Nakayakap sa akin si Ryder habang ginagawaran niya nang mumunting halik ang aking noo.
Pinagtataka ko naman, bakit hinahayaan ko lang siyang gawin iyon? Gumanti pa ako nang halik. Shit! Ano itong pinasok ko?
Nakatitig ang mga mata niya sa akin, taimtim na lamig agad ang naramdaman ko. Bat ba ganyan siya makatingin?
Nakakahipnotismo din ang mga matang iyan! Umiiyak nga sya. Diba ang mga lalaki ayaw na ayaw na makita silang umiiyak, pero siya nandito sa harapan ko.
Sinapo niya ulit ang buong mukha ko.
"Akin ka na lang mahal. Pangako iingatan kita, pagsisilbihan kita habang buhay." Buong litanya niya.
"Saktan mo man ako hinding-hindi ako aalis sa tabi mo."
Napatitig ako sa kanya. Seryoso ba siya? Ako mahal niya? Pero bakit a-ako? Madami namang mas maganda kaysa sa akin dito sa school. Mas sikat at maraming fans, kaya bakit ako?
Bakit tila masaya ako sa narinig ko?
"Kahit kinalimutan mo ako, ikaw parin yung nandidito. Ipapaalala ko ulit sa iyo lahat-lahat at magbabakasakaling ako parin iyong nandyan." Saad niya.
"I'm sorry, pero anong sinasabi mo?" Gusto kong sampalin ang sarili ko ngayon. Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya. Naguguluhan ako, mauulit na naman ba?
"Teka lang ha? Pinaprank mo ba ako?" Tanong ko dito. Tahimik lang siya at parang hindi makapaniwala. Siguro nga tama ang naiisip ko.
"O kaya't, alam mo iyong tungkol sa pagkawala nang memorya ko, kaya heto't pinaglalaruan mo ako." "Tama ba ako? Pinaglalaruan mo lang yata ako eh!" Sinampal ko siya nang malakas sabay lakad takbo ako ngayon. Tang-ina niya ako pa pinaglaruan niya. Ayoko na ngang alalahanin pa ang nakaraan, pero heto sya at kung anu-anong pinagsasabi.
Wala naman akong ginagawa sa kanya para idamay niya pa ang nakaraan ko para lang makagawa nang kwento.
Narinig ko pa siyang humahabol sa akin. Inilang hakbang niya lang ang pagitan naming dalawa.
"This is a total bullshit! Don't touch me!" Singhal ko sa kanya nang akmang hahawakan niya ako.
"P-please makinig ka naman sa akin" "Pakinggan mo naman ako kahit ngayon lang! Ngayon lang p-please, kahit ito lang." Hinawakan niya ang mga kamay ko. Nanginginig siya, ramdam ko. Umiiyak din siya habang nagmamakaawa sa harap ko.
"Hindi kita pina-prank at mas lalong hindi ako gumagawa lang nang kwento." Sabi niya, mukha siyang seryoso pero papaloko ba ako? No! Never!
"So sa sinasabi mo ngayon akala mo naman maniniwala ako? Ganon ba ako kabobo sa paningin mo! huh? Kung gagawa ka naman kasi nang kuwento sana mas ginaling-galingan mo nang konti-"
Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin nang siilin niya ako muli nang halik at ngayon hindi na ito katulad kanina na banayad lang, marahas ang pagkakahalik niya! Parang mas nilalaliman niya pa, mapaghanap at may nais ipahiwatig.
Pinakawalan niya ang mga labi ko nang hingal na hingal. Pareho kaming naghahabol nang hininga! That was intense dude! Taimtim siyang nakatitig sa akin. "Alalahanin mo naman ako." "Hirap na hirap na akong makita kang masaya na hindi ako kasama. Alam mo ba iyong feeling na binabaliw mo ako sa tuwing nakikita kita. Gusto kong pumatay kapag may nakikita akong ibang lalaki na lumalapit sa iyo. Ang hirap pala kapag kinalimutan ka nang taong mahal na mahal mo. Sayo na kasi umikot iyong buhay ko, baka ikamatay ko pag nawala ka sa akin. Hindi ako nagsisinungaling, maniwala ka sa akin." Hinawakan niya ang mga pisnge ko. Dinadama niya ang mga ito, hinalikan niya rin ang mga mata ko.
"Nagsasabi ka ba nang totoo? P-pero bakit wala akong maalala?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ko rin alam ang dahilan." Umiling lang siya.
"Don't think too much, love. You're here with me now and nothing gonna stop me from loving you from now on." Rinig kong bulong niya saka niyakap akong muli nang napaka-higpit.
"And by the way my name's not Ryder,
it's RAVEN love
and don't you dare forget it again"
-----
SavemeAlone
BINABASA MO ANG
Once Again
RandomMahirap mamuhay sa di mo alam kung saan ka lulugar, saan ka nararapat. Kaya mo bang tanggapin ang katotohanan? Ang mga ala-alang nakatago ng napakahabang panahon ay unti unting mabubuksan. Unti-unting mauungkat at matutuklasan. Parehas lang kayong n...