"Hay buti nga sa kanya, sino ba siya sa akala niya. Hindi porke't gwapo siya gagawin na lang niya kahit anong gusto niya. Tao din naman ako nagugutom at ang ayoko sa lahat ay ang nagugutom."
"Swerte ko na lang at nakaisip agad ako ng paraan."
"Teka san nga ba yung cafeteria dito?"
Tanong ng dalaga sa sarili.Kanina pa paikot paikot ang dalaga at hanggang ngayon hindi niya matagpuan ang hinahanap.
-----
"Kainis nasaan ba kasi yun dit..ouuchh"
"Ay sorry miss pasensya na, okay ka lang?"
Sabay abot ng kamay upang tulungan ang dalaga."Ha? eh.. ang papabols" usal sa sarili.
"Miss okay ka lang?"
"Huh? eh oo okay lang ako. Medyo masakit lang ng konti pero okay lang naman." Napapahiyang sambit ng dalaga.
"Bago ka lang ba dito miss?"
"Oo eh bago lang ako, transferee actually. Teka hinahanap ko nga pala yung cafeteria. Sige una na ako ah." Sabay ngiting pilit sa binata.
-----
"Ano ba yun? Bakit ang gwapo langhiya. Nakakahiya yung ginawa ko. " saway sa sarili.
Nagpatuloy sa paglalakad ang dalaga ng bigla na lang may humablot sa kanyang braso.
"Ay jusko." Gulat na sambit ng dalaga.
Napalingon agad ang dalaga at akmang hahampasin ng kanyang bag ang taong humawak sa kaniya ngunit parang nag-iba ang ihip ng kaniyang pag-iisip pagharap sa gwapong mukha na kakakita lamang niya kani-kanina.
"Ah sorry miss nagulat ba kita?"
"Diba sabi mo hinahanap mo yung cafeteria?"
"Ha? eh oo bakit? nakakagulat ka naman kasi bigla bigla na lang manghahablot. malay ko ba kung rapist ka o ano."
"Pasensya ulit miss, pero hindi kasi dito ang daan papuntang cafeteria kundi sa kabila kaya sinundan na kita at baka maligaw ka dahil nga sa transferee ka lang."
"Ah ganon ba. Sorry din muntik pa naman kitang hampasin ng bag ko sa sobrang kaba."
"Hahahahaha. Talaga?"
"Oo kaya hahaha."
"By the way ako nga pala si Raven. Raven Kit Lopez. It's nice to meet you." sabay ngiti ng binata.
"Monica. Monica Lyre Tiu, nica na lang itawag mo sakin." saad ng dalaga.
"Pwede bang lyre na lang ang itawag ko sayo?"
Napaisip naman bigla ang dalaga. Lyre? pwede din pangalan ko parin naman yun.
"Sige Kit."
"Kit?"
"Oo kit diba pangalan mo naman yun. Quits lang tayo tinawag mo ko sa second name ko so tatawagin din kita sa second name mo." Sabay halakhak ng dalaga.
Napakamot naman ng batok ang binata at nahihiya hiya. Hindi niya inaasahang ganon ang magiging reaksyon dalaga kaya napatawa na din siya.
"Ah Lyre. Tara sabay kana sakin papunta din naman akong cafeteria."
"Mabuti pa nga kasi kanina pa talaga ko paikot ikot e." Sabay ngiti ng dalaga.
Bigla namang nagulat ang binata sa kaniyang naramdaman. Bigla na lang bumilis ang tibok ng kaniyang dibdib sa hindi malamang dahilan. Ngayon pa lamang niya naramdaman ang ganito magmula ng makapasok siya sa Foston University.
"Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Ano itong nararamdaman ko?" Usal niya sa isip lamang. Naguguluhang siyang napatingin sa katabi.
"Tara na?" aya na lang niya sa dalaga.
"Tara kanina pa ko nagugutom eh." Sagot nito.
Napangiti na lang bigla ang binata sa narinig mula sa dalaga at sabay din silang nagpunta ng cafeteria.
-----
SavemeAlone
BINABASA MO ANG
Once Again
RandomMahirap mamuhay sa di mo alam kung saan ka lulugar, saan ka nararapat. Kaya mo bang tanggapin ang katotohanan? Ang mga ala-alang nakatago ng napakahabang panahon ay unti unting mabubuksan. Unti-unting mauungkat at matutuklasan. Parehas lang kayong n...