Chapter 14: Reset

12 1 0
                                    

"Sinabihan na kita diba? Tingnan mo ang nangyari. Ang tigas kasi ng ulo mo." Sigaw ng kaniyang ina.

"Tama na yan Ma. Ang mabuti pa magpahinga po muna kayo. Hindi gugustuhin ni ate na nag-aaway kayo nang dahil sa kaniya." Sabat ng nakakabatang kapatid.

"Kuya sige na ikaw muna ang bahala kay ate." Tanging pagtango na lamang ang kaniyang naging sagot.

-----

Nang tuluyan nang maisara ang pintuan kung nasaan siya naroon ay dito na bumuhos ang kanina pa pinipigilang mga luha.

"I'm sorry." Hinging patawad niya dito.

"Alam kong hindi sapat ang paghingi ko nang tawad sa lahat ng naging kasalanan ko sayo. Patawarin mo sana ako sa lahat-lahat. Patawarin mo ako." Sambit nito habang hawak ang kamay ng babaeng walang malay na nakahiga.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sa tuwing lalapit ako sayo lagi na lang problema ang dala ko." Dugtong nito.

"Ano nga ba ang nagawa ko para sayo? Wala! Wala kasi akong kwenta. Wala akong silbi! Lagi na lang pahirap ang dala ko saiyo." Mapaklang sambit nito.

"Mabuti pa siguro layuan na kita. Mabuti pa nga siguro. P-pero gustuhin ko man bakit parang tila ang hirap? Bakit h-hindi ko magawa-gawa? Iniisip ko pa lang na mawawala ka sa akin h-hindi ko na kaya." Pag-amin nito.

"Mababaliw ako. Mababaliw ako kapag nawala ka ulit sa akin." Sabay haplos sa pisnge ng dalaga.

"Dapat hindi na pala ako nakialam. Dapat pala hinayaan na lang kitang maalala ang lahat ng iyon. Tama si Mama, matigas nga siguro talaga ang ulo ko, hindi ako marunong makinig. Kung hindi dahil sa katangahan ko wala ka sana dito ngayon. Hindi ako mag-aalala ng ganito. Sayo lang naman ako nagkakaganito. Pagdating sayo hindi ko na makilala ang sarili ko, marami akong mga bagay na nagagawa nang dahil sa iyo. At marami pa akong kayang gawin para sayo."

"Patawarin mo sana ako. Kung ganito ako sayo, siguro galit na galit ka na sa akin ngayon. Lagi kitang inaaway at kinagagalitan. Nagawa ko lang naman lahat ng iyon dahil sa sobrang pag-aalala ko sayo."

"Sana nga kaya ko pang ibalik yung nakaraan. Kung saan nagsimula ang lahat-lahat. Hindi ka sana nasasaktan ng ganito ngayon. Siguro nga ito na iyong kaparusahang sinasabi niya. Akala ko simpleng parusa lang katulad ng bubugbugin ako o kaya mababalian pero hindi pala mas higit pa. Malayong-malayo sa naiisip kong parusa dahil sa tuwing iiyak ka umiiyak din ako, kapag nahihirapan ka mas doble ang dating sa akin non at kapag nasasaktan ka mas nasasaktan ako. Mas mahirap pala at hindi ito ang inaasahan ko. Kung kaya ko lang kunin lahat ng sakit kinuha ko na sayo at ilipat sakin ginawa ko na matagal na. Kaso hindi eh, iba hindi ko kaya. At iyon yung parusa ko."

"I-ikaw ikaw ang parusa ko." Iyak niyang sambit.

"Ayoko nang masaktan ka pa nang dahil sa akin. Pasensya ka na kung naging selfish ako masyado. Sarili ko lang ang inisip ko."

"Kung maibabalik ko lang. Sana hindi ka nahihirapan nang ganito. P-patawad."

"Patawarin mo ko kung di ko kayang mawala ka sa akin."

-----
SavemeAlone

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon