Kasalukuyan akong nasa playground at nagmumuni-muni, ewan ko ba feel ko lang magpahangin ngayon.
"Ang sarap sa pakiramdam, hmm." Habang dinadama ang preskong hangin na dumadampi sa balat.
"Lalalala🎶 hmm hmm.."
Nang biglang magring ang cellphone ko.
"Hello." Sagot kahit di pa tinitingnan kung sino ang tumatawag.
"Nasaan ka bang bata ka! Bigla ka na lang nawala. Nag-alala ako kung nasaan ka na. Sabi ko naman kasi sayong uuwi ako diba? Teka kasama mo ba ang kuya mo?
Pinahanap kita sa kaniya.""Tita okay lang po ako. Nandito lang po ako sa may plaza sa may playground."
"Umuwi ka na! Teka nakita ka na ba ng kuya mo?"
"H-hindi pa po."
"Siya sige ibababa ko na ito, sumabay ka na sa kuya mo pauwi. Siguradong magagalit na naman iyon dahil di ka nagpaalam."
"Sorry na tita."
"Sige na mag-iingat ka pauwi."
-----
Habang siya ay naglalakad na pauwi ng bahay nila ay nakasalubong niya ang hingal na hingal niyang kuya.
Kapwa sila mga nakatitig lang sa isa't-isa na naimo'y nangungusap ang kanilang mga mata.
"San ka nanggaling?"
Napatahimik lamang siya, alam niya pag ganitong hindi siya nagpapaalam papagalitan na naman siya nito.
"Sabi ko san ka nanggaling?" Pasigaw nitong saad.
Nagulat na lang siya ng bigla siya nitong hilahin at madiin ang pagkakahawak sa braso niya.
"A-aray!" Ang higpit kasi talaga ng pagkakahawak nito sa kanya.
"Di ba sinabi ko ng pag aalis ka nang bahay magpapaalam ka ha? Ilan beses ko bang kailangan ulit - ulitin sayo ha? Ilan!"
Napatanga siya sa nasaksihang galit mula dito ni minsan di niya aakalaing ganito ito magalit dahil sa simpleng di niya lamang pagpapaalam kung saan siya pupunta.
Oo nga't nagagalit ito sa kanya noon, pero iba ang sitwasyon ngayon mababakas talaga ang galit sa mukha dito. Alam niyang mahaba ang pasensya nito kaya ganon na lamang ang pagtataka niya sa inaasal nito ngayon.
"K-kuya ano ba masakit!" Daing niya habang pilit tinatanggal ang pagkakahawak dito.
"Ano ba? Sabi nang bitiwan mo ko eh." Napasigaw na siya sa sobrang sakit.
"Ano bang problema mo ha? Sabi nang masakit na nga eh!" Napaiyak na siya.
Napaluwag naman ang hawak nito sa kanya, ngunit di parin siya nito binibitiwan.
"S-sorry."
Di na lamang siya umimik at baka kung ano pa ang masabi niya dito. Pinunasan na lamang niya ang mga luha. Di niya akalaing magagawa nito siyang saktan, itinuring niya itong kuya kaya di niya akalaing magagawa nito iyon sa kanya. Dahil lang sa simpleng bagay ay nagawa nito iyon. Ganon na ba kabigdeal dito iyon? Habang sila ay naglalakad pauwi bigla na lang nagflashback sa alaala niya yung mga araw na di rin siya nakakapagpaalam kung saan siya pupunta at kung anong mga bagay ang nangyari ng araw na iyon.
-----
SavemeAlone
BINABASA MO ANG
Once Again
RandomMahirap mamuhay sa di mo alam kung saan ka lulugar, saan ka nararapat. Kaya mo bang tanggapin ang katotohanan? Ang mga ala-alang nakatago ng napakahabang panahon ay unti unting mabubuksan. Unti-unting mauungkat at matutuklasan. Parehas lang kayong n...