Krrrrrrrriiiiiing...
"Hala! Malalate nako. Yari ako nito first day na first day ko late agad. Letse kang alarm clock ka ngayon mo lang ako ginising."
"Nasaan na ba yung i.d ko walanghiya sasabay pa eh, nagmamadali na nga yung tao. Aish! asan na ba yun." Sabay halungkat sa gamit.
-----
Sa sobrang pagmamadali niya, hindi niya namalayang kaunti na lang ay mahuhulog na sya sa baitang ng kanilang hagdanan sa sobrang laki ng mga hakbang at ayun nga ang naging resulta boom plakda! Hahaha kawawang bata. Ang ganda ganda pa naman kaso mukhang tatanga-tanga.
"Hahahahhaahahaha! LT! WHAHAHHAA!"
Sulpot ng kaniyang kuya habang pinagtatawanan siya.Akalain mo nga naman ang pagkakataon nasa bahay pa pala ang magaling niyang kuya na si Kristof o mas kilalang Kristoffer Tiu Sandoval "The Jerk" ng kilalang eskwelahan kung saan magtatransfer ang ating bida. Yes tama kayo magtatransfer ang lola nyo. At kung bakit jerk? You'll see..
"Aray huhuhu ang sakit! Alis nga dyan kainis imbes na tulungan mo ako tinatawanan mo pa ako. Susumbong kita kay tita binubully mo ko. Letse ka! Walanghiya ka talaga. Huhuhuhu ang sakit.." Sabay hawak sa parteng nasaktan.
"Di magsumbong ka as if naman maniniwala si mama sayo." Mapanghamon nitong sagot.
"Letse umalis ka na nga dyan. Tabi bwisit!!!" Iika-ika niyang lakad.
At sya namang paglabas ng bahay ng kanyang kuya pero bago pa ito tuluyang makalabas ng pintuan ay sumigaw muna ito ng...
"Mauuna na ako. Mag-iingat kasi eh, huwag gawing swimming pool ang hagdan. Hahahhaa ang lampa kasi." Pahabol nitong sabi.
"Madapa ka sanang unggoy ka!!!"
"Aray huhuhu! Ang sakit, nasaan na ba yung bag ko. Ay naku naman oh nagkalat pa yung mga laman."
"Ate anong nangyari sayo ba't may sugat yang tuhod mo? hala tara gamutin natin." Alalang tanong ng nakakabatang kapatid.
"Ha? eh hindi na kailangan gasgas lang to Bella."
"Oh sige na aalis na ko malalate na talaga ko eh malilintikan ako ng bonggang bongga ng mga professor ko huhuhu. Sige na babye mwah!"
"Sige ingat ka ate good luck sa bagong school." Sabay kaway ng kapatid na babae.
-----
"Late na talaga ako." Sabay tingin sa relo.Takboooooo takbooo takkkboo.
Hindi siya magkamayaw sa pagtakbo para lang makaabot sa kanyang unang klase at kung mamalasin ka nga naman saktong pagkadating nya sa tapat ng pintuan ng room ay sakto din naman na nagtuturo na ang kanilang guro.
Inhale exhale.
Okay eto na kakatok na.
Habang nagpapakilala ang ilan sa mga estudyante ay bigla na lamang silang napatingin sa pintuan.
"Are you in this class? Transferee?" Tanong ng guro. Agad naman siyang tumango dito bilang sagot.
"Come in." Kaagad naman ngumiti ang guro at tiningnan ang klase kung may bakanteng upuan pa ba.
"Sige Miss?" Tanong ng guro.
"Tiu po."
"Miss Tiu doon ka muna maupo sa dulo sa tabi ni Mr.Henson sa ngayon, temporary pa lang naman iyan."
Agad na nagbulungan bulungan ang mga tao sa klase ng papalapit na siya sa kaniyang uupuan.
-----
"Siya ba yung sinasabi nilang transferee? Ang ganda nya naman gusto ko syang maging kaibigan."
"Isa na namang bitch! aagawin pa sakin si henson my loves!" Angil ng isang kaklase.
"Tama ka dyan, subukan lang nyang landiin ang asawa ko at makakatikim sya."
Gumuhit naman ang isang nakakakilabot na ngiti na nagmula sa isang babaeng kabilang sa mga babaeng nagkukwentuhan. Walang iba kundi si Kastair. Ang kasalukuyang reyna ng Foston University.
"Let's see." Habang nakatingin sa babaeng papalapit sa kinauupuan ng lalaking nakayuko lang at parang walang ganang makinig sa mga ginagawa ng kanyang mga kaklase.
-----
Sa kabilang banda naman habang papalapit ang dalaga sa kaniyang upuan ay nakakaramdam sya ng di magandang mangyayari sa kaniya.
"Ano ba to naiilang na ako ah. Masyado ba akong maganda para ganyan sila makatingin." Umiling na lang siya at tuloy tuloy na lumakad papunta sa itinurong upuan ng guro.
Habang nagtuturo ang kanilang guro naiilang pa rin siya sa atensyong ibinibigay sa kanya ng mga kaklase. Hiniling na nya na matapos na agad ang klase at ng makaalis na agad sya.
Napayuko na lang sya at hinihintay na matapos ang guro. Pero sa kasamaang palad may naramdaman syang malamig na bagay na nakahawak sa kanya habang sya'y nakadukdok sa kanyang lamesa. Agad naman nanlaki ang kaniyang mga mata.
"Di kaya may multo dito? o kaya rapist na multo? Oh my god wag naman sana, lord please bata pa ako. marami pa akong pangarap sa buhay." sabi nya sa kanyang isipan.
-----
SavemeAlone
BINABASA MO ANG
Once Again
RandomMahirap mamuhay sa di mo alam kung saan ka lulugar, saan ka nararapat. Kaya mo bang tanggapin ang katotohanan? Ang mga ala-alang nakatago ng napakahabang panahon ay unti unting mabubuksan. Unti-unting mauungkat at matutuklasan. Parehas lang kayong n...