Halos isang oras na pero nandito pa rin ako sa may sakayan ng jeep. Naghihintay ng may mapadaang sasakyan pero sadyang ayaw ata ako pauwiin dahil hanggang ngayon wala paring napapadaan.
"Ano ba naman klaseng buhay to oh. Dapat kasi kanina pa ako umuwi, nakapagcutting classes pa tuloy ako. Pak san ka pa buong araw akong di pumasok. Siguradong pag nalaman to ni tita papagalitan ako nang bonggang bongga non. Sermon na naman abot ko don may kasama pang kurot sa singit."
Naalala ko naman bigla yung kanina pagpasok. Umagang umaga yun agad bungad sakin ang saya lang diba?
"Kung di lang talaga ako nakapagtimpi baka nasapak ko na yung lalaking yun, pati na din yung bruhang Kastair na yun. Porke't Queen ganon na makaasta, sino ba sila sa akala nila. Pare-parehas lang naman kaming nagbabayad ng tuition dito."
"Isa pa yung Henson na yon kala mo naman talaga gwapo sya." Weh? Di nga sabi ng inner mind ko.
"Oo na may hitsura sya, pero nakakaturn-off yung kayabangan nya. Bagay lang talaga silang dalawa nong bruhang yun. Nadadamay pa ako sa problema nilang dalawa. Heto naman si bruha parang kala mo pagmamay-ari na niya. Tsk! Nagagawa nga naman ni kupido." Sabay iling.
-----
Habang ako'y busy pang kausapin ang sarili bigla naman may sumulpot na kabute sa harap ko at kung makangiti eh parang asong ulol.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.
"Ano sa tingin mo?" Rude na kung rude pero ayaw ko talaga sa babaeng parang linta kung makadikit sayo parang etong babaeng kausap ko ngayon na nakakapit na ngayon sa braso ko. Lalo na't di naman kami close. Feeling close lang?
"Ang rude mo talaga sakin Girlfriend." Sabay pout niya.
"G-girlfriend? Ohmygod ayoko sa tomboy lumayo ka nga sakin." Pagtataboy ko sa kanya.
"Hoy di ako tomboy noh." Saad niya.
"Ba't mo ko tinatawag na G-girlfriend? Duh! Kinikilabutan ako sayo eh." Pagtataboy ko ulit.
"Bakit ba yun yung gusto kong itawag sayo eh ang cute kaya. Atsaka di ako tomboy noh babae po ako sa gender eh Female."
"Huwag mo kong gawing bobo alam ko naman na ang gender ng babae ay female." Sarcastic kong saad.
"Alam mo ikaw ang sungit mo talaga. Pero okay lang atleast may thrill. Magpapakilala na nga ako sayo, I'm Elizabeth Andrade anak ng owner ng school na pinapasukan mo." Sabay ngiti niya sakin.
Etong babaeng kausap ko anak ng may-ari ng school? Weh? Baka niloloko lang ako nito. Joke joke ba yun?
Nang ilang minuto na ang nakakaraan habang nakatitig pa rin ako sa kanya at parang di naniniwala sa mga pinagsasabi niya. Mukhang nabasa naman niya ang ekspresyon ng mukha ko bigla na lang niyang inabot sa akin ang i.d niya.
"Kung di ka naniniwala ayan yung pruweba hawak mo na."
Mygod paktay baka patalsikin ako nito sa school. Na huwag naman sana. Nabasa niya ata ako at bigla naman lumungkot yung ekspresyon ng mukha niya.
"Kung inaakala mong papatalsikin kita sa school na ito nagkakamali ka di ako ganoong tao. Sana naman kahit kilala mo na kung sino ako di magbago yung pakikitungo mo sa akin. At tsaka yung dahilan pala kung bakit kita kinukulit dahil ikaw lang ang tanging ganoon sa akin. I mean, di ka katulad ng iba. Lagi mo akong sinusungitan, di pinapansin. Di katulad ng iba parang tinitingala."
"Alam mo naaamaze ako sayo."
"Alam mo bang sayo ko lang masasabing nagpapakatoo ako." Malungkot na saad nito.
BINABASA MO ANG
Once Again
CasualeMahirap mamuhay sa di mo alam kung saan ka lulugar, saan ka nararapat. Kaya mo bang tanggapin ang katotohanan? Ang mga ala-alang nakatago ng napakahabang panahon ay unti unting mabubuksan. Unti-unting mauungkat at matutuklasan. Parehas lang kayong n...