Chapter 18: What a scene

9 1 0
                                    

Naalimpungatan ako nang biglang may parang kumalabog na gamit. Kaya't unti-unti akong napadilat nang mga mata upang tingnan kung ano iyon at doo'y nakita si manang na may inaayos lang pala na gamit.

"Oh! Mabuti naman at nagising kana pasensiya ka na nga pala at nandito ako sa kwarto mo. May pinapaayos lang ang mommy niyo. Siya sige mabuti pa bumaba ka na at nakahanda na pala ang hapunan." Saad ng matanda.

"Sige po susunod na lang po ako." Sagot ko dito.

"Ah manang?"

"Ano iyon iha?" tanong nito.

"Nasa baba po ba sila daddy at mommy? May sasabihin lang po sana ako sa kanila."

"Hay oo iha nandito sila. Hala sige ako'y bababa na muna ha." At tuluyan ng nilisan ang silid kong saan ako naroon.

"Sige po manang."

Nang mawala na ang ginang sa harapan ko. Napagpasyahan ko nang tumayo mula sa pagkakahiga at nag-iistretch ng mga kasu-kasuan.

Inayos ko muna ang mga gamit kong dala pati na rin ang pinaghigaan at saka dumiretso ng banyo upang maghugas ng mukha at ng makapagsipilyo. Nakakahiyang humarap sa kanila ng bad breath at may bakas pa nang kahapon dejoke lang. Napatingin ako sa hitsura ko sa salamin at parang tangang kinausap ang sarili. "Maganda ka naman pero bakit parang ang gulo nang buhay mo." Sabay duro sa harapan ng salamin. Naku nababaliw na naman ako. Makalabas na nga nang banyo at baka matuluyan is me.

Akmang lalabas na ako nang kwarto nang biglang may narinig akong parang may sinampal kaya nagtago akong muli at sinilip kung saan nanggagaling iyon. Nang unti-unti kong sinilip kong ano iyon ay nakakita ako nang likod ng isang babae habang yakap yakap ang isang lalaki. Lalaki? Nang medyo tumagilid sila. Hala! Packing tape na paper! nakita ko kung paano silang nagchukchakan sa mismong tinataguan ko. Bakit dito nila ginagawa yan? My god. GET A ROOM GUYS!

Teka nga bahay namin to ha? Sino naman ang mga ito at dito pa talaga gumagawa ng mga kababalaghan. Nakasaksi pa ako nang mga bagay na kakaiba. Hobby ko na ba talaga ang makakita nang mga ganitong scene? Kahit saan saan na lang mapa mall, grocery store, convenience store pati na rin ata sa school at etc.

"I-im s-orry. Hindi ko sinasadya nadala lang ako nang selos ko. Promise di na ako magiging selosa. Just give me one more chance. P-please?" Omooo tama ba ang narinig nang oh my so good braincells? One more chance daw oh? Grabe lang hindi na sila nahiya dito pa talaga. "You know I do it once right? Once is enough and I'm done." Narinig kong sabi ng lalaki.

"Why? Itutulad mo din ba ako sa iba mong mga babae? Pagkatapos mong pagsawaan iiwan mo lang sa ere. Ano to lokohan lang? So ano magsabi ka nang totoo katulad lang din ba ako nang mga babae mo?" Saad ng babae habang naiiyak na.

"Oo." Sigaw nang lalaki sa kaharap.

"N-no. I thought. ."

"You thought na may gusto talaga ako sayo? How pathethic." Nakita kong parang naiiyak na iyong babae pero pinipigilan niya lang.

"M-minahal mo naman ako diba? d-diba?" Tanong ng babae.

"Hindi kita minahal, hindi rin kita mahal at lalong lalo nang wala akong balak mahalin ka. Isa ka lang naman sa mga babae ko, katulad ka lang din naman nila pampalipas lang nang oras ko." Kitang-kita ko kung paanong natigalgal ang babae sa kinatatayuan niya habang may tumutulong mga luha. "I hate you. ." Bigkas nang babae sabay takbo pababa ng hagdan.

Nakatayo lamang doon ang lalaki at walang emosyong nakatitig sa dinaanan ng naturang babae. Maya maya pa'y narinig kong may binigkas pa ang lalaki.

"I'm s-sorry .." sabay lakad papasok sa kabilang silid kong saan katabi lamang ng aking kwarto.

-----
SavemeAlone

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon