Chapter 12: Faded Past

13 1 0
                                    

Kakatapos lamang ng kanilang klase at magbabakasyon na kaya ang mga kaklase niya ang nagkayayaang maggala muna para naman kahit papaano ay may mga memories sila bilang mga magkakaklase.

Habang nag-aayos ng mga gamit, lumapit sa kaniya ang bestfriend niyang si Venna sabay akbay sa kaniya.

"Bes sama tayo." Yaya nito sa kanya.

"Baka di ako payagan samin eh." Sabi niya.

"Ano ka ba bes, last na natin magkakaklase na magbobonding. Tara na sama ka na, dali na please." Pilit nito sa kanya.

"Sige ka pag di ka pumunta di mo na ko makikita pa." Takot nito sa kanya. Alam kasi nitong hindi siya nito mahihindian dahil nga magbestfriend ang dalawa.

"Sige na nga, pero saglit lang tayo ah."

"Sige, tara na dali."

"Guys sasama na kami ni Nica." Sigaw nito sa mga kaklase.

"Yown. Buti napilit mo yan. Hahaha." Sabi naman bigla ng isang kaklase nila.

"Syempre bestfriend here. Lakas ko kaya dito. Diba bes?" Sabay akbay sa kanya.

Ngumiti na lang siya sa mga kaklase.

-----

"Bes tara dali dito." Sigaw ni Venna sa kanya.

"Ang ganda diba?"

"Oo nga." Paghanga din niya.

"Gusto ko pag kinasal ako dito sa simbahang ito. Gusto ko yung medyo authentic ang designs. Tapos may red roses sa bawat isle. Ang ganda lang talaga. Minsan nga iniisip ko sino kaya yung para sa akin."

"Hahaha ikaw talaga bes, kasal talaga agad nasa isip? Aral aral muna bes" sagot nya dito.

"Pero sabagay di naman talaga natin masasabi kung anong mangyayari sa mga susunod na araw."

"Ang drama mo na bes." Sabi niya dito.

Nagtawanan naman ang dalawa.

Maya't maya pa ay tinawag na sila ng iba pa nilang kaklase.

"Venna, Nica tara na dalian nyo na ng makaalis na tayo." Sabay kaway sa kanila ng kaklase.

Agad naman silang sumunod sa mga ito at dali daling sumakay sa van na isa sa pagmamay-ari ng kaklase nilang si Veronica ang presidente ng kanilang klase, mabait ito ngunit medyo may pagkamainitin ang ulo. Ang nagustuhan nila dito bilang presidente nila eh, ayaw na ayaw nito ng may inaaway sa kanilang klase, ang motto nga nito ay "Awayin na nila ang iba, huwag lang ang klase na ito dahil makakatikim sila." Takot ang ilan dito dahil sa angking katapangan ng dalaga. At hindi na katakatakang namana sa amaing isang Mafia. Pero kahit ganoon pa man ang ugali nito mahal na mahal nila ito.

"Paano ba yan? Mamimis ko kayo guys, parang kailan lang. Kita mo nga naman matatapos na naman school year. Next year tayo pa rin ba magkakaklase? Baka yung iba dyan kalimutan na yung klase. Walang aalis ah. Wag kayong makakalimot ah? Kakaltukan ko kayo isa-isa. I'm so pride of us talaga. Hahahaha" tawa nito na may kasamang palakpak. Ito si Sunshine Velasquez ang nagbibigay liwanag sa klase. Bagay na bagay ang pangalan nito sa ugali ng naturang dalaga. Ito ang itinuturing na joker o palatawa ng klase. Bawat kwento nito ay siguradong mapapatawa ka pero pagdating sa pag-aaral seryoso yan sadyang maloko lang at makulit. Consistent rank 1 ng kanilang klase. Sabi nga ng ilan "maloko man ito may ibubuga", di lang yan mahilig din ito sa mga hot na lalaki. Minsan nga pati bading pinapatos na nito. Hahaha naaalala tuloy niya nong nagkaroon ito ng boyfriend at ang nakakaloka sa lahat bading si boylet. Nahuli ito mismo ng dalaga kasama nila ng minsang mapadaan sila sa likod ng school. Huwag nyo na kong tanungin kung bakit sila napunta sa likod ng school hahaba yung kwento.

"S-shine s-si si I-ivan yun diba?" Sabay turo ng kaniyang bestfriend na si Venna sa may di kalayuan sa kinatatayuan nila.

Agad naman silang dalawa napalingon at nang biglang oh my golly golly! Kakaloka. Si Ivan jusko may kahalikan kaso lang may plot twist. Guys lalaki ang kahalikan niya. Pak! Na Pak! Napalingon na lang sila sa kasamang dalaga at nakikita na nila ang hitsura nitong galit na galit. Nagsensyasan pa silang magkaibigan kung anong gagawin nila. Pero ang di nila inaasahan ay ang paglapit nito sa ngayo'y naghahalikang mga lalaki.

"Nice show! Haha dito pa talaga enoh?" Pilit na tawa nito.

Gulat naman ang mababakas sa mukha ng kasintahan nito.

"Mag-magpapaliwanag ako."

"Ano pa bang ipapaliwanag mo ha Ivan? Kitang kita ko! Kitang kita ko kung paano ka makipagchukchakan dyan sa-sa..my God Ivan sagutin mo nga ako bakla ka ba? Huh? Ano magsalita ka. Letse ka pinagkatiwalaan kitang letse ka." Iyak nito.

"I'm sorry."

"Sorry? Ha akala mo may magagawa yang sorry mo wala! Wala Ivan niloko mo kong walanghiya ka! Walanghiya kayo. Mga baboy!" Sabay takbo nito palayo.

"Huwag mo na siyang sundan." Napatingin naman siya sa kaibigan. Tinitigan niya ito at ipinahiwatig ang mga salitang "anong ginagawa mo look".

"Kung may natitira ka pang hiya, huwag mo na siyang sundan pa." Dagdag nito.

"S-sorry." Yuko nito.

"Sa kanya ka magsorry at hindi sa akin. Pag nalaman to ni tita talagang malilintikan ka sa kaniya." Napatingin siya sa kaibigan. Tita? Ibig bang s-sabihin pinsan nito iyong kasintahan ni sunshine? What-a-small-world.

-----
SavemeAlone

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon