Chapter 6: Letter

27 1 0
                                    

"Anong room mo?"

"2C" tipid kung sabi. Tumango naman sya agad pagkasabi ko. May topak nga ata talaga sya ngayon. Sumobra ba talaga ako kanina? Naguguilty tuloy ako.

"Sige Kit dito na lang, salamat sa paghatid sakin." sabay ngiti sa kanya.

Tanging tango lang ang isinagot nya sa akin sabay lakad na palayo.

Sa isip-isip ko sobra akong guilty sa mga pinagsasabi ko sa kanya.

"Dapat pala di na lang ako nakipag-sigawan sa kanya, hays pano ba to." sabay simangot.

"Makapasok na nga muna saka na ako hahanap ng tyempo para kausapin sya."

-----

Abalang abala ang klase sa kanya kanyang ginagawa nang siya ay dumating. May nagsusugal, may nagmamake-up, nagkakantahan infairnes may ibubuga at ang malala may nag-aaway na halos mabunot na yung buhok sa pagkawarfeak jusko.

Poker face lang siya habang naglalakad hanggang sa makarating siya sa kanyang upuan at hindi pinansin ang mga kaklase.

"Ang boring naman dito."

Habang wala pa ang kanilang guro ay abala muna siyang pagmasdan ang mga kaklase. Bigla na lang nagflashback sa utak niya ang nangyari kanina sa pagitan nila ni Kit. Hanggang ngayon tuloy ay parang di nya malaman kung anong gagawin niya, para kasing di nya matiis na magalit ito sa kanya. Normal pa ba yun? Parang kakakilala lang niya sa tao pero ang isiping magagalit o magtatampo ito sa kaniya ay may kakaiba siyang nararamdaman.

"Hays, nababaliw na ako."

"Mukha nga"

Napatingin naman siya bigla sa katabi at nagulat sa nakita.

"Isa pa to, letse talaga" usal niya sa sarili.

"What?" Sabay irap ng katabi.

"Wala kinakausap ko lang yung sarili ko" sarcastic na usal niya.

"Baliw!"

"Pangit!"

"Huh? Me? Baka malabo na mata mo, sa gwapo kung to pangit. Baka pag hinalikan kita diyan di muna makalimutan tong mukhang to."

"Tse! "

-----

Sakto naman ang dating nang kanilang guro at nagsimula na mag-attendance.

"Ms. Roque!"

"Present!"

"Mr. Buenaventura!"

"Present."

Blablablabla...

"Mr. Henson!"

"Present"

"O himala yata at pumasok ka pa? Anyare nagbabagong buhay ka na ba?" saad ng kanilang guro sabay irap.

Bigla namang may sumabat na lalaki na mukhang ganster at sinabing..

"Si maam talaga joker, ba't naman niya babaguhin sarili niya. Sikat nga po yan e."

"So ganon? Kasikatan lang ang pinupunto mo Mr. Villaloboz. Let's see, pag ikaw di pa nagbago sa ugali mong yan. Tsk. Tsk.Pagdating nang araw makakahanap kayo ng mga katapat niyo. Tingnan ko lang kung di nyo pagsisihan yang mga ginagawa niyo."

"Ay si maam Whoagoat! Panes! Hahaha" biglang singit naman nang isang kaklaseng babae. Sabay ang hiyawan at sigawan nang klase.

"Sige tama na yan. Balik na tayo. Mr. Suarez!" saad ng guro.

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon