Chapter 22: Those black hollow eyes

13 1 0
                                    

Nagtingin tingin kami sa mga malls ng mga bagong damit at kung anu-ano pang mga kailangan para sa ikauunlad este ikagaganda ng mga sarili.

"Bes, ito na lang isuot mo sa party for sure babagay sayo ito." Sabay abot ng isang kulay blue na dress. Maganda nga siya tsaka simple lang.

"Sukat mo na dali." At kinaladkad ako papuntang fitting room.

"For sure ang ganda mo diyan beshy kasi maputi ka naman di tulad ko na maitim. Sukat mo na dali nang malaman natin kung kasya sayo kapag hindi kuha na lang tayo nang kasize mo." Ano pa bang magagawa ko pipilitin at pipilitin ako nitong ipasuot ang mga napili niyang damit sa ayaw at gusto ko.

Nang maisukat ko na ang dress na iyon agad akong lumabas at nadatnang sinusuri ako ni Mich. Panget ba? Tanong ko sa isip ko.

"Parang may kulang." Mich na nakatingin sakin na nakahawak pa sa uluhan at nag-iisip.

"Lyn, tara nga dito!" Sabay sigaw kay lyn.

"Oh? Bakit?" Tanong nito. Nakangiti naman ito agad nang makita ako.

"Bagay sayo beshy." Saad nito.

"Oo kaso may kulang eh. Ano nga ba yun-"
Pag-iisip pa rin nito. "Alam ko na kung ano tara balik ka ulit sa loob at isukat mo yung heels na binili ko. Sukat mo kung kasya sayo." Sabay abot sakin ng isang shoe box.

"Heels?" Naguguluhan kong tanong.

"Oo kaya isukat mo yan ngayon din nang makapili ka na at nang matingnan natin kung okay ba. Dalian mo na diyan." Sabay tulak sakin.

Hinubad ko ang suot kung sneakers at pinalitan ng heels na pinapasuot nila sakin. Nakita ko ang repleksyon ko sa salamin dalagang-dalaga ako tingnan dito. Feeling ko tuloy pabebe ko sa suot ko. Imwenuestra ko pa ang kamay kong medyo pagirly at naasiwa ako sa ginawa ko kaya natawa na lang ako at napagdisesyunang lumabas na.

Pagkalabas ko nakatingin sila sakin na nakangiting gilagid. Sungalngalin ko mga gilagid nito eh. "Hayan mas bagay sa dress, you look classy yet simple. I'm so bright." Puri niya sa sarili.

"Excited na tuloy ako sa darating na paparty. Sa susunod na araw na iyon kaya dapat magpunta kayong dalawa kundi kakaltukan ko kayo mga bente." Lyn na ang sama ng tingin sa samin ni Mich.

"Oo naman kami pa ba diba Lyre? syempre pupunta kami kasi ang mga bestfriend mo." Sabay yakap dito.

"Yuck! Layo shoo shoo." Pagtataboy nito.

"Magdadala din pala ko nang papabol para may kadate ka na sa birthday mo. Para di kana maging single." Tawang-tawang saad ni Mich.

"Huwag mong sabihing iyong naiisip kung tao ang isasama mo?" Pinandilatan niya ng mata si Mich.

"Oh well! He is, yeah right." Tatawang sabi nito. "No way!" Angal nito.

"Yes yes way." Pang-aasar pa nito.

"Sabi nang huwag mong imbitaha- " Hindi na natapos ni Lyn ang sasabihin ng may biglang bumunggo sa kanya. Napatigil din ito at napatingin sa kanya. Nanghingi naman ito nang sorry sa kanya at nagawi ang tingin nito sakin. Nakatitig lang ang mata nito sakin at walang emosyon.

Dali-dali naman itong naglakad pagkatapos ng nangyari. Nilapitan naman ako ni Mich at kinurot ako sa tagiliran. Aray ha? Sadista talaga itong babae na ito eh. "Kilala mo iyon?" Tanong sakin.

Mabilis akong umiling at ipinagsawalang bahala na iyon. Ngumiti na lang ako dito nang mapagtakpan iyong nararamdaman kung kaba nang tumitig iyong lalaki sa akin. Hindi ko alam pero parang kinilabutan ako sa titig niya sakin kanina. "Akala ko kilala mo nakatitig kasi sayo, si Lyn iyong nabangga pero sayo talaga nakatingin? O edi wow ikaw na may lovelife teh." "Makatitig naman kasi sayo kala mo tutunawin ka na niya girl." Singit naman ni Lyn.

Nag-isip ako kung saan ko nakita ang lalaking iyon. "Pamilyar ang mukha niya sa akin." Tumango-tango na lang sila.

"Baka isa iyon sa mga kaibigan nang kuya mo." Biglang singit ni Mich. Kaibigan ni kuya? Teka oo nga no.

"Mich ang talino mo." Biglang sabi ko.

"Alam ko naman iyon. Oh bakit anong meron?" Actually pamilyar talaga iyong lalaki kasi siya lang naman iyong umirap sa akin na akala mo babae.

"Pamilyar din sakin iyong mukha eh." Singit din ni Lyn. Nag-isip isip pa ito kung saan niya ito nakita.

Sigurado ako siya iyong lalaking nang-irap sa akin doon sa shop. Lakas ng loob ng gago at talaga nga namang nakakairita. Pero hindi ko maiwasang hindi isipin yung kinabahan ako kanina ng magtama iyong mga mata namin. Para kasing nilalamon ka nang mga mata niya at kapag nahulog ka tiyak wala ka nang kawala.

"Wala." Sagot ko na lang.


-----
SavemeAlone

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon