Dumaan ang ilang mga araw at ngayon na iyong pinaghandaan ni Lyn. Kaarawan niya kaya kailangan nandoon ako nagbanta pa naman na kakaltukan kami kapag hindi kami nagpunta kaya heto't nakaayos at nakabihis na ako.
Nagring ang cellphone ko at nakitang si Lyn na iyong tumatawag! Hindi naman siya excited sa lagay na yun no. Kaagad ko itong sinagot at kaagad na binati siya ng happy birthday dapat hindi ko muna siya babatiin para surprise kaso siya ang tumawag. Nakakahiya naman kung magkausap na kami laha't lahat di ko parin nababati.
"Pumunta ka ha? Bes kukutusan talaga kita ng bonggang-bongga excited pa naman na ko kasi nandito na both parents ko. Tsaka 19th bday ko haler kaya dapat lang magpunta ka." Nakakatawa talaga tong si Lyn. Naalala ko tuloy iyong nakaraang bday niya ang lungkot niya non 18th bday pa naman niya pero ngayon masaya na siya, nandoon na daw kasi mga magulang niya.
"Oo na pupunta na ko, nakabihis na kaya ko. Isa din iyong si Mich eh sabi niya sasabay siya sakin tapos sa iba naman pala magpapahatid. Baka kasama na niya iyong sinasabi niyang isasama niya." Natahimik ito sa kabilang linya. Natatawa tuloy ako pero pinipigilan ko lang wahahaha.
"Hindi magandang biro yan bes, siya sige nandito na si mom kakausapin daw muna niya ako. Seeyah later beshy mwah!"
"Bye."
-----
"Honey okay ka na ba?" Tanong ni mom.
"Opo mom nakaayos na rin po ako. Papahatid na lang po ako kay Mang Carding papunta sa party." Sagot ko.
"Naku honey, paano ba ito wala ngayon si Mang Carding." Natatarantang saad niya.
"Magpahatid ka na lang muna sa kuya mo ha? Sige na ako nang kakausap sa kanya." Si k-kuya maghahatid sakin? Hindi pa nga kami nag-uusap non eh. Mula nang nagtampururot siya ay hindi pa rin niya ko kinakausap. Kapag nakakasalubong ko naman siya dito sa bahay ay iiwas agad siya at parang hangin lang ako sa kanya.Papayag ka yun? Sa isip-isip ko.
Pumasok muli si mom sa kwarto ko at sinabing okay na daw at pumayag na so kuya na siya ang maghatid sa akin. Himala? Pumayag talaga siya. Oh well.
Paglabas ko nang kwarto nakita kong nakasuot na din ito ng pormal na damit. Actually bagay nga sa kanya ang suit and tie na damit, ang manly niya tingnan.
Tumingin naman ito sa akin pero agad ding iniwas ang tingin.
-----
Habang nasa byahe ang tahimik lang naming dalawa. Actually ilang oras na rin ang nakalipas pero wala talagang balak magsalita ng isang ito.
Kaso nang akmang magsasalita na sana ako ay naunahan na niya ako.
"Sinong may bday?" Tanong nito.
"Iyong bestfriend ko, 19th bday niya kaya hindi pwedeng wala ako don." Simpleng sagot ko. Tumango naman ito bilang sagot.
"Gusto ko lang sanang magsorry k-kuya. Alam ko namang kasalanan ko kung bakit galit ka sakin. Hindi ko lang kasi talaga mapigilan sabihin iyong mga bagay na yon, marami na kasing nabago alam mo yon? At tsaka-" Paano ko ba sasabihin to. Tarantang tanong sa sarili."Tsaka nahihiya akong lumapit sayo." Iyon nasabi ko rin.
"Nahihiya? At bakit ka naman mahihiya sakin k-kuya mo naman ako bakit ka mahihiya." Haler! Hello to earth hindi ganoon kadali iprocess lahat sa utak.
"Syempre hindi naman talaga kita maalala, oo hindi kita matandaan. Iyon nga lang pangalan mo di ko pa alam, makikipagclose pa kaya sayo? Ano ako feeling close? Hindi kasi ganon kadali iyon." Pahayag ko.
"Buti naman at iyan ang dahilan mo. Hindi mo na ko kailangan pang iwasan okay? Kuya mo ko at syempre nasaktan din akong malaman na iyong nag-iisa kong kapatid kinalimutan ako." Napatingin ako sa kanya sa huli niyang sinabing mga salita.
"Hindi mo man ako maalala, hayaan mo't ipapaalala ko din sayo na ako na itong kuya mo-" sabay turo sa sarili niya.
"Kuya mo na kinalimutan mo ay mahalaga sayo at nag-aalala sayo habang hindi ka namin kasama." Nahihirapan din niyang usal. "Pagpasensyahan mo na kung hindi ka kaagad namin kinuha mula kina tita. Akala kasi nila dad at mom mas makakabuti kong nasa Pilipinas ka parin habang ako nagpapagaling sa sakit sa ibang bansa. O-oo may sakit ako dati iyon, ngayon maayos na ako. Kaya noong gumaling ako at umuwi sa pilipinas ikaw agad hinanap ko. Nag-aalala ako sayo kung okay ka lang ba? Nakakakain ka ba nang maayos. May mga kaibigan ka ba? Tapos nong- nong sinabi nila sakin iyong nangyari sayo. Nagalit ako sa sarili ko alam mo ba yun? Nagalit ako kasi hindi dapat iyon nangyari sayo kung kasama ka namin, kung hindi dahil sa akin hindi mo mararanasan ang mga naranasan mo. H-hindi mo sana kami makakalimutan ng ganito at sana nong mga oras na yon naprotektahan kita kasi kuya mo ako. Ako dapat ang unang-unang poprotekta sayo pero nasan ako nang mga oras na iyon? Diba? wala kasi akong kwenta." Umiyak na siya sa harap ko. Nakikita kong sinisisi niya iyong sarili niya sa mga nangyari. Nakatunganga lang ako at hindi alam kung anong sasabihin. "I'm sorry din k-kuya, sorry di ko alam na ganoon na rin pala ang mga nararamdaman mo. Sorr-"
"No! no need to be sorry. Kung tutuusin ako talaga ang may kasalanan. Ako ang dapat na sisihin mo. Kung hindi ako nagkasakit hindi mangyayari iyon."
Nasaktan din ako sa sinabi niya. Imbes na magalit sa nangyari ay naawa ako sa kuya ko. Habang iniisip kong wala silang pakialam sa akin ng mga panahong iyon, hindi pala totoo. May pakealam sila sa akin, hindi ko naman alam na ganoon na pala ang nararamdaman nila.
"Huwag kang magtanim ng galit kina mom and dad please kahit ako na lang, kahit sa akin mo na lang isisi lahat." Naaawa ako sa kanya, pero mas naawa ako sa sarili ko. Ang tanga ko para isiping wala silang pakialam sa kin gayong ang totoo'y sobra silang nag-aalala. Masama ba akong anak para maranasan lahat ng ito? Bakit ba kasi nangyari ang mga bagay bagay na hindi mo aasahang sisira sa buhay mo.
Napaiyak na ako nang tuluyan at hindi na inalintala kung masisira ang make-up ko. Basta gusto kong ilabas lahat ng iyak ko sa mga narinig ko. Nilapitan ako ni kuya at niyakap, mas lalo akong humagulgol nang todo nang yakap na niya ako. Parehas kaming nanghihingi nang kapatawaran sa isa't - isa. Ang makayakap ko muli ang kuya ko parang isang napakabigat na pasanin ang natanggal sa akin. Masaya ako na magkakaayos na kami sa wakas. Wala nang alitan at kung ano pa man.
"Masaya ako baby.. Masayang masaya na nakabalik ka na sa amin nila mom and dad. I'm sorry for everything please forgive me for those." "Poprotektahan na kita simula ngayon at sisiguraduhing walang sinuman ang makakapanakit sa iyo." Sabi niya habang yakap yakap ako.
-----
SavemeAlone
BINABASA MO ANG
Once Again
De TodoMahirap mamuhay sa di mo alam kung saan ka lulugar, saan ka nararapat. Kaya mo bang tanggapin ang katotohanan? Ang mga ala-alang nakatago ng napakahabang panahon ay unti unting mabubuksan. Unti-unting mauungkat at matutuklasan. Parehas lang kayong n...