Chapter 13: My bestbuddies

13 1 0
                                    

"Hay naku tama na nga yan. Kamusta na nga pala kayo nong naging boyfriend mo Shine?" Tanong ng kaklase nila.

"Ha? Okay naman na kami, actually friends pa rin kami." Sagot nito.

"Pero laftrip talaga yung eksena mo nun ha, konti na lang magiging kalebel mo na si Maja Salvador. Umaaward-winning na ang acting skills mo don teh. Kulang na lang bigyan ka namin ng award" tawa ulit nito.

"Ano ba kayo past is past na noh, tsaka tanggap ko na iba ang gusto niya. Friends pa rin naman kami." Sagot nito.

"Sabagay maganda na rin yung magkaibigan pa rin kayo sa kabila ng mga nagyari." Sabat ng isang kaklase.

"Teka asan na ba tayo?"

"Malayo pa ba tayo?"

"Medyo malapit na, huwag kayong atat guys. Di halatang mga eksayted kayo noh?"

"Matutulog muna ko gisingin nyo na lang ako." usal niya sa kaibigan.

-----

"Hoy gising na! Nandito na tayo."

"Gising na hoy mga bugok. Dalian nyo bahala kayo iwan na namin kayo."

"Bes gising na." Gising sa kanya ng kaibigan.

"Nandito na tayo tara na dali. Maganda dito, mag-eenjoy tayo promise."

-----

"Sabi sayo mag-eenjoy tayo diba?" Ngiti nito.

"Thankyou bes, sinama mo ko. Ang ganda nga dito, sobrang ganda ng mga halaman tsaka ang ganda ng lugar."

"Tara punta tayo don." Sabay turo sa bahay na bato.

-----

"Grabe ilang years na pala itong bahay na ito. Kung titingnan mo eh parang ang bago bago pa." Sabi ng dalaga.

"Ayan nga rin ang nasabi ko ng unang punta ko dito eh. Saktong sakto talaga bakasyon non eh buryong buryo na ko sa bahay. Sinama ako ng pinsan ko dito. Buti na lang sumama ako." tuwang tuwang sabi nito.

"Buti na lang sumama ka." Tawa nito.

"Buti na lang pinilit mo ko." Tawanan nilang dalawa.

"Tara. Sama ka sakin dali" sabay hablot sa kanya.

"Teka! San tayo pupunta, hinay hinay lang sa paghila."

"Basta magugustuhan mo don. Yun yung pinakapaborito kong pinupuntahan dito."

"Malapit lang yon dito, tara na bes dalian mo naman sa paglalakad."

"Oo na."

-----

"Oh? San kayo pupuntang dalawa?" Tanong ng isang kaklase nila.

"Secret. Di joke lang tara sama kayo, doon lang kami sa may plaza. Tara tawagin mo na yung iba para masaya."

"Sige. Wait lang." Sagot nito.

-----

"San tayo pupunta guys?" Tanong ng kararating lang.

"Sa may plaza maganda doon, tara dalian nyo. Alam ko may pafireworks ngayon baka maabutan pa natin. Bilisan nyo na, mauuna na kami sa van ha. Tawagan niyo na lang yung iba para mas mabilis."

"Oh ayan na pala sila." Sabay turo sa mga kasama.

"Sakay na!" Sigaw ng presidente nila.

"Aye aye captain! Woahhh"

-----

"Woahhhh, ang ganda." Kanya kanyang paghanga ang bawat isa sa mga naggagandahang fireworks show.

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon