Bagong araw na naman hay nakakapagod talagang maging estudyante.
"Tingnan mo nga naman nandito ka na pala?"
"Hay naku sinabihan na kasi kita na layuan mo sya diba? Pero lapit ka parin ng lapit sa kanya. Yan ang mga napapala ng mga mang-aagaw."
"Hahahaha" tawanan naman ng mga kasama nya.
"Tapos ka na?" Walang emosyong saad ko sa kanya.
"Aba't!" Akmang gagawa ng aksyon yung kasama nya ng pigilan nya ito.
"Can you just freaki'n stop!" Sabay titig na titig sa kasamahan nyang mukha din namang mga clown sa sobrang make-up. Agad din naman itong napahiya kaya nanahimik na lang.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Tingin mo hahayaan pa rin kitang lumapit pa sa kanya. No way! Hinding hindi ako makakapayag! Oras na malaman ko na lumalapit ka pa sa kanya hindi lang yon ang aabutin mo!" Singhal nya sa akin na may panggigigil.
Tiningnan ko lang sila na parang walang pakialam sa mga pinagsasabi nila. Sana'y na akong palaging may nakakaaway sa school kaya ganito na lang ang tanging naging reaksyon ko.
"Tapos na kayo?" Ulit ko sa kanila.
"Mukhang wala ka talagang kadala dalang babae ka no? Sige tingnan natin kung hanggang saan ang itatagal mo." Sabay talikod nito.
Bago pa man ito tuluyang makalayo. Narinig ko pa ang mga sinabi niya.
"Mark my word! You're going to face hell."
Napuno naman ng mga estudyanteng nakikiusyoso sa nangyayari may ibang naaawa sa kalagayan ko, yung iba naman parang tuwang tuwa pa sa nangyayari.
"Buti nga sayo pakialamera ka kasi" rinig kong sabi ng isa sa kanila.
Nagulat na lang ako nang may biglang sumigaw sa may di kalayuan sa pwesto ko at nagdirediretso kung nasaan ako. Hays sila talagang dalawa wala nang pinagbago.
"Pwede ba magsialis na kayo dito? Wala na yung palabas at magsilayas na kayo kundi alam nyo na ang mangyayari sa inyo!"
Agad namang nagsialisan ang ibang estudyante ang ilan naman ay nagpaiwan pa rin. Hays mukhang nasa lebel niya ang mga iyon kaya di pa rin umaalis. Letche kasing buhay to oh. Ba't may diskriminasyon?
"Okay ka lang ba Lyre? Dali dali kaming tumakbo papunta dito nang mabalitaan namin yung nangyari sayo. Nag-alala kami ng sobra. Okay ka lang ba? Wala bang masakit sayo? Dalhin ka na namin sa clinic"
"Okay lang ako, salamat sa pag-aalala."
"Dapat kasi sumabay ka na sa amin papasok eh. Yan tuloy nasaktan ka na naman ng bruhang yon."
"Oh? Wag mo nang sermonan yan kita mong kakagaling lang nyan sa away eh. Ano ba kasing nangyari at nakaaway mo na naman yung bruha na yon huh? Sabi naman kasi sayo sabay na tayong pumasok!"
"Nagsalita ang di nanenermon, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
"Concern lang naman ako." Sabay pout.
Natawa na lang ako sa dalawang kasama ko. Buti na lang talaga nandyan sila lagi to the rescue pag nasa panganib ako. May connection kaya sila o kaya tracker chuchu para sa ganon? Haha nubayan kung ano ano na naiisip ko.
"Teka kumain na ba kayo?" Tanong ko sa dalawa.
"Hindi pa. Nagmadali kasi kami ng malaman namin yung nangyari sayo kaya di na kami nakapag-almusal."
"Tara na nga kumain muna kayo bago tayo pumasok."
"Papasok ka pa din?" Gulat na tanong ni Lyn.
"Oo bakit? Para san pa at pumasok ako kung di naman ako mag-aaral. Marami pa akong pangarap noh. Tsaka yung nangyari kanina huwag nyo na munang isipin yon."
BINABASA MO ANG
Once Again
RandomMahirap mamuhay sa di mo alam kung saan ka lulugar, saan ka nararapat. Kaya mo bang tanggapin ang katotohanan? Ang mga ala-alang nakatago ng napakahabang panahon ay unti unting mabubuksan. Unti-unting mauungkat at matutuklasan. Parehas lang kayong n...