Chapter 7: Found you

24 1 0
                                    

"Bye!"

"Ingat dear"

"Ingat ate!"

"Tara na dalian mo panget"

"Mauna ka na nga! Nagmamadali kasi masyado."

"Dalian mo na dyan, kung ayaw mong kaladkarin kita dyan nang makaalis na tayo."

"Oo oo na eto na nga oh!"

"Yan good girl" sabay pat ng ulo.

"Che! Di ako aso."

"Tara na! Di ba nagmamadali ka? Tinatanga mo dyan?"

"Hard mo naman loves."

"Yuck Loves? Ew. Mauna na nga ako sayo."

"Hahahaha."

Nauna na akong maglakad sa kanya kasi ewan basta ayoko nang tinatawag nya akong ganon.

"Hey! Wait lang loves!"

"Oyy di nya ko pinapansin." biglang sabi nya ng maabutan na niya ako sa paglalakad at nakisabay na.

"Oy sorry na." ulit nya.

Bahala siya dyan paepal sya masyado umagang umaga binwibwisit nya ko.

"Sorry na nga eh." ulit niya pa ulit.

Di ko pa rin siya pinansin hanggang sa makapasok na kami sasakyan.

"Oh ano pang ginagawa mo? malalate na tayo."

Parang tanga kasi kanina pa kami dito hindi pa rin niya iniistart yung engine. Malalate na talaga kami neto. Hay wala nang ibang paraan.

"Oo na."

"Anong oo na?" Tanong nito.

"Di na ko magagalit sayo. Okay na ba? Alis na tayo malalate na ko."

Pagkatapos kong sabihin yun nakangiting aso na naman siya. Hay bat ba naiinis ako pag ganyan siya, alam ko na kasi ugali ng unggoy na yan e may balak yang masama pag ganyan. Hay bahala na nga.

"Tara na baba na."

"Dito na ba tayo?"

"Oo kanina pa nga kita tinatawag na bumaba kaso mukhang lutang ka panget ka na nga. Tara na dalian mo na bumaba ka na dyan." Asar nito sa kanya. Hay naku di pa siya nasanay sa kuya niya.

-----

Agad naman akong bumaba ng sasakyan.

Bumungad agad sa akin ang napakataas na puno sa gilid ng parking ng school. Ewan ang ganda lang kasi parang ang tahimik sa lugar na yon. Mamaya nga doon na lang ako tatambay. Tama! Dyan na lang ako kaysa kulitin na naman ako ng babaeng yon. Isa pa yun parehas lang sila nang unggoy na kasama ko ngayon eh. Actually bagay na bagay sila. Kumbaga sa damit Fit na fit sila hahaha.

"Hahaha."

"Tinatawa mo?"

"Wala. Haha."

"Para kang baliw." sabay gulo ng buhok ko.

"San room mo?" sabay akbay nya sakin.

"Ano bang pakiaalam mo?" sabay alis ng kamay niya na nakaakbay sa akin.

"Bakit bawal bang malaman?" tanong nya.

"Oo bawal."

"Tch."

"Pasalamat ka.."

Binubulong nito?
"Anong sabi mo?"

"Wala" Sagot nito.

Nauna na siyang naglakad habang nakapamulsa at labas ng ipod nya sabay saksak sa tenga ng earphone. Mahilig pala ang unggoy sa music? Marami pa talaga akong di alam sa kaniya kahit na sa isang bubong lang naman kami nakatira. Pero ang cool nya tingnan. Nagtataka nga ako kung bakit wala pa yang pinapakilalang girlfriend sa bahay eh. Mukha namang sikat ang loko at may ipagyayabang.

Bago siya tuluyang lumayo sa karoroonan ko bigla na lang siyang lumingon sa akin.

Nataranta pa ako nang konti kasi baka mahuli niya akong nakatitig sa kaniya kaya ibinaba ko kaagad yung tingin ko at tumitig na lang sa lupa.

Makalipas ang ilang minuto napagpasyahan ko nang iangat ang aking ulo. Hindi ko inaasahang nandoon pa rin siya. Nang tingnan ko siya naka pokerface lang. Pero titig na titig at may kakaiba sa titig niya parang ang lungkot? Pero bakit? Feeling ko ang bigat na di ko malaman kaya binawi ko na agad yung tingin ko at nagdirediretsong naglakad na lang papunta sa room.

Pero habang naglalakad ako hindi ko maiwasang hindi isipin yung kanina. Anong nangyayari sa kaniya? May problema ba siya? At kung meron man bakit hindi niya sinasabi sa amin, kina tita?

-----
SavemeAlone

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon