Habang sila ay naglalakad pauwi bigla na lang nagflashback sa alaala niya yung mga araw na di rin siya nakakapagpaalam kung saan siya pupunta at kung anong mga bagay ang nangyayari sa tuwing di siya nakakapagpaalam.
-----
"San ka naman nanggaling Nica ha? Di ba sinabihan ka na namin na magpapaalam ka pag aalis ka?" Sigaw ng kuya niya sa kanya. Nakatingin naman sa kaniya ang nakababatang kapatid na parang naaawa sa kaniya.
"S-sorry"
Nagwalk-out naman ang kaniyang kuya pagkatapos niyang humingi ng tawad dito.
"Pinag-alala mo kaming bata ka." Sabay yakap sa kaniya ng tita Isabelle.
"Sorry po tita." Iyak niya.
"Sssshh okay na yon, magpahinga ka na lang sa kwarto mo at dadalhan na lang kita ng makakain." Habang hinahaplos haplos ang kaniyang buhok.
"Sorry po talaga tita." Ulit niya.
"Pagpasensyahan mo na yung kuya mo, masyado lang talaga siyang nag-alala alam mo naman yun masyadong strikto sa inyong dalawa ng kapatid mo." Pagpapaliwanag nito sa kanya.
-----
"Ate asan ka?" Tawag sa kaniya ng kapatid sa kabilang linya.
"Nandito lang ako sa may Keeper Store. Uuwi din ako kaagad."
"Sige ate umuwi ka kaagad ah. Mag-iingat ka." Sagot ng kapatid.
"Ma'am P3700.65 po lahat."
"Ah sige. Heto oh."
"Thank you po ma'am. Balik po ulit kayo." Ngiti sa kaniya ng cashier.
-----
"Ano ba naman yan ang traffic, anong oras na malalate nako nito." Sabi ng katabi niyang babae.
"Manong ano po palang meron, bakit ang traffic?" Tanong naman niya sa driver ng dyeep na sinasakyan.
"Ah ma'am may banggaan po kasing nangyari. Matatagalan po tayong makausad." Sagot niyo.
"Ganon po ba."
Naramdaman niyang nagvibrate ang phone kaya kinuha niya ito. At tiningnan kung sino ang tumatawag. Ngunit ng akmang sasagutin na niya ito ay bigla na lang naglowbat. Oo nga pala't di niya nacharge ang phone kanina dahil sa maaga siyang umalis ng bahay.
-----
"Manang anong oras na po?" Tanong niya sa may katandaan nang ginang.
"Alas otso na ng gabi iha."
"Salamat po."
-----
"Hay naku! Buti na naman at nakauwi ka ng bata ka." Bungad ng kanyang tiyahin.
"Traffic po kasi masyado sa daan. May nagbanggaan po kasi." Sagot niya.
"Bakit ngayon ka lang?" Sulpot ng kuya niya.
"Natraffic sa daan, hayaan mo na pagpahingahin mo na yung bata."
"Sige na pumunta ka na sa kwarto mo."
Kaagad naman siyang umakyat ng kwarto at nagpahinga. Napagod talaga siya kakaikot sa mall at idagdag pa ang sobrang traffic.
-----
"Ma lagi na lang bang ganito? Pinag-aalala niya tayo." Sigaw nito.
"Alam mo naman ang sitwasyon diba? Dapat intindihin mo."
"Iniintindi ko ma. Pero kasi.."
"Kung ikaw ba nasa kalagayan niya, makakaya mo? Sabihin mo nga. Mabuti na nga yong umaalis alis siya tuwing araw na ganito. Para naman kahit papaano makalimot yung bata." Sagot nito.
"Ngayon papalampasin ko to ma, pero sa susunod di ko na alam." Nafufrustrate na usal nito.
"Kristoffer! Intindihin mo! Kung kailangang habaan mo pasensya mo habaan mo!" Sigaw nito.
"Tama na yan ma, kuya!" Awat ng nakababatang anak.
"Ginagawa ko ma, ginagawa ko. Pero ang hirap pala..."
-----
Ang hindi alam ng dalawa, hindi pa tuluyang nakakaalis ang dalaga. Akmang aakyat pa lang sana ito ng hagdanan ng marinig ang usapan ng tiyahin.
Rinig na rinig niya ang usapan nang dalawa.
"Ginagawa ko ma, ginagawa ko. Pero ang hirap pala..."
"Tama na pwede ba? Kuya ano bang problema mo? Lagi ka na lang g-ganito." Awat niya sa kuya niya.
"Problema ko? O problema mo? O baka naman gusto mong ipaalala ko pa sayo!"
"Kristoffer!"
"Hindi Ma! dapat maalala niya! Para maging aware siya kung gaano tayong nag-aalala sa tuwing umaalis siya't di nagpapaalam." Galit nitong sabi.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Nakalimutan mo na ba ang dahilan kung bakit ka napunta sa bahay na ito?"
Tahimik lang siyang nakikinig dito.
"O baka naman pati yung nangyari sa inyo ng mga kaklase mo eh nakalimutan mo na rin?"
"Kristoffer ano ba! Sabi ng tama na eh!" Sigaw ng kanyang tiyahin.
Sumasakit ang kaniyang ulo sa mga pinagsasabi nito. Kaya't napahawak na siya sa kaniyang ulo na parang binibiyak sa sobrang sakit.
"Ahhhhhhhh"
Unti unting nagflashback sa utak niya ang mga pangyayaring pilit niyang kinakalimutan 2 yrs ago na ang nakakaraan.
"Ahhhhhhh tama na ahhhh"
"A-ayoko na please! T-tama na parang-awa niyo na. Hindi! H-hindi totoo yun di pa sila patay. Hindi pa sila patay ahhhhhh." Iling-iling niya habang nakahawak sa ulo.
"Bella tawagan mo ang tito Arnold mo, papuntahin mo kaagad dito."
"Sige ma."
"Ahhhhhhhh! H-hindiiiiiiiii! Hindi pa sila patay." Kaagad itong nawalan ng malay, mabuti na lamang at nasalo ito ni kristoffer.
-----
SavemeAlone
BINABASA MO ANG
Once Again
RandomMahirap mamuhay sa di mo alam kung saan ka lulugar, saan ka nararapat. Kaya mo bang tanggapin ang katotohanan? Ang mga ala-alang nakatago ng napakahabang panahon ay unti unting mabubuksan. Unti-unting mauungkat at matutuklasan. Parehas lang kayong n...