang sweet naman, sana sakin ganyan ka rin!" Si kuya habang nakatingin samin ni daddy.

"Hi dad!" Sabay tapik nito sa braso.

"Masyadong busy ang daming ginagawang projects ngayon, ay teka sinabi mo na ba sa mommy mo na kausapin ang head ng school na pinapasukan mo?" Tanong nito.

"Yes dad. Naayos ko na rin po ang tungkol diyan." Napatingin naman ito sa akin pero bigla ring iniwas ang tingin.

"Dad lalabas muna ko saglit, may lakad pa kami nila Vincent eh. Promise di ako magpapagabi nang uwi." Sabay lapit kay daddy. "Pwede ko bang mahiram yung baby mo? Kahit ngayon lang." Paawa nito.

"Okay okay pero ngayon lang yan ha, bukas di muna pwedeng hiramin."

"Yes! Thank you dad." Sabay takbo. Pero bumalik din agad.

"Yung susi?" Sinalo naman agad nito iyong initsa ni daddy. Mahilig pala sa kotse si daddy kung di niyo alam sa dami nang kotse niya eh tatlong garahe ang meron sa bahay kung susumahin para lang magkasya ang mga baby kuno niya.

"You should take care of that Kelvin!" Sigaw ni daddy.

Humarap naman na si daddy sakin, dumating din si manang na may dalang juice kaya't kumuha ako para mainom pero naibuga ko ito nang magtanong sakin si daddy. "Are you okay?" Pag-aalala nito.

Tumango naman ako. "Yes dad okay lang ako, pasensya na. Ano po iyong tanong niyo? Tungkol san po ba?" Curious na tanong ko.

"About your brother .. hindi pa rin ba kayo nagkakaayos na dalawa? Sana honey maibalik yung dati niyong samahan na dalawa." "Hindi po kasi ganoon kadali yun dad, marami na po kasing nagbago at isa na doon iyong .. ni pangalan nga niya hindi ko matandaan maging malapit pa kaya sa kanya. Mahirap din po kasi sa sitwasyon ko." Sagot ko.

"I know honey, pero sana someday maging maayos din ang lahat. I know there still time for us to be a family again." Sabay yakap sakin.

"I'm sorry dad."

"You don't have to be sorry wala ka namang kasalanan. Okay sige aakyat na muna ako sa kwarto at magpapahinga okay ka lang ba dito? Hindi ka ba naiinip na? Pwede ka naman lumabas labas hindi ka naman namin kinukulong dito sa bahay. Honey you should enjoy! Hang out with your friends okay?" Tumango naman ako at ngumiti.

-----
SavemeAlone

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon