Chapter 31: Emotions

26 1 0
                                    

Nandito ko kwarto ko at di malaman ang gagawin. Para kong sinisilihan sa puwet at di malaman ang gagawin.

Pagkatapos akong maihatid ni Ryder ay nagdirediretso nako sa kwarto.

May pahalik-halik pa siya sa pisnge! Nagulat kaya ako kaya di agad ako nakareact. Tapos parang tanga, kanina ang seryoso then biglang gaganon! Nakangiti pa ang loko.

Nababadtrip talaga ako!

Nakasalubong ko pa nga si Kuya pero inirapan ko lang siya, bahala siya dyan gawin ba naman akong parang prostitute sa kaibigan niya.

"Hay susmayosep, buhay ko sobrang gulo." Buntong hininga na lang.

Ano nang gagawin ko?

Paano ko siya haharapin bukas? Mag-HiHi or Hello ganon? Aba'y siniswerte siya. Kala niya kakausapin ko pa siya, pwes matagal nang matigas bungo at ulo ko kaya di niya ko mapapasunod sa mga gusto niya.

Tama! Napaisip ako "Ikaw ang susunod sa mga gusto ko, at hindi ako. Hindi mo ako basta-bastang mapapasunod. Mali kang ako pa ang pinagtripan mo."

"Humanda ka sa gagawin ko bukas."

"Hindi mo ako kilala, kung matigas ka mas matigas parin ako. Walang hindi sumusuko sa katigasan nang ulo ko."

"Pero anong gagawin ko?" Nilamukos ko na lang iyong bed sheet sa sobrang pagkayamot ko. Bakit nga ba kasi ganyan siya? Wala naman kasi akong natatandaang atraso sa kanya, liban na lang noong inirapan ko siya, no! marami naman sila noon kasama si kuya.

"Nababaliw na ako." Habang ginugulo ang buhok. "Anong mukha ihaharap ko sa mga kaibigan ko bukas, paniguradong hindi ako titigilan nang mga yon."

"Ngina ka Ryder! Wag ka na sanang magising. Pinapasakit mo puso at utak ko, wala na ayoko na talaga sayo."

Napatingin ako sa cellphone ko at nakitang may nagtext. Agad naman ako muling napasabunot sa buhok.

"See you tom, love - Ryder." Sabi sa text.

Ano nang gagawin ko? Ayoko talaga.
Bahala na bukas, eh kung iwasan ko na lang kaya siya? Hindi! Mali paniguradong siya na naman maghahatid sa akin sa school at wala na akong kawala.

-----
SavemeAlone

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon