Chapter 5: Cool

26 1 0
                                    

Lyre POV

"Ah Lyre dito ka na lang ako na yung oorder para sa atin. Mukhang matatagalan tayo dahil sa pila."

"Ah okay sige." sabi ko na lang.

"Ano nga palang gusto mo? Libre ko na tutal bago ka pa lang naman dito. Hahaha"

"Ay naku nakakahiya naman. Wag na oy may pera naman akong pambayad."

Akmang dudukot ng pera. Ngunit bago pa niya maituloy ay nagsalitang muli ang binata.

"Libre ko na nga ayaw mo pa? Sa gwapo kong to."

"Huh? May sinasabi ka?" di ko kasi gaanong marinig yung sinabi nya kasi masyadong mahina.

"Wala sabi ko makulit ka din pala ako na nga oorder sa atin tapos. Dyan ka lang saglit lang to."

Sabay lakad ng hindi man lang hinintay kung ano ang pagkaing gusto nya.

Okay sige na nga. Bahala siya libre niya naman daw e.

Nagsimula nang maglakad papuntang pila ang binata. Habang ang mga taong nasa pila na halos mga babae pati narin ang ibang kalalakihan ay nakatingin dito nang may makikitang paghanga sa kanilang mga mata.

"Sikat ba siya? Bat ganon na lang yung trato sa kaniya kala mo e prinsipe hmmm.."

"Sabagay gwapo nga siya."

Habang nakatingin sa binata.

"Mabait din."

"Tsaka mukhang mayaman din."

"Di sa mukha akong pera ah pero kasi base sa hitsura niya mukhang richkid yung lalaking yun e. Nilibre pa nga ako e diba."

"O heto na yung order natin." Di ko namalayan nakalapit na pala sya.

"Natin? Talaga srsly order natin?" Sarcastic na saad ko.

"Ikaw nga lang umorder neto lahat e. Tsaka pwede bang magtanong?"

"What?"

"Yung kanina kasi.. yung.." Nacurious kasi talaga ko e.

"Ah okay I get it." sabi nya na parang nakuha nya ang ipinupunto ko.

"Masanay ka na ganyan na yan, simula nang tumuntong ako sa school na ito. Ewan ko sa kanila bat ganyan sila."

"Ang cool nga e."

"Wala naman akong pakialam sa kanila." napatingin ako bigla sa kanya dahil sa gulat ko sa sinabi nya.

"Ay hard ni kuya!"

"Anong kuya? Hoy di ako matanda no tsaka wag mo nga kong tawaging kuya di kita kapatid." parang ewan na sabi nya.

"Teka nga ako naman magtatanong taga saang school ka nga pala dati? Tsaka bat nagtransfer ka dito?"

"Mahabang kwento." yun lang ang sinabi ko. Ayokong balikan ang mga nangyari.

"At ayoko nang pag-usapan pa yung mga nangyari baka maiyak lang ulit ako."

"Ah ganon ba." sabay kamot nya ng batok.

"Pasensya ka na ah di lang kasi ako sanay na may pinagsasabihan ng problema." sabi ko sa kanya.

"Mukha nga." sabi nya ng may pilit na ngiti. Naoffend ko pa ata.

"Teka iba na lang." biglang sabi nya out of nowhere.

"Anong iba na lang?" tanong ko. Kasi bigla bigla na lang nagsasalita tong katabi ko.

"Kaano ano mo yung si Sandoval?" tanong nya. Kung kanina masaya ang mukha nya ngayon naman ay seryosong seryoso sya.

"Sya ba? Hmm.. kuya ko yun" habang tinititigan ko yung mukha nya. Sa totoo lang gwapo talaga sya kanina pa. Pero nong biglang nagseryoso sya bigla parang mas lalo syang gumwapo sa paningin ko. Hay ano ba tong iniisip ko lumalandi pa ako grabe. Ang haliparot ko langya.

"Ahh"

yun lang? wala man lang ba syang ibang sasabihin don.

Katahimikan na naman ang nangibabaw sa aming dalawa.

"Tara na hatid na kita sa room mo." biglang sabi nya pagkalipas ng ilang oras na katahimikan.

Bigla akong natigilan sa sinabi nya. Akmang isusubo ko pa lang sana ang kinakain ko ng napatigil ako at napatingin sa kanya at napatanong sa sarili ng "Like srsly?" Pero sa isip ko lang iyon sinabi.

"O anong tingin yan?" sabi nya.

"Nababaliw ka na ba? Ba't mo ko ihahatid sa room ko aber?" Pagkatapos kong matauhan sa gulat.

"Syempre di ba transferee ka lang po dito so hindi mo pa alam ang mga pasikot- sikot dito at baka maligaw ka. Okay na?"

"ah yun ba"

"Bakit may iba ka bang iniisip pa?" biglang sabi nya ng seryosong seryoso.

"Hahaha syempre wala na hahaha. O sige hatid mo na ko" habang pilit naman ang ngiti ko sa kanya.

"Napahiya ako don ah" mahinang sabi ko.

"May sinasabi ka?" tanong nya.

"Wala sabi ko ang gwapo mo" nagulat ako sa sinabi ko. Sinabi ko ba talaga yun? Nakakahiya. Napatingin naman ako sa lalaking katabi ko at gusto ko nang lumubog sa kinauupuan ko nang makitang ngiting ngiti ang loko at may pataas baba pa ng kilay.

"Di mo naman sinabi na may gusto ka sa akin?"

"Kaya pala parang lutang ka kanina pa kasi ako yung iniisip mo. Bat mo pa ako iniisip e nandito naman ako katabi mo lang" sabay ngiting nakakaloko nya.

"Hoy wala akong gusto sayo ah"

"Ano nga ulit yung sabi mo kanina? Wala sabi ko ang gwapo mo hahaha. Wala pa lang gusto ah" nang-aasar na sabi nya habang ginagaya kung anong sinabi ko kani-kanina lang na nagdala sa akin sa lintek na sitwasyong to.

"Wala naman talaga akong gusto sayo nuh!" Pasigaw na sabi ko at nakitang natahimik ang katabi ko.

"Oo na gwapo ka na pero di naman ibig sabihin non e may gusto agad ako sayo." sabi ko kasi napipikon na talaga ako.

"Ganon ba? Akala ko totoo na."

"Huh?" Nagtatakang tiningnan ko sya at mababakas mo sa kanya na sobrang nalungkot sya. May gusto ba sya sakin? My God. Stop! Masyado na akong nag-aasume.

"Tara na baka malate ka pa" malungkot na sabi nya. Hala kasalanan ko ba? Wala naman akong ginawa a except don sa sinabi kong di ko sya gusto thingy. May gusto ba talaga sya sakin? Namimilog na mata ko habang iniisip ang ideyang iyon. Hay naku stop stop stop! Wala lang yun ano ba mag-aassume lang ako tapos masasaktan ganon kaya tama wala lang yun.

"Osige tara na" pilit na ngiti ko sa kanya.

-----
SavemeAlone

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon